ACTIVITY TRACK FIELD 5A-1, HANNESWORTH INSTITUTE FOR MILITARY ACADEMICS
CITY OF LAURENE, XAVIERHELD COLONY
1357H (01:57 PM)
"Malapit na.. Malapit na.. Konting takbo nalang—"
Bulong ko saaking sarili habang pilit kong ipinapatakbo ang aking mga nanginginig nang mga binti.
Damang-dama ko ang nakakapasong init ng araw na halos sunugin na ang aking pinagpapawisan na balat. Ang buong paligid ng running track ay halos sobrang liwanag dahil sa matinding sikat ng araw.
Hindi ko na nagawa pang mapansin ang iilang mga estudyanteng trainee na nagawa nang lampasan ako ng mahigit iilang metro na.
"Patpatin kasi! Siguradong bagsak na iyan"
"Ano ba kasi ang pinaggagawa niyan? One hundred meter run lang naman ang pinapagawa. Kala mo tinakbo na ang buong City ng Laurene."
Unti-unting nabibingi ang aking pandinig. Lahat ng kanilang mga makutyang halakhak, lahat ng panlalait, dahandahang nawawala.
Ano bang nangyayari??
Pilit kong iniangat ang aking ulo, nalalabo na ang aking paningin. Basang-basa na ang aking mukha ng pawis sa puntong nilulunod na nito ang aking paningin.
Sa hindi kalayuan natanaw ko ang isang matangkad na lalaking may asul na buhok na nakatayo sa may finish line. Kahit Malabo na ang aking paningin, nababahid sakanyang seryosong mukha ang isang mapanghusgang tingin.
Malabo. Lumalabo na. Pero malapit na. Malapit na.
Anong nangyayari?? Bakit parang tumatagilid ang paningin ko? Bakit wala akong maramdaman? Bakit wala akong Makita-----
"IVAN!!!! IVAN!!!!"
Nakakarinig ako ang malakas na sigaw. Sigaw ng dalawang babae. Sigurado akong si Ielvy ang isa. Ngunit ang sunod.
"Ivann! Kapit lang! parating na ang medic—"
"Ivann!..."
"Ivann.."
"Ivann.."
1O YEARS AGO
"Ivann.."
Inimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang batang babae mula saaking tabi.
Inikot ko ang aking mga pagod nang mga mata sa direksyon ang boses. Ang aking mga nanlalabong paningin ay unti-unting luminaw at natanaw ko ang mukha ng isang nag-aalalang batang babae na may light pink na buhok hanggang balikat.
Halatang hindi pa siyang nakapagsuklay simula nung umaga. At mas lalo nang mukhang wala pa siyang ligo ng mahigit na 3 araw na.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" pag aalala niyang tanong.
Dahan dahan akong napa upo mula saaking kinahihigaan. Isang marupok na tunog ang gumulantang saakin ng ako'y biglang gumalaw.
Natanto kong tuluyan nang nabali ang isang manipis na kahoy na nagsilbing aking higaan dito sa isa sa mga abandonadong bangketa hindi kalayuan sa may siyudad.
"Huy, alam mo naman na hindi kama ang hinihigaan mo." Pag alalang sabi ng batang babae saakin habang hinagod ang aking payat na likod.
"Ano ba kasing nangyari, ate?"
Napatanaw ako sakanya. Oo. Siya ang aking nakakatandang kapatid na babae. At siya na lang ang aking natatanging pamilya. Pareho na kaming ulila.
YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...
Datum 30 : Strength and Fury
Start from the beginning
