Datum 22 : Forced Enlistment

1.3K 75 135
                                    


Von's Point Of View


"Ielvy!!"

Mabilis kong inimulat ang aking mga mata nang tuluyan na akong magising dala ng mabilis na pagsagi ng huling imahe ni Ielvy saaking isipan.

She was still wearing her mint green hospital gown nang huli ko siyang makitang naglalakad mula sa hallways palayo saaking silid.

I still remember that I was walking down the stairs patungo sa isa sa mga balcony ng ospital nang biglang magdilim ang aking paningin.

Ramdam ko ang matinding init na bumabalot mula napakasikip at napakadilim kong kinalalagyan ngayon.

Where the hell am I right now?! Namamawis na ang mga kilikili ko sa lugar na ito. Napaksikip. Para akong nasa loob ng isang maleta.

Oh. Wait. Maleta?!! Masa-salvage naba ako?! Sus!! Hindi pwedeng mangyari iyon! I'm too handsome to die this way!!

Well sh*t.

Dahan dahan kong binuhat ang sarili ko at sinubukang galawin ang aking mga braso.

What the actual f*ck?.

Gulat akong napatigil nang maramdaman kong tila bay may kung anong mahigipit na bagay na nakagapos saaking mga kamay.

Laser cuffs? Pero paano??

Unti unti nang pumupukaw saaking ilong ang kakaibang amoy ng pinaghalong grasa at goma sa sa loob. Natigilan ako nang sumagi saaking isipan ang isang hinala.

Grasa? Goma? Could it be na nasa loob ako ng trunk ng isang kotse?!!! Hindi pa sila nakuntento at isiniksik pa nila ako dito sa loob?!

What the actual f*ck is going on here!!??

Kusang bumuka ang aking bibig in my attempt to force a scream, ngunit pagkagimbal ang natuon saaking isipan nang matanto kong walang boses na kumawala saaking bibig.

Pilitin ko mang maglabas ng kahit na katiting na boses ay hindi ko magawa nang dahil sa isang makapal na duct tape na nakadikit saaking bibig.

Nanlaki ang aking mga mata habang pilit na iniinda ang hapdi ng pagtama ng aking maalat na pawis saaking kaliwang mata.

At aba'y dinaig ko pa ang sardinas sa sobrang pagka-siksik ko sa lugar na ito! Mapapanis na ang laway ko sa sobrang higpit ng tape na itinapal nila saaking bibig.

And I bet pahuhubarin pa nila ako at itatapon sa kung saang masukal na lupalop ng Xavierheld nilang maisipang kaladkarin ang aking matipunong bangkay!

Nasaan ang hustisya!

Mabilis na naputol ang aking pag-iisip nang maramdaman ko ang isang mabilis na pag angat ng kotse sa isang hump dahilan upang mauntog ang ulo ko sa cover ng trunk.

Bwisit na driver!!! Uunahin kita pag ako nakatakas!!

Agad kong naramdaman ang kusang pagtigil ng aking sinasakyan. Dinig na dinig ko ang marahang pagbukas ng pinto mula sa labas.

Sh*t got real. Hindi ko maiwasang kabahan nang marinig ko ang unti-unting paglapit ng iilang mga mabibigat na yapak patungo sa kinalalagyan ko.

Mas namawis ang aking mga kamay. I can feel sweat flooding through my armpits and neck. Napapikit ako as I try to concentrate and think.

*Cluck*

Natigilan ako nang marinig ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto ng trunk. Shit. Should I run? Should I hide? Dance? or perform the art of seduction?

Code 365 Project MemoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora