9

839 28 8
                                    

Pagkaparadang-pagkaparada palang ng sasakyan ay mabilis akong bumaba ng sasakyan niya. "Nandito na pala kayo Al." Lumingon ako para batiin ang Mommy ni Al na si Tita Mildred.  Nasa labas ito ng gate ng bahay nila pero hindi ko napansin sa kamamabilis kung hindi pa magsasalita. "Hi po, Tita." At pilit na ngumiti.  

"Tamang-tama katatapos ko lang magluto dito ka na kumain ng hapunan, Jasmin wala kasi ang mga magulang mo kaya ipinakiusap ka nila sa akin na bantayan ka muna." Nilingon ko ang bahay naming madilim at mahahalata mong walang tao sa loob.  

"Saan daw po sila nagpunta?" Tanong ko. Dahan-dahan akong lumapit at pinipigilan kong wag tignan ang kupal na nasa likod ko. 

"Sa Cagayan De Oro ata yon? Tumawag kasi ang Lolo mo kahapon at agad na pinauuwi yung dalawa tapos sinusubukan ka namang tawagan kaya lang hindi ka daw sumasagot kaya inihabilin ka na muna nila sa akin. Kumuha ka na muna ng gamit mo sa inyo at dumeretso ka na dito sa amin. Naayos ko na ang kwarto mong tutuluyan."  

"Ho?" nabingi ata ako sa  narinig kong sinabi ni Tita Mildred.  

"Sabi ko Iha, kumuha ka na muna ng gamit mo kasi dito ka matutulog sa amin ng isang linggo at hindi ako makakapayag na magstay ka sa bahay niyo mag-isa. Iba na ang panahon ngayon." Wala akong maibigay na reaksyon sa sinasabi ni Tita Mildred basta ang tumatakbo lang sa aking utak ay ISANG LINGGO, KWARTO at AL. Hindi ba naiisip ni Tita na baka hindi ako safe sa bahay niya dahil nandon si Al? 

Bakit ko kasi nilowbat ang cellphone ko kanina kaya hindi ko nalaman agad na aalis sila Mommy? Paaano na ako nito?  

"Don't worry, Jasmin. Safe ka dito sa bahay namin and kung iniisip mo yung bahay niyo, sabi mo nga walang magnanakaw sa baranggay na to at mahigpit silang nagbabantay maumaga man o magabi at tsakan lagi kong bibisitahin ang bahay niyo pag nasa school ka." 

"Pati hindi ko pagtatangkang gahasain ka at hinding-hindi ako papasok ng kwarto mo." Tinignan ko ng masama si Al dahil sa pagsingit niya at sa sinabi nito kaso nginisian lang ako.  Tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya nag-iinit ang mukha ko dahil naaalala ko ang ginawa niya sa akin kanina.   

"Ano po, Tita....pwede naman po akong makitulog sa mga kaibigan ko....ano po kasi..."  

"Sa akin ka hinabilin ng magulang mo kaya sa akin ka makikituloy at hindi sa kaibigan." Nagtataray na ba si Tita Mildred? Tinignan ko si Al para humingi ng tulong pero tinitigan lang niya ako at nagpamulsa habang inaantay ang sagot ko. Makakatanggi pa ba ako kay Tita Mildred kung siya na ang nagpasya sa akin?  

"Sige po. Kukuhanin ko lang po ang ibang gamit ko." Tinalikuran ko na sila at pumasok sa loob ng gate namin  bago tumungo sa malaking paso sa gilid ng malapit sa hardin at kinuha sa ilalim ng mga halaman ang susi ng bahay na nasa loob ng mallit na box.  

"Samahan mo na si Jasmin, Al at tulungan na din siyang magbuhat ng gamit niya." Narrinig ko ang pag-uusap ng mag-ina pero hindi na lang ako sumagot dahil talagang nanlalata ako sa nangyayari ngayon sa akin ang tanging kagustuhan ko lang ngayon ay magshower at matulog para paggising ko bukas ay bumalik na sa dati ang lahat. 

Naglagay ako ng ilang undies at bras sa Stroller travelling bag ko at ilang mga damit na puro mahahaba mahirap na baka manyakin pa ako ng Kupal na Al na yon.  Lumapit ako sa study table ko kung saan nakacharge ang cellphon ko at agad din yong binuksan. Nagvirabrate siya ng sabay-sabay at agad kong binuksan, puro message na galing sa mga BAKA at ang isa ay galing kay Mommy, binuksan ko iyon at mabilis na binasa. 

