Hindi na ito pinansin pa ni Lust at sinimulan nang hanapin si Snow. Umakyat pa siya sa ibabaw ng mga clockwork monsters para makita ang paligid. He can't find her anywhere! Shit!

Kinakabahan na si Lust.

"SNOW?!"

Wala.

Nasaan na ba ang babaeng 'yon?!

Nilagpasan lang ni Lust sina Hades at Wrath na mukhang nagkakapersonalan na naman. 'Kailan ba matatapos ang away ng dalawang 'to?!' Lust groaned in frustration and tried searching for the raven-haired girl again. Pero agad rin siyang tumigil nang marinig niya ang pagsigaw sa sakit ng isang nilalang sa kanilang likuran. Lust spun around, just in time to see a zombie drop dead on the grassy ground. "Teka, paanong---?"

"Mag-iingat ka, love. Though, I'll gladly fight by your side if you want me to. T-That's how much I love you, Lust!"

Nagtama ang mga mata nila ni Fleur, ang diyosa sa Fountain of Tears. Seryoso ang ekspresyon nito at mukhang handa nga silang tulungan. 'Iba talaga ang karisma ko!' Mahinang natawa si Lust at kumindat sa diyosa, "I appreciate the help, babe...but my heart is already taken."

Inis na napabuntong-hininga si Fleur. "Hindi kita susukuan, and I'll make sure you'll be mine!" At nagpakawala siya ng mga dragong gawa sa tubig. Bumulusok ang mga ito sa mga kaaway at mukhang dito na lang ibinabaling ni Fleur ang kanyang sama ng loob. Nagkibit na lang ng balikat si Lust. 'Atleast she's not trying to kill me for breaking her heart.'

Maglalakad na sana si Lust para hanapin ang kanilang katulong nang mapansin ang bulto ng isang lalaking pumapasok sa mansyon.

His eyes widened in horror.

'Pride!'

Mukhang heto na ang kinakatakot nilang mangyari. Walang inaksayang oras si Lust at mabilis siyang sinundan sa kanilang mansyon. Nang makarating siya roon, napasinghap siya nang makitang naglaho na ito sa madidilim na mga pasilyo. Lust's heart pounded inside her chest.

'Shit! No! He's gonna kill us!'

Kailangan niyang pigilan si Pride!

Pero sa anim na lokasyong pwede niyang puntahan, hindi alam ni Lust kung sino ang uunahin nito!

"Fuck this. We're dead!"

Literally.

*
Pakiramdam ni Snow ay wala na siyang lakas para pumalag pa sa pagkakahawak sa kanya ng halimaw. Halos wala siyang makita sa paligid at tanging mga gumagalaw na sanga lang ang naririnig niya. Naaalala niya noong inatake sila ng mga nilalang ng Tartarus. Nagtungo siya rito at kamuntik nang malamon ng mga halaman kung hindi lang siya iniligtas ni Pride. Just then, a thought came to her mind..

"The attack was a diversion. Inatake kami ng mga nilalang na 'yon para may gawin kayong kung ano kay Pride. Kaya siya biglang gumaling noong nga panahong 'yon." She spat out the words like venom. Tumalim ang tingin niya sa likod ng clockmaker na kumupkop sa kanya noon. Kahit kailan, hindi siya magpapasalamat sa ginawa nitong "kabutihan". Snow White felt like a rat inside that stupid cage.

Matagal bago nakasagot si Boswell.

"While the monsters distracted you, I've ordered Morticia to trigger the spell she gave him. She jinxed him when they kissed, but I gave the signal to use that against you."

"Naghintay ka lang ng pagkakataong gamitin si Pride laban sa'min.. It's all a matter of timing."

Mr. Jeremy Hans Boswell stopped in his tracks and turned to glimpse at her. Isang maliit na ngiti sa kanyang labi. "You know me so well, my Little Snow."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now