34

416 23 12
                                    

Tahimik lang akong kumakain ng Lasagna sa tabi habang si Mommy naman ay kakwentuhan ang mga kaibigan niya na ngayon ko lang nakilala. Nakakatuwa dahil may mga malalapit din palang kaibigan si Mommy dahil noon pa man ay tanging si Pops lang ang nakikita ko at mga kamag-anak namin ang pumupunta pag may Okasyon sa amin.  Matagal na pala silang magkakaibigan nawalan lang ng Komunikasyon magmula ng mag-asawa ang Mommy which is yung Pops ko ngayon.  Si Mommy na rin daw ang unang umiwas noon dahil hindi sila boto kay Pops gawa nga nang pangmamaliit ng pamilya nito at buti na lamang ay nahanap siya ni Tita Mildred noon at muling nagkita. Kahit kailan talaga ang Lolo ko napakabitter sa buhay. 

Kinuhit ko siya sa kanyang tagliran ng matapos akong kumain. "Mommy punta lang ako sa kwarto ko dito may nakalimutan kasi ako pati dederetso na ako ng uwi sa ating bahay." Bulong ko sa kanya. Tumango ito sa akin dahil alam niyang naiinip na rin ako sa kinauupuan ko dahil hindi naman ako makarelate sa kanila. Nagpaalam ako sa mga kaibigan niya habang si Tita Mildred namana y may kausap na ibang tao sa labas kaya di pa makapunta sa dito.  

Tumayo na ako para lumabas ng Dining. Wala akong makitang Al o Inday ngayon. Mabuti naman dahil naaasar ako sa Inday Baduday na yon. Habang umaakyat ako ng hagdan ay kinuha ko ang smartphone ko sa likod ng bulsa ng short ko at agad na tinext ang mga Baka Girls.  

Girls, I need your help.  

Binuksan ko ang pinto ng kwartong tinuluyan ko sa bahay nila. Pinagmasdan ko ang kabuuan non at mukhang walang nagbago simula ng umalis ako dahil nandon pa rin ang kalat sa tabi ng kama nung iwanan ko at ang magulong kama dahil sa paghinga naming dalawa ni Al don.  

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas na naman. Sa una lang to. Sa una lang ako iiyak pero darating ang araw magiging okay lang ako. Konti nalang dahil namamanhid na ang buong pagkatao ko at halos wala ng maramdaman. "Anong ginagawa mo dito?" Nagitla ako sa boses na nagsalita kaya napataas ang kilay bago binalingan ko at inirapan ng makilala ko kung sino yon. 

"Bagay na bagay nga kayo nung babaeng 'yon parehas agad ng tanong pagkabungad na pagkabungad sa akin. Para saan ba yang tanong na yan? Sa pagpunta ko at pag attend sa Birthday ng Mommy mo o sa pagpunta ko dito sa kwarto na to?"  Wala na akong pakelam kung bitter man ang tono ng pakikipag-usap ko sa kanya total wala naming makakarining kundi siya lang at wala si Inday.  "Himala hindi ata nakakapit sayo ang tukong 'yon." Panlalait ko kay Inday.  

Nakita ko ang pag-awang ng labi niya na agad din niyang itinikom para wag ng magsalita. "Wag kang mag-alala kukuhanin ko lang ang mga gamit ko dito at hinding-hindi na ako babalik pa. Sasabihin ko na rin yon kay Tita Mildred magtigil lang kayong dalawa ng Inday baduday na yon." 

"Inday Baduday?" Nagugulumihan niyang tanong. I smirk. Binigyan ko nga pala ng Nickname ang babaeng yon. "Bakit naging Baduday?" Hindi ko siya pinansin naglakad ito palapit sa akin.  Suminghap ako ng maamoy ko ang amoy ng pabango niyang napakatapang na nakakapagpahilo sa akin ngayon. Umatras ako at tinalikuran siya. 

"I said, don't come near me. Ang baho mo!" Sigaw ko sa kanya habang inaayos ko ang kamang magulo at ang tiniklop ang comforter na kulay Pink dahil akin yon.  

"Himala din hindi mo kasama ang Montellong Baog na yon." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya kay Sir Montello.  "What the fuck are you saying?!"  Masama ang tingin nito sa akin bago pinalipat-lipat niya ang tingin sa akin at sa kama na ngayon ay ayos na. Kundi dahil kay Sir Montello hindi ko malalaