18

682 26 10
                                    

Ang hirap talaga pag nawala ang magulang mo kung kani-kaninong bahay ka nakikitulog. Bakit ang tagal umuwi nila Mommy? Bakit ang bagal ng oras at araw ngayon? Parang isang taon na akong nakikitira sa kanila kahit pang limang araw ko palang sa kanila.

Gustong-gusto ko nang matulog sa kwarto ko at gusto ko nang tumambay sa sofa namin habang nandun ang Daddy nanunuod ng mga Serial Killers at mga tungkol sa psycho na palabas na magagalit si Mommy dahil kung ano-ano ang pinapanuod naming nakakadiri.

Pabaling-baling na ako sa kama na to para hanapin ang antok na ayaw lumapit ng maramdaman ko ang pagkauhaw ko. Umupo ako para tignan ang oras sa Cellphone kong nas atabi ng unan. Ala-una ng umaga  na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Iba na talaga ang body clock ko at nahihirapan na akong mag-adjust.

Tumayo ako at isinuot ang hello kitty-ng Tsinelas na dala din ni Al para sa akin. Yes! Adik ako sa Hello kitty at kafeels ko diyan ay si Leslie, kaming dalawa talaga ang nagkakaintidihan pag nakarinig na ng salitang Hello Kitty.  Speaking of Al!  Hindi talaga siya nag effort na tanungin ako kung ayos lang sa akin ang kwartong ito at kung ayos lang akong matulog dito. O kahit kumain man lang. Napakacold niya sa aking ngayong araw na to. Nakakainis! Sana lang tulog na niya ngayon.

Dahan-dahan kong binuksan ang seradura at maingay na umingit ang pintong ayaw makisama sa akin. Tahimik akong humakbang papunta sa kanyang kusina para uminom ng tubig. “San ka pupunta.”

“Ay putang ina!” Nagulat ako sa kanya. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at naramdaman ang pagbilis ng tibok noong nasa loob. Hindi ko alam kung dahila kung sa gulat ba o sa boses niya? “Iinom ako ng tubig. Anong ginagawa mo diyan sa dilim?”

Nakita ko ang isang bulto ng taong tumayo mula sa madilim na sofa. “Ikukuha na kita.” Presinta niya. Nakapanjama lang ito at Sandong puti na humakab sa malapad niyang dibdib. Napakagat ako ng ibabang bahagi ng labi ko ng mapunta sa ibaba ng Abs niya ang tingin ko. Umbok na umbok yung kanya.  Shit! Hindi ko matanggal ang tingin ko doon. Nahawa na ata ako sa kanya ng pagkamanyak!

“A-Ano! W-wag na! N-nakakahiya naman sayo. A-ano wag na k-kaya ko naman.” Tang-ina. Ngayon pa hindi nakisama ang dila ko. Hindi ako makapagusap ng ayos dahil sa pagtitig ko sa katawan niya. Nalakad ito papunta sa akin kaya nasinghot ko kaagad ang matapang na amoy ng alak. Umiinom siya?

Mabilis ko siyang tinalikuran para mapagsabihan ang sarili ko at ilayo ang mata ko sa malamodel niyang katawan. Mas daig pa nga niya ata ang mga modelo kaya sinasamba siya ng mga babae. Hindi mo talaga masisisi ang mga babae na maghabol sa kanya dahil katawan palang nakaka-akit na paano pa kaya pag humalik  na siya talagang bibigay ka at mas lalo na  pag nadala ka niya sa kama mapapadasal ka na sana iputok niya sa loob ng mabuntis ka na magiging dahilan para mapikot mo siya at mapakasalan.

Tinampal ko ang mukha ko para magising dahil sa nakakalasing niyang itsura at amoy nito kahit na sabihing amoy alak siya.

Niyapos niya ako mula sa likuran ko. Ramdam na ramdam ko yung kanya kahit na may harang pang mga damit.  Pinagpapawisan ako dahil sa mainit niyang dibdib sa likuran ko kahit na nakasando pa siya. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang hininga niyang bumubuga sa likod ng batok ko habang nagsisitayuan ang mga balahibo ko. Nagsisitakbuhan na naman ang mga insekto sa loob ng tiyan ko dahil naramdaman nila ang mga braso na nakapulupot sa bewang ko.  “I know you’re attracted. Bakit di mo pa aminin para hindi ka na nahihirapan pa.” He whispered.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora