32

444 22 32
                                    

Sinulyapan ko muli si Al sa kabilang la mesa. Ang kaninang titig niya ay mas lalong sumama ngayon habang sumisimsim ng alak sa basong hawak niya ngayon.  Hindi na niya pinapansin si Inday tanging sa akin lang nakatitig ito. Napalunok ako dahil sa kabang narararamdaman ko ngayon .   

Tinanggal ko ang mga mata ko sa kanya at ibinalik iyon kay Sir Montello na naghihintay sa sagot ko. Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya. Lumabas na naman ang ngiting nakakalaglag ng panty sa bawat kababaihan pero yung sa akin ay masyadong mahigpit ang garter kaya hindi nahuhulog.  

Hindi ako galit sa kanya, sa katunayan nakalimutan ko na ang sinabi niya noon sa akin pero pursigido pa rin siya na gawin ang lahat para mainlove ako sa kanya.  Inabot ko ang kamay ko sa kanya bago tumayo at iginiya papunta sa gitna ng dance floor. 

Pumainlanlang ang magkahalong kantang Timber at Talk dirty to me. Tipsy na rin ako dahil sa ininom kong tequila kaya nagsimula akong magdirty dance kay Sir Montello. May naamoy akong kakaiba sa isa sa nasa paligid namin ni Sir Montello. Ipinikit ko ang mata ko para huminga ng malalim at wag pansinin ang amoy na'yon.  

Mabaho talaga. Iba ang baho non, parang naghahalong amoy sigarilyo at hindi ko mapaliwanag yung amoy. Humawak ako sa balikat ni Sir Montello. "Are you okay?" Mahinang tanong niya sa tenga ko. Kung susumahin magkayakap na kaming dalawa ngayon habang nakahawak naman siya sa dalawang bahagi ng bewang ko at alam kong ngingiti-ngiti na si Leslie sa ginagawa ko dahil aakalain non na sinunod ko ang utos niya pero nahihilo talaga ako. 

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at agad na itinakip sa ilong ko. I manage myself to stand straightly and smile at him.  Tumigil na ako sa pagsayaw dahil konting galaw ko pa ay baka bumuwal ako sa kinatatayuan ko."Excuse me,  Cr lang ako." Paalam ko sa kanya at iniwanan sa gitna ng dance floor. 

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong  lumapit isa sa mga basin at binuksan ang gripo upang maghilamos. Nahihilo na ako kanina palang pagkikita naming mga Baka akala ko mawawala na pero parang lumala pa dahil sa ininom kong alak. Ulcer kaya to? O baka naman sa hindi ko pagkain sa pras kaya nagkakaganito ako? 

May humalalukay na kung ano sa loob ng tiyan ko kaya hindi ko na pinigilan pa ay sumuka na ako. Nakailang duwal pa ako hanggang sa mailabas ang lahat ng kinain ko ngayong araw na to bago muling naghilamos at magmumog ng tubig ay kumuha ako ng tissue sa gilid para tuyuin ang sarili ko. 

Hinang-hina ang pakiramdam ko. Gusto ko ng umuwi pero habang naglalakad ako palabas ng comfort room ay kita ko pa rin ang pag-ikot ng paligid kaya humawak na ako sa pader para hindi tumumba. 

"What do you think you are doing?!" Sigaw niya. Hindi na masyadong malakas ang background music dito kaya maririnig ko ang sinasabi kahit hindi sumigaw pero bakit siya sumusigaw? At bakit galit na galit  ang itsura nito ngayon?  

Nakasandal ito sa isa sa pader na humaharang sa comfort room at nakaekis ang mga braso nito sa tapat ng  dibdib niya. Kumunot ang noo ko sa iginawi niya. Naglakad ako papunta sa kanya pero bumuwal ako buti na lamang ay nakahawak ako sa pader sa gilid. "Go home. You're drunk.." Utos niya habang ako nakatunganga sa itsura niya.  

"Anong ginawa ko?" Tumingin ako sa kanya. May ibang ibig sabihin ang tanong ko pero tinitigan lang niya ako at numipis ang mga labi niya. I miss his lips. "I'm not drunk. I'm just tipsy." Pahabol kong sabi. Nahihilo lang ako dahil nakaamoy ako ng mabaho kanina pero ngayon ayos na ako dahil nailabas ko na lahat tanging panghihina at konting pagikot lang ang nararamdaman ko ngayon. 

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now