Mommy: 

Baby, may sakit ang Lolo mo kaya tumawag sa akin kanina para pauwiin dito dahil namimiss na daw niya ako. Inihabilin kita kay Tita Mildred mo. Be a good girl, okay? Take care always. Love you and Miss You. :*P.S  Pops said, "He misses you so much."  

Naiiyak ako sa text ni Mommy ngayon lang ata ako mahihiwalay sa kanya ng matagal-tagal dahil ni minsan hindi ako umaalis ng hindi siya kasama o si Pops. Isang linggo? Feeling ko isang taon ko silang hindi makikita paano nalang ako nito ngayon? Walang gigising sa akin dahil napuyat ako sa panunuod ng mga tungkol sa serial killers at walang Pops na magtatanggol sa akin pag binubungangaan ako ni Mommy. Napabuntong hininga ako sa kaoa-n ko.  

'Mommy, kainis ka. Sorry hindi ako nakareply agad, Yes nakausap ko na si Tita Mildred. Miss you too and Pops also. Regards to all.' 

Nireplyan ko si Mommy. "Ayos na ba ang mga gamit mo?" Lumingon ako sa taong nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Tumango ako sa kanya at tinuro ang aking gamit kaya pumasok na itong nakapamulsa at kinuha 'yon. "Hindi ako magsosorry sa ginawa ko kanina pero gusto kong sabihin sayo at maalis ang pag-aalala mo. Hindi ako katulad ng ibang lalaki na gagapangin ka sa kwarto mo ng basta-basta. Hindi ko binababoy ang bahay ng Mommy ko kaya wag ka nang umiyak diyan at isang linggo ka lang sa amin hindi taon." Tinalikuran na niya ako at naiwang tulala. May tumulo sa mga mata ko, hinawakan ko ng daliri 'yon. Naramdaman kong basa at narealize na umiiyak na pala talaga ako.  

"Jasmin, ito ang magiging kwarto mo." Pumasok kami sa isang kwarto na kulay puti ang pader at kurtina habang kulay brown naman ang ibang mga muebles. Napakalinis tignan hindi dahil kokonti ang mga gamit kundi talagang maayos ang pagkakadesign niya. Hindi siya kalakihan pero makakagalaw ka ng ayos at komportable. "Malapit to sa kwarto ko kaya sumigaw ka lang at agad kitang maririnig." Siguro alam din nito ang ugali ng anak niya kaya nag-aalala din siya sa akin. 

"Ma, alis lang ako." Bumungad si Al sa kwarto ko at halatang bagong paligo ito dahil basa pa ang buhok niya at nakapagpalit na ito ng damit habang ako ay nanlilimahid pa rin sa uniporme ko na suot ko na simula pa kaninang umaga.  

"Saan ka na naman pupunta? Gabi na, lalabas ka pa ng baha." Puna ni Tita Mildred. Tahimik lang akong nakikinig at nanunuod sa pag-uusap ng mag-ina. Hindi tumitingin sa akin si Al simula palang pagkarating namin dito sa bahay nila at nung kumakain din kami ng Dinner ay hindi din niya ako tinigtinignan. Ano kayang problema ng lalaking ito? 

"Uuwi din ako, Mommy and lalaki ako kaya kaya ko ang sarili ko." Ang kupal na to ang hilig mangupal talaga at hindi iniisip ang Mommy niyang nag-aalala sa kanya. Pag si Mommy yan nako nasabon na ako at talagang mabigat sa damdamin tipong hindi ako makakatulog dahil sa naguguilty ako sa kalokohan ko pero si Al? Punyeta!  

"Anong kinalaman ng kasarian sa panganib sa labas? Ang hilig mong pag-alalahanin si Tita." Hindi na ako nakatiis sumingit na ako sa usapan nila at binigyan ng makahulugang tingin si Al. Nabigla ata ito sa sinabi ko kaya napatingin sa akin at kitang-kita ko na kuminang ang mga mata niya. 

"Ayaw mo kong paalisin dahil nag-aalala ka na baka may mangyari sa akin?Hmmmmm feeling ko may asawa na ako ngayon." Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya kaya tumawa sa Tita Mildred habang ako ay naghahanap ng maibabato sa kanya. "Uwi ako ng maaga, My Loves. Saglit lang ako."  


Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now