"Bulag kana ba sir!? Sabi ko na nga ba ehh!" Kaninang nagtatanong ako, pinagalitan ako tapos ngayon? Anong nangayayari sa word!? Wait! Wurd? World pala yun! Ang genius genius ko yey!

"Sir ako ba ay nililito nyong talaga!? Sabi nyo PO kanina na ehem," Tumigil muna ako para gayahin ang boses nya kanina.

"Get me some coffe, yan PO ang sinabi mo PO at base sa pag translate ko ay kunan mo ako ng kape." Hinawakan nya ang noo nya at bahagyang hinilot ito.

"Lord, what had I done in my past life? Why am I experiencing like this? I only love jskaksnsjsssgak" Di ko na narinig ang nasa hulihan kasi pahina ng pahina ang boses nya. Di na rin ako nag translate kasi naiistress ang betiful brain ko.

Tinitigan ko lang sya. Luh! Baka may sumapi sa kanya habang kumukuha ako ng kape!

Dali dali kong kinuha ang rosaryo ko sa bag na nakapatung sa couch pagkatapos ay lumapit ako kay Sir na nakatungo.

"Lumabas ka masamang espirito! Lumabas ka sa katawan ng sir ko!" Sigaw ko sa harap nya habang inilagay ko ang rosaryo sa noo nya. Pumikit ako habang nanginginig ang mga kamay ko.

Napadilat nalang ako nong biglang may tumabig sa kamay ko. S-si sir na g-galit n-na g-galit n-na n-nakatingin sakin.

"What the fuck are you doing!?" Galit na galit nyang sigaw. Ayan na! Lumalabas na ang demonyo. Kailangan ko pang patatagin ang panalangin ko.

"Nawa'y paalisin nyo ang demonyo sa katawan ng taong ito! Kahit para syang nangangain ng tao ay tao parin sya tulungan nyo akong paalisin ang demonyong sumapi sa katawan nya!" Malakas kong sigaw habang ibinalik ang rosaryo sa noo nya.

Di sya makapaniwalang nakatingin sakin. Ito na yun, ito na ang signus na malapit ng lumabas ang demonyo sa kanyang katawan.

"What the fuck Carnasyon! Shit are you real!?" Ito na naman sila, nagtatanong kong si real ba daw ako, eh kasasabi lang nya kanina na Carnasyon ang pangalan ko. Iba talaga ang nakahithit jusko!

Hinilot muna nya ang kanyang noo bago tumayo.

"I'm outta here." Aalis sya!? Paano na ang demonyo sa kanyang katawan. Di ito maari! Baka makapanakit sya ng ibang tao.

"Sir!" Tawag ko sa kanya. Hahawakan na sana nya ang doorknob nang tawagin ko sya. Lumingon sya at tiningnan ako nang malamig.

"What?" Malamig nyang saad. Anong gagawin ko!? Ito ang misyon ko! Kailangan kong mapalabas ang demonyo sa kanyang katawan! Ah basta!

"Sir, donut labas labas in the doorknob you might git uhhm damay damay the tao because op the demonyo in the inside op you! You now demonyo? Its da umh dimon dimon?" Hinahapo kong saad sa kanya. Sheyt englis yun! Ang genius genius ko talaga clabz clabz your hands pepol.

Gumalaw ang kanyang mga labi hanggang sa...

"Fck! Hahahahahahahaha you're funny hahahahahaha I can't believe this shit Fvck hahahahaha" Tawa nya habang nakahawak sa tyan nya. Bakit sya tumatawa? Epekto siguro ng demonyo!

"S-sir o-okay pa po k-kayo?" Nauutal kong tanong. Baka di na pala si Sir tong kausap ko ngayon baka demonyo na, katakot yun.

Tumigil muna sya sa katatawa bago sumagot sakin.

"You know—Alam mo Miss Carnation, thank you for making me laugh. This is the second time that I laugh like this after that incident. Anyway I really need to go haha" Sabi nya habang nakahawak parin sa tyan nya. Di ko nalang pinansin ang mga ingles na pinagsasabi nya dahil dudugo na naman utak ko dun. Basta ang nasa utak ko lang ay, YUNG DEMONYONG NASA KATAWAN NYA.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now