4

1K 30 54
                                    

Napatigil ako sa paggagayat ng gulay sa sinabi ni Mommy. "What? First kiss?" Tanong ko sa kanya. Nagugulumihan ako dahil sa pagkakatanda ko walang sino mang lalaki ang nakadampi ng labi nila sa labi ko, ni sino man sa mga naging Ex ko ay walang nakapaglakas ng loob na nakawan ako ng halik. Anong kalokohan ang sinasabi ni Mommy? 

"Oo. May batang nanghalik sayo noon pero mas may edad siya sayo. Hindi mo ba natatandaan? Tignan mo dun sa album mo ng bata ka may picture kayong dalawa na magkayakap." Tinakasan ata ako ng kulay sa mga sinasabi niya sa akin. Kiss tapos Hug naman ngayon ganon ba ako kalandi  nung bata kaya hindi ko na maalala ang mga nangyaring yon ngayon? 

"Nako, Mommy , wag mo akong lokohin. Tutulungan kita sa paghahanda ng pagkain wag mag-alala." Pagkatapos kong gayatin ang carrots ay isinunod ko na ang beans habang ang Mommy naman ay nagluluto ng kare-kare.  

"Totoo ang sinasabi ko. Sige mamaya kokompirmahin natin yan sa kaibigan kong yon." Nanahimik nalang ako at ginawa ang mga sangkap na gagamitin. Dumating na din si Pops kaya agad din kaming tinulungan.  

Ala-sais y media ng matapos kami sa pagluluto at sa pag-aayos ng pagkain sa la mesa kaya may oras pa kaming mag-ayos dahil ala-syete naman ang usapan pero kung filipino time asahan ng late ang mga ito. Nagkulong na ako sa kwarto ko at sinabihang tawagan nalang ako mamaya pag kakain na dahil gagawa pa ako ng Lesson plan para bukas hindi ko natapos dahil naakit na naman akong manuod ng tungkol sa serial killer na palabas.  

Habang gumagawa ako ng Lesson plan ay nanunuod ako ng The Killer speaks sinabayan ko na rin ng pagreresearch sa google ng biglang may kumatok. Napaigtad ako ng marinig ko iyon dahil focus na focus ako sa pinapanuod ko. "Jasmin, lumabas ka na diyan naandito na ang Tita Mildred mo at ang anak niyang si Al." Napapoker face ako. 

"Opo." Ang ganda-ganda ng pinapanuod ko tapos iniistorbo ako? Kainis. Hindi ako nag-ayos. Nakabraid lang ang buhok kong kulot at nakamaluwang na t-shirt ko habang nakashort na maikli. Pambahay lang! Hindi ko kailangang magpaganda dahil matagal na akong maganda. HANGIN! Simplicity is beauty ika ng ng matatanda kaya dapat kong sundin iyon. 

Iniwanan ko ang ginagawa ko at mamaya nalang ipagpapatuloy at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko. Malapit lang sa salas ang kwarto ko kaya agad kong nabungaran ang mga bisita ng Mommy ko. Ngumiti ako sa kanila at si Mommy naman ay tinignan ako bago sinimangutan. Alam na Itsura ko pero mamaya niya pa ako pagagalitan kaya salamat sa mga bwisita namin. "Good evening." Sabay binigyan ko sila ng friendly ngiti. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na suplada at masungit ako kung ganon ako bakit naging guro pa ang kinuha kong propesyon sa buhay? 

"Siya nga pala ang nag-iisang anak ko si Jasmin, Mildred." Pagpapakilala niya. "Jasmin, ito si Tita Mildred mo at ang anak niyang si Al." Ngingiti na sana ako nang ituro sa akin ni mommy ang lalaking nakaupo sa gilid ng tabi ng Pops (Daddy pero Pops ang tawag ko sa kanya.) ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko dahil hindi ko inaasahan siya ang lalaking iyon. Ngumisi sa akin ang lalaking kupal at tumayo para iabota ng kamay niya.  

Nakipagshake hands ako sa Mommy niya pero sa kanya? Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nakakashocks talaga! Kinuha ko na rin ang kamay niya at ngumiti dito ng plastik. Tumalikod na ako sa kanila para pumunta sa Dining namin at tulungan ang Tita sa pag aayos ng pagkain.  

