Datum 30 : Strength and Fury

Start from the beginning
                                        

Kami ay ang iilan lamang sa mga batang masaklap na naapektuhan ang giyera 2 taon na ang nakakalipas.

Ang aming mga magulang ay ang iilan lamang sa mga hindi pinalad na nakabalik pa muli. At kalian man ay hindi na babalik pa kahit baligtarin mo ang mundo.

"Nawalan ka ng malay at 5 oras ka nang natutulog." Sambit niya at agad na inbot saakin ang isang plastik ng maliit na tinapay.

"Kain na. Wala tayong masyadong nakita ngayong araw, bukod sa iilang barya." Nakangiting sabi niya at madaling inialis sa plastik ang kanyang hati ng tinapay.

Pinagmasdan ko siya ng maigi. Sa ilalim ng kanyang mga ngiti ay naroon nagkukubli ang matinding pagod at pag-aalala para saaming dalawa sa mga susunod na oras.

Siguardong bartolina nanaman ang bagsak namin ni Ate pagkauwi.

Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang masyadong marupok ang aking katawan, siguradong ligtas kaming dalawa kay "boss"

Tinitigan ako ang malamig at matigas nang tinapay na aking hawak. Nanlabo nanaman ang aking mga mata, pagkat damang-dama ko ang luhang gustong kumawala saaking mga mata.

..............................

"Ito lang???!!!!! bakit ito lang??!!"

Isang kahindik-hindik na sigaw ang bumutas saaking tainga.

"P..Pasensya na po, boss. Marami pong pulis at patrol agents ang rumonda ngayong araw---"

"Wala kang kwenta!!!"

Buong diing itinakip ng aking mga nanginginig na palad ang aking tainga. Isang malakas na bagsak ng mabigat na kamay ang humapas sa manipis na pisngi ng aking nakakatandang kapatid.

Halos hindi ko na maigalaw ang aking mga binti habang buong kulob na nakatago sa ilalim ng kanyang lumang kama.

IIlang mga boses pa ng mga lasing na kalalakihan ang aking narining mula sa loob. Lahat sila'y nagtatawanan, nangkukutya.

At heto ako mas duwag pa sa asong nabahag ang buntot. Ni hindi magawang maigalaw ang aking mga binti sa takot.

Ni hindi makaimik, pagkat takot ang namamayani sa nanginginig na payat at gutom na kalamnan.

Samantalang ang aking kapatid na nasa bingit na ng kamatayan.

Bakit?!!!! Bakit ang duwag duwag ko!?

Bakit ako pinanganak na duwag?!!!

"Boss mukhang kailangan din natin ng good time ngayon. Pwede na yang batang yan."

Nangatog ang aking mga tuhod saaking sunod na naring. Tuluyang nanlamig ang aking buong kalamanan.

Unti-unti na akong nilalamaon ng aking naghahalong matinding takot at pangangamba nang marinig ng aking mga tainga ang pag kalas ng mga sinturon ng mga lasing na kalalakihan.

Ang tunog ng mga nagbubukas na siper ng mga pantalong nahuhulog sa maduming sahig. Mga baryang hindi na nagawang maipulot mula sa bulsa.

Mga gamit at armas na nakalupaypay kasama ng mga sinturong hindi intensyong gamiting pamalo.

Kundi ang intensyong hubarin kapalit ang panandaliang sarap na kakalma sakanilang mga makasalanang katawan.

"Wag po. Pakiusap!! Nagmamakaawa ako—" pagmamakaawa ang aking kaawa-awang kapatid. Wala akong marinig kundi ang mga halak-halak ng mga taong halang ang kaluluwa.

Hindi ako makagalaw.

Hindi ako makahinga.

Nabibingi ako.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now