31

444 22 27
                                    

"Wait, What? 71 gramercy? Of all the clubs bakit don pa?" Tanong ko sa kanya. Ayaw kong pumunta don dahil sa panget ang lugar na yon kundi sa alala na bumabalik sa isipan ko na may nangyari last na nagpunta ako sa Club na yon. 

"Why? Isa sa Favorite place natin 'yon and I miss that club." Tanong ni Bianca sabay nguso.  Alam nilang may something doon pero bakit feeling ko parang sinasadya nila na doon talaga kami pumunta kahit na inosente ang mga mukha nilang nakatitig sa akin.  

"Yeah, and I'm sure wala 'yon don as far as I am remember, nagpunta lang 'yon." Sabay itinaas nito ang mga daliri at ipinakita ang peace sign bago iginalaw iyon pabababa at paitaas. "Dahil nandon ka. And well, sorry to offend you.  Sa ginawa mo sa kanya wala nang lakas ng loob na pumunta pa yon don at hindi niya naman alam na nandito ka sa Manila right?" Tanong ni Ann. 

I nod. Tama siya bakit ba ako natatakot na pumunta don kung alam naman niyang wala ako sa Manila at nasa Probinsya ako pero may iba sa mga ngiti ni Ann ngayon kahit na ang inosente ng mukha niya habang sinasabi yon sa akin. "Hindi ka naman namin pababayaan don." Pag aassure ni Leslie sa akin. 

"Fine. Fine. Uuwi na muna ako para magpaalam sa mga pinsan ko." Tumayo na ako pati na rin sila upang umuwi sa kani-kanilang tirahan at para maghanda sa lakad namin mamaya. 

— 

Papasok ako ng isang malaking bahay nang mabungaran ko ang mga pinsan ko. Naglalaro ang mga ito ng Xbox habang si Jelly ay naglalaptop. "Ahm, Jack aalis ako mamaya. Nagpaalam na ako para wala kayong isiping masama sa akin." Sabay tingin ko kay Jelly. Sa kanilang bahay ako pumipisan ngayon dahil hindi pa ako handang umuwi sa amin. Tinawagan ko naman sila Pops na para ipaalam na nandito ako at dadalaw sila sa susunod na araw dito kaya may panahon pa ako para makapag party. 

"Sino kasama mo? And where?" Tanong ni Jack. Tumingin ako sa kanya. Kadarating lang ni Sir Montello at Totoy ngayon para bumisita dito sa bahay at para daw hindi mabored pero iniwanan ko pa rin sila kanina para makipag kita sa mga BAKA. 

"Girlfriends. Baka Girls." Maikling sagot ko. "And yeah, mag sleep over ako sa Unit ni Ann para hindi ka na mag-alala." Feeling ko para akong teen ager na natatakot magpaalam dahil baka hindi ako payagan. 

"Saan nga kayo pupunta?" mariing tanong ni Jack. Seryoso ito ngayon kumpara sa pinapakita niya sa akin sa Probinsya na maloko at pala-asar. Napakaistrikto nito sa akin akala mo si lolo kung makipag interrogate sa pag-alis ako at hindi ako papayagan basta-basta hanggang hindi ko nilalahad ang details ng pupuntahan ko. 

I roll my eyes and look at him. "71 Gramercy, DADDY." Ngumisi ito sa akin at tumawa ang mga kasama namin sa bahay dahil sa huli kong sinabi. "Then, we will go with you."  

"Fuck you!" Mura ko sa kanya bago tinalikuran papunta sa kwarto ko. Humagalpak ng tawa ang mga tao don sa huli kong narinig. 

— 

Nakadress ako na kulay black, backless iyon na patube habang ang haba naman ay hindi lalagpas sa tuhod ko at stilettos na kulay black din na may taas na 5 inch habang nakalugay ang mga kulot na buhok ko papunta sa Club kung saan kami magkikita nila Ann. Tinawagan ko na sila kanina para ipaalam na kasama ko ang pinsan ko kaya narinig ko ang pagmumura ni Ann habang nagrereklamo si Leslie sa akin. Wala na din silang nagawa kaya pumayag na rin sila pero binalaan na ako ni Leslie na hindi sila basta-basta makikipag-usap sa mga pinsan ko unless susunod sila sa mga utos nila. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now