27

486 19 76
                                    

"Mag-ingat ka okay?" Ngumiti ako sa kanya habang nagpaalam dito sa Lobby ng Hotel. Tumango ito sa akin bago lumapit at hinalikan ako sa labi. Nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya at dahil sa pinapanuod kami ng mga pinsan ko. "Pag may nangyari tawagan mo lang ako huh?" Muli, hinalikan niya ako sa labi at nagpaalam na din sa mga pinsan ko.  

Inantay ko siyang makapasok sa loob ng Elevator bago hinarap ang mga pinsan ko. Ngumisi sa akin si Jack bago nagtaas lang ng kilay si Jelly at si Totoy na tahimik lang na nakatingin sa akin. 

Habang nabyahe kami pauwi ay hindi ako mapakali. Feeling ko may mangyayaring iba ngayong gabi. Hindi ko ba magugustuhan? Tahimik lang din ang mga pinsan ko sa kani-kanilang upuan. Pumarada kami sa tapat ng Bahay ng Lolo mas bumilis ang tahip ng dibdib ko at namamasa na ang mga palad ko. May iba ngayong gabi hindi dahil sa maalinsangan yon pero iba talaga. 

Pagkababa namin ay nauna na akong pumasok sa bahay. May mga boses akong naririnig na hindi ko alam kung saan galing. "Toby!" Bati ni Lolo habang ito ay nasa likuran ko. Lumapit ako kay Lolo para magmano sumunod naman ang mga pinsan ko. "Hello po." Bati niya kay Lolo.  

Nakaupo si Pops at ang Tito sa Sofa habang nakamasid sa aming magpipinsan. Nahuli ng mata ko ang mata ni Lolo. Numipis ang mga labi nito at sumingkit ang mga mata niya. Biglang bumilis ang tahip ng dibdib ko ng maalala na may ipapakilala siya sa akin. "Kilala mo na ba siya Jasmin? Si Toby Toyoma?" Marahan akong tumango sa kanya. "Sinabi ko sayo diba may papakilala ako?" Tumango ulit ako sa kanya bago kumunot ang noo. Nilingon ko ang mga pinsan ko. Si Jack ay nakapramaso na nakasandal lang sa dahon na pintuan at si Jelly ay nakatingin lang sa akin bago huli kong tinignan si Toby na nakapamulsa sa kanyang Khaki Short.  

Ayokong kumpirmahin ang naglalaro sa isipan ko dahil hindi ko din magugustuhan ang magiging sagot non.  "Nandito ang Pops mo kanina at nakapag-usap na kami." Lahad niya kay Toby. Hinanap ng mata ko ang mata ni Pops na seryosong nakatingin sa akin. "Anong meron?" I mouthed. Hindi niya ako sinagot bagkus ay narinig ko na naman ang boses ng Lolo na nakatayo sa harapan ko habang may hawak na baston. 

"Tamang-tama nandito na kayo." Pakli ng Lolo. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko parang lalabas na siya sa loob ng dibdib ko dahil sa sobrang lakas. 

"B-Bakit po?" Hindi ko alam kung paano ko namanage ang magtanong pa sa kanya. Biglang may lumabas na isang lalaki galing sa garden ng bahay na ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko siya at yung mga taong nasa likod niya. Masayang nagtatawanan ang mga ito. Lumabas din si Mommy mula sa kusina na may dala-dalang tray na may laman na baso ng Juice. 

Halos pabulong na ang nagawa ko sa pagtawag sa pangalan niya. "Sir Montello?"  Blankong-blangko ang isip ko ngayon, sa mga nangyayari at anong ginagawa nila dito? 

Ngumiti siya sa akin na lagi niyang ginagawa. Killer Smile. "Miss Samuel." Nagpalingon-lingon ako dahil natahimik ang mga taong naririto at pawang mga nakamasid lang at nakikinig sa mga susunod kong sasabihin. 

"W-what a-are you doing here?" nauutal na tanong ko sa kanya.  

"It's seems you knew each other." Sumingit si Lolo sa pag-uusap namin. 

"O-opo." 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora