19

759 28 115
                                    

Sorry for keeping you waiting so long....GOODLUCK! HAHA

-

“Maligo ka muna habang ako ay magluluto ng dinner natin.” Tumango ako sa kanya bago niya ako tinalikuran para pumunta sa kusina niya. Basa ang buhok niya at naamoy ko din yung aftershave na ginamit niya siguro naligo muna ito bago sunduin ako.  Kinilig ako sa isiping ‘yon. Talagang nag effort siya. Kahit na naiilang ako kasama siya kanina e hindi ko din gusto ang lumayo sa kanya. Natuluyan na ata talaga akong nahulog sa kanya.

Sinunod ko ang inutos sa kanya, pagkatapos maligo ay nagsuot ako ng maluwag na white tee shirt at short short dahil nandito lang naman ako at hindi lalabas ng unit niya bago lumabas sa kwarto para puntahan siya.

Naamoy ko na ang masarap na putahe niyang niluluto. Nakakahanga ang isang katulad niya hindi mo aakalaing marunong magluto. Hinila ko ang upuan bago umupo doon para panuorin si Al na nakatalikod. Nangangalit ang mga litid sa braso niya dahil sa paghahalo nito at gumagalaw ang mga muscles niya na parang sumusunod sa gustong gawin ng amo niya. “Just wait for a minute. Maluluto na to.” Humarap ito sa akin kaya nahuli niya ang titig ko sa likod niya na agad niyang nginisian. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisnge ko sa kahihiyan ni hindi ko man maipagtanggol ang sarili ko. Kainis! Umurong na talaga ata ang dila ko.

Maya-maya pa ay isinalin na niya ang Mechado sa malaking pinggan bago nilagay nito sa ibaba ng la mesa. “Finished!” He exclaimed.

Tumango-tango ako bago napakagat sa ibabang bahagi ng labi ko dahil nanunuot ang amoy nito sa loob ng ilong ko. Kumulo ang tiyan ko dahil sa gutom na hindi ko ininda kanina dahil sa mga estudyante kong pasaway na inantay ko muna tapusin ang parusa ko bago umuwi.

Naglagay ito ng isang plato at kustara’t-tinidor lang sa tapat ko. “Ako lang ang kakain?”  Maang na tanong ko sa kanya. Umupo ito sa tabi ko at hinarap ako.

“Nope. We’re going to share.” Aniya.

Hindi ako makahagilap ng salitang sasabihin niya dapat nagsusungit na ako ngayon pero parang naeexcite ako na magshashare kami sa iisang pinggan at kutsara’t tinidor. Nagsandok siya ng niluto niya para ilagay sa pinggan bago kinuha ang kutsara na nilagyan niya ng ulam at kanin habang ako ay tahimik na pinapanuod lang ang ginagawa niya. Napalunok ako ng itinapat niya ang kutsara sa bibig ko. “Say ahh.” Utos niya.

Pilit kong inagaw iyon sa kanya pero mabilis niyang inilalayo. “Ahh.” Ulit niya ulit. Umirap ako bago sinunod ang utos niya.  Iniawang ko ang bibig ko kaya mabilis niyang ipinasok ang kutsara sa loob. “Good girl.” Bulong niya.  Napapikit ako ng mariin sa sumunod na ginawa niya ng idampi ang kaliwang hinlalaki ng daliri niya para pagpagin ang labi ko. Iminulat ko ang mata ko ng makita ko siyang seryosong nakatingin sa akin at isubo sa bibig niya ang isang butil na kanin na galing sa bibig ko.

Nagrarambulan na naman ang mga alaga ko sa tiyan. Dahan-dahan akong ngumuya dahil nakalimutan ko ata kung papaano dahil sa pagtitig ko sa kanya. “Masara ba?” Mahina pa rin ang boses niya habang sinasabi iyon bago nagsandok ng para sa kanya.

“Kiss me!” Sagot ko.

Tangina! Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko? Nakakahiya. Gusto ko ng manakbo sa kwarto ko pero wala akong lakas na gawin yon dahil sa mga nanlilisik na mata ni Al na nakatitig sa akin.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now