Datum 30 : Strength and Fury

Start from the beginning
                                        

Sasabog na aking puso.!!

Mababaliw na ako!!!!

Natanaw ko ang isang armas na nakalupaypay sa sahig kasama ng mga sinutron

Ito na ba ang sagot saaking desperadong dasal at pagmamakaawa sainyo?

Tuluyan nang nandilim ang aking paningin ng marinig ako ang isang malakas na pagpunit ng damit mula sa loob ng silid.

"ATE SERENE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

BANG!!

BANG!!

BANG!!

BANG!!!

Apat na magkakasabay na putok ng baril ang kumalat sa buong silid. Agad kong naramdaman ang mainit-init pang dugong dumaloy mula saaking mga paa.

Tanging ang malakas at mabilis na pagpintig ng aking puso at ang aking mga malalalim na hininga ang aking nadinig.

Nabibingi ako sa labas ng aking katawan.

Dahan-dahan akong nagsimulang maglakad. Nahihilo ako. Nanlalabo na ang aking panigin. Ngunit hindi pa ako tapos sa lugar na ito.

Ang sahig, ay naliligo na sa magkahalong dugo ng hindi kilalang kalalakihan halos nakahubad na.

Nakakadiri silang pagmasdan.

Sininagan ng liwanang ng lampara ang mapulang dugo sa sahig. Nakita ko ang aking repleksyon sa pula at malapot ba tubig sa sahig.

Mga matang walang kinang. Mga pisnging nabalot ng nakakadiring dugo.

Hindi ko akalaing ang duwag na ito ay may halimaw na nakakubli sakanyang kaluluwa."

"Ate..Serene." Mahina kong bulong habang pinagmamasdan ko ang aking nakihindik-hindik na sinapit ng aking kapatid.

Nilinis ng aking mga luha ang bahid ng dugo saaking mga pisngi habang dahan –dahan ko siyang niyakap.

Puro pasa ang kanyang katawan. Mahina at wala nang malay.

"Tulong.." Ang aking tanging mahinang Pabigkas.

Hawak-hawak parin ang baril na kumitil sa apat na kalakakihan, ay pinasan ko ang aking kapatid palabas ng luma at abandonadong bahay.

Pasan ko saaking likod ang isang buhay na hindi lamang nasilayan ang kagandahan ng mundong ito. Pasan ko saaking likod ang isang buhay na hindi lamang nabigyan ng kaunting kasiyahan.

Hindi ko alintana ang mga naiwang dugo mula saaking mga paang naglalakad sa mabato at matipak na daan. Bale wala ang sakit saaking mga paa, kung ikukumpara sa sakit ng isang pagiging isang duwag.

Natanaw ng aking mga pagod nang mga mata ang mga nagkikisplang ilaw ng siyudad mula sa hindi kalayuan. Ang mga ilaw na hindi ko kailanman magagawang masilayan pang muli.

Mula sa tabi ng isang madilim na eskinita,bumigay ang aking kaliwang tuhod sa sobrang pagod at bigat.

Ang aking kanang kamay, hawak-hawak parin ang madugong baril. Pilit kong itinuwid ang aking tayo sa kabila ng mga nanginginig kong sugat-sugat nang tuhod.

"Tulong.. Tulong.." Mahinang boses na kumawala saaking lalamunan habang hinagod ng aking kamay ang malamig at magaspang na dingding.

Iniangat ko ang aking ulo nang makarinig ako ng isang pamilyar na tunog na paparating mula sa hindi kalayuan.

"Kotse. Tunong ng kotse. Mabilis. Paparating."

Saaking huling natitirang lakas ay desidido na ako saaking gagawin. Ito nalang ang tanging paraan na alam ko.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now