21

715 28 26
                                    

Maikli lang to. Kausap ko kasi yung mga BAKA ngayon sa skype. Haha

-

Habang nasa sasakyan kami ni Al papunta sa school na pinagtatrabahuhan ko ay di maalis ang kanyang ngiti sa mukha. “Hoy, Al. Problema mo?” lumingon siya sa akin na ganon pa rin ang itsura ng mukha. Ang kaliwang kamay nito ay nakakapit sa manibela ng sasakyan niya habang ang isa naman ay kadaupang palad ko. Tinanggal ko ang kamay ko para buksan ang CD player niya nang may mapaglibangan ako dahil yung kasama ko parang asong baliw sa kakangiti at hindi ko makausap ng ayos.

Biglang pumainlanlang ang kantang Treat You Right ni Tj Monterde. “Whoooa. Nakikinig ka ng ganitong kanta?” ngumisi lang siya sa akin sabay kinuha ang kaliwang kamay ko.

From the moment I saw you
I knew that it was the start of something good
And the moment we touch it was I love you so much
I never knew that someday you’d be for real.
And now that you are mine..
So lucky to be loved by
The most beautiful girl in the world

Humagikgik ako  nang sumabay siya sa kanta. “Megad, Al! Tumigil ka nga sa pagkanta ang panget ng boses mo.” Tumawa ito sabay binalingan ako.

I’ll treat you right, i’ll treat you so good
Serenade you every night each moment I could
All flowers for you Winter, spring, summer, fall
Notes of I love you for no reasons at all

“Ikaw ang unang babaeng kinantahan ko.” Sumimangot siya sabay ngumuso. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi niya. Sa pagiging babaero niya hindi mo alam kung ano ang totoo at hindi. “Totoo ang sinabi ko. Kahit mapahiya ako sa harapan mo basta makita ka lang nakangiti at tumtawa ayos na ako pero mas maganda kang pagmasdan pag nakapikit at kagat-kagat ang ‘yong labi habang sinasambit mo ang pangalan ko. Mas magandang pakinggan yon.” Hinalikan niya ang likod ng palad ko bago ngumisi ito at kumindat.

Hinila ko ang kamay niya at sinapok ito. “Kahit kailan ang manyak mo talagang lalaki ka!” Humalukipkip ako sa tabi ng bintana habang nakasimangot. Okay na kami e pero lagi niyang sinusundan ng katarantaduhan kaya hindi pwedeng hindi mauwi sa away ang araw namin.

And the moment you smile
i knew that beautiful things are yet to come
And the moment we kiss was such a moment of bliss
I never knew that our love would be so real
And now that you are mine
So lucky to be loved by the most beautiful girl in the world

Kumanta na naman siya. Pinipilit kong ituwid ang tingin ko sa unahan ng kalsada at h’wag ngumiti. Pesteng lalaking to ayaw tigilan ang pagkanta, pumipiyok na siya at wala sa tono ang boses sige pa rin ng sige.  Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko ng bumirit ito sabay piyok. Hanggang hindi ko na mapigilan ang tumawa. “Hey, Baby pagtapos ng trabaho natin date tayo.” Hindi yon patanong . Makakatanggi pa ba ako sa kanya? Hindi ko lang siya makita sa isang araw parang may kulang sa buhay ko at hindi ko mapigilan ang malungkot. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Kahit na nag-aaway kaming dalawa palagi siyang gumagawa ng paraan para lang magkaayos kami at pansinin ko siya dahil sa taas ng pride ko.

Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng school kaya napairap ako. Magyayabang na anamna ng kupal! Nauna itong bumaba sa akin kaya kitang-kita ko ang pagsunod ng mga mata ng mga tao sa labas ng school na papasok at kasama na don si Sir Montello na kalapit si Ma’am Em-em Pinagbuksan niya ako ng pinto habang nakangisi, alam ko na ang mukhang yon nagwagi na naman siya.  Bumaba ako habang nakaalalay siya sa akin at kinuha ang bag ko at paper bag na puno ng lessons para sa araw na to.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now