3

1.2K 33 21
                                    

"Alis na tayo, Girls?" Yaya ko sa kanila. Tapos na rin kaming kumain at nakapagpahinga na. Hindi lang talaga ako makagalaw ng ayos dito dahil ramdam kong may mga matang nakatitig sa akin. CREEPY! 

"Mamaya na. Hindi pa ako nagsasawang titigan yung nasa kabilang table." Sabay hagikgik ni Bianca. Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. 

"Kahit kailan ikaw, Bianca, basta lalaki buhay na buhay ang dugo mo." Naiirita kong sabi sa kanya pero hindi ako pinansin ng luka-luka bagkus luminga dun sa kabila sabay nagpacute. Si Bianca nalang ang nagpapacute dahil ang iba ay tahimik na tinitignan ang mga anik-anik nilang dala at dahil busog na rin ang mga ito. Pumunta lang naman kami dito para kumain hindi para maghanap ng lalaki pero si Bianca talaga nakakahiya. Gutom na gutom lagi sa lalaki! 

"Kung ayaw niyo pang umuwi, mauuna na ako sa inyo. Gagawa pa kasi ako ng Lesson plan ko for tomorrow and manunuod pa ako ng hindi ko natapos na serial killer na palabas." Paalam ko sa kanila.  

"Ang KJ mo ngayon, Jasmin." Si Leslie. Umiling-iling nalang ako baka mapunta pa sa away to matagal na naman bago kami magkita-kita. 

"Hindi naman sa KJ. Gusto ko lang iparating na hindi na tayo COLLEGE student at nasa REAL WORLD na tayo." Pagdidiin ko. Tumayo na ako at kinuha ko ang mga gamit ko sabay sakbat ng bagong Bag na kabibili ko lang sa balikat ko bago tinalikuran sila.  

Alam kong hindi nila ako susundan dahil alam na nilang tinotopak na ako at hindi pwedeng kausapin baka mas lalong lumala pa. Mas mabuti pang kumalma muna ako bago sila kausapin. Ang babaw ng dahilan pero para lang sa mga lalaking yon? Nakakairita talaga! 

Nakakainis pa, ang tagal ng jeep. Gustong-gusto ko nang makauwi para makapagpahinga pero hanggang ngayon wala pa ring dumadaan. Tinignan ko ang relos sa bisig ko maaga pa naman pero bakit kokonti nalang ang dumadaan ngayon dito? 

"Gusto mo hatid na kita?" Isang boses lalaki na nakapagpatindig ng baahibo ko sa batok ko ang nagsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Papatayin niya ba ako? Rereypin? Hindi pa ako handa! Hindi pa ako nakikipagbati sa mga girlfriends ko tapos sila Mommy, hindi pa ako nakakapagpaalam ng ayos. Hindi pa din ako nag aI LOVE YOU sa kanila simula ng magdalaga ako.Napayakap ako sa sarili ko. Bumalik na kayo ako sa loob kung nasaan ang barkada? "Wag kang feeling Ms. Suplada, nagsusuggest lang naman ako pero kung ayaw mo e di wag di kita pipilitin. Pati di din kita type no." 

Umusok ang ilong ko sa sinabi ng lalaking iyon kaya naman agad kong binalingan kung sino mang hudas na walang galang. Kaya pala familiar yung boses niya dahil siya yung lalaking kupal na sumingit sa counter kanina.  

Alam kong maliit ako pero may panglaban naman ako, yung matambok kong pwet na wala ang ibang membro ng Baka Girls pati madaming nagsasabing naiinggit sila doon. Bakit ko ba pinagtatanggol ang sarili ko sa kanya? Eh di hindi niya ako type, hindi ko din naman siya type. PISTI! 

"No thanks but no thanks." Inirapan ko siya bago tinalikuran.   

"Jeez! Ikaw na nga inoferan ikaw pa nag-iinarte o baka naman naiinis ka dahil hindi kita pinansin kanina. Sorry na oh! Minsan lang kasi kaming magkitang magkakaibigan kaya usapan na walang babae ngayon."  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now