35

502 21 15
                                    


Note: Fiction lang to. Pawang kathang-isip lamang.



—-


Nagpaalam ako na magsleep over kanila Ann at pinayagan din naman ako. Paglabas ko ng gate ay nandon na naman si Inday nakatayo sa labas ng gate. Kahapon don ko din siya nakita ngayon dito ko din siya nakita pero walang Al na nakatabi. Naramdaman ata nito ang pagmamasid ko sa kanya kaya iniangat niya ang tingin niya at tinukoy sa akin bago nginisian ako ng makilala. Binalik ko ang ngising ibinigay niya sa akin pero mas malaki iyon ngayon. Ngisi ka lang Inday, dahil bukas na bukas din hindi ka na makakangisi pa. 

Ngumuso ito sa akin bago ako inirapan pero ginantihan ko siya ng isang kindat. Naglakad na ako ng deretso habang nakataas ang baba.   

Dahil iba ang pakiramdam ko ngayong araw na to sa halip ay nag Taxi ako at hindi nag Jeep. Medyo malayo-layo ang biniyahe ko kaya halos malula-lula ako pagbaba.  Nang makarating ako sa Condo Unit ni Ann ay nagdoorbell na ako at miya-miya ay binuksan niya ito.  

"Kumpleto na?" Tanong ko sa kanya bago pumasok sa loob. Nakita ko ang mga Baka Girls na nakapambahay na habang kumakain. Umupo ako sa tabi ni Alyssa. "Kanina pa kayo?" Tanong ko ulit at tumango naman ang mga ito. 

"Iinom ka?" Tanong ni Alyssa.  Umiling ako sa kanya. "Wala ako sa mood ngayon ang gusto ko lang ay Calamansi Juice." Kanina pa ako natatakam sa Calamansi at feeling ko uhaw na uhaw ako ngayon hanggat hindi ko naiinom yon.  Tumayo si Alyssa papuntang kusina para ipaggawa ako. "No sugar, Aly." Pahabol ko sa kanya habang si Ann naman ay pumasok sa kwarto nito at paglabas ay may dala nang Folder. 

Umupo ito sa tapat ko bago itinaas nito ang kilay sabay ngisi. Binuksan niya ang folder kaya agad na napatigil kami sa pagkain at sa kanya lamang itinuon ang pansin. "She's 25 years old. Graduated in bachelor of science in Business Administration" 

"Don't care 'bout her age." Pakli ko.  Wala akong pakelam kung anong tinapos niya ang pake ko lang ay ang baho niya. Minsan nagiging masama ang isang tao pag masyado na itong nasasaktan at minsan  pag niloloko ito.  

Tiumawa ito sa akin bago inirapan ko lang siya dahil ang dami-dami pa niyang sinasabi at  gustong binibitin ako. "Mainipin ka masyado." Uminom ito ng Beer bago muling nagsalita. "Well, Her dad is a shareholder on Nicholas Corporation."  

Nicholas? What did she mean? Familiar sa akin ang pangalan na yon. Tama ba ang hinala ko? "So you mean, investor lang?" Tanong ni Alyssa na kababalik lang mula sa kusina bago iniabot nito sa akin ang baso ng Calamansi Juice. 

"Ah-huh." Maikling sagot ni Ann. "Yup. Hey, jasmin you didn't tell us 'bout your EX-BOYFRIEND that he OWNS a corporation.  He's a fuckin' millionaire " Exaggerated na pahayag niya. Paano ko sasabihin sa kanila kung ako mismo hindi ko alam ang trabaho niya dahil hindi naman nagkekwento ito noon.  Hindi ko nga naririnig o nalalaman na nagtatrabaho ito dahil laging nasa tabi ko sita dati para asarin. Ang gaga ko lang dahil ni minsan hindi ko inalam ang tungkol sa kanya except  yung tungkol sa pamilya niya pero hanggang dun lang yon at wala ng iba pa. Hindi ko din alam kung anong natapos niya samantalang ako alam niya. Uminom ako ng Calamansi Juice, ang kaninang uhaw ko ay nawala na ngayon pero napalitan ng inis.  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now