Wait, diba sabi ni Mommy mamimeet ko daw ang first kiss ko? Nanlaki ang mga mata ko habang ang sikmura ko ay bumabaligtad, hindi ko alam kung masusuka ba ako o ano. Isipin na siya ang Fist kiss ko Putang-ina lang talaga! Bakit siya pa?! Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko at tumalikod sa kanila para pumunta sa dining.  

Tapos na kaming maghain ng sumunod na sa amin sila Mommy kasama sila Tita Mildred. "Kamusta ka naman, Jasmin? Gandang dalaga talaga."  

"Saan pa ba magmamana yan eh di sa akin, Mildred." Sabay tawanan ng mga nasa hapag kainan samantalang ako ay nakangiwi lang. Hindi namang masama ang masabihan ng maganda pero matagal ko ng alam yon.  Hindi ko napigilan na tignan siya , napataas ang kilay ko dahil sa itsura ng mukha niya para bang nakangiwi na nakangisi naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin ito sa akin sabay kindat. Inirapan ko nga ang kupal. Hindi ko talaga matanggap na siya talaga ang first kiss ko. 

"Naalala mo pa ba, Jane nung mga bata sila? Laging sinusundan ng anak ko yang anak mo?" Nasamid ako sa kinakain ko dahil sa sinasabi ni Tita Mildred sa amin. "Tapos, laging dinadalhan ng Zest-O at Sandwich si Jasmin nitong si Al ko? HAHAHA Nakakatuwa sila nung mga bata pa kaya nga pinasya nating I arrange marriage sila noon." Hindi ko na alam kung paano nguyain ang karneng nasa bibig ko dahil ang mukha ko ramdam na ramdam kong nag-iinit na sa kahihiyan. Kinuha ko ang basong may laman na Juice sa tabi ko at tinungga iyon ng walang tigil. 

"Tapos yung anak ko namang si Jasmin nung una aayaw-ayaw pa at mamaton-maton yun pala crush din yang si Al mo noon." Humagikgik ang dalawang matandang babae habang ako tungong-tungo na sa kahihiyan. Ang landi ko pala noon. Pisti lang talaga!   

Sinimplihan kong tignan siya ng hindi nagpapahalata, nakatungo lang din ito habang tahimik na kumakain.  Nahihiya din siya sa sinasabi ng Mommy niya? Namumula kasi tenga nito at ang dibdib niya. Lihim akong napangiti atleast hindi ako mag-isa na nahihiya sa mga naririnig namin. "Siya nga pala, Mildred sabi mo lilipat ka ng bahay? Nakahanap ka na ba ng matitirhan niyo?" Sumingit si Pops sa usapan. 

"Ah yes, dyan malapit sa inyo. Kinukumbinsi ko nga tong si Al na samahan ako at wag na munang tumira sa Condo niya habang nag aadjust pa ako."Napaangat ako ng tingin.  

"Mommy naman, sige na pumapayag na akong samahan kayo sa bago niyong bahay wag niyo lang akong kulitin." Nakatingin na kaming lahat sa kanya. Habang nagsasalita siya hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Hindi siya naninigarilyo? Shit, Jasmin kung ano-ano ang iniisip mo! Kilabutan ka nga! "Mukhang gaganahan akong umuwi sa bahay natin lalo na't sa tapat lang nila Tita Jane ang nakuha mo." Nakatingin ito sa akin habang  nagsasalita.Napalunok ako sa sinasabi niya habang yung tiyan ko parang may lumilipad na kakaibang insekto.  

"Gaganahan ka talaga, masaya dito sa lugar namin at walang gulo kaya matatahimik ka at di ka matatakot umuwi mag-isa." Si Pops. Tama si Pops, gaganahan siyang umuwi kahit na sa malayo ka pa pumunta dahil hindi nakakatakot dito at talagang bantay sarado ng mga tanod ang baranggay namin para mapanatili ang katahimikan na kahit minsan ay hindi naiiwasang may mag-away ay naaayos pa din ng hindi natatapos ang isang araw. 

"Opo naman po, lalo na pag may makikita akong magagandang dilag." Ngumisi ito sa akin sabay kindat, namula ata ang mga pisnge ko sa pinagsasasabi  niya parang nakikinita ko na hindi matatahimik ang buhay ko pag nasa paligid siya. 



Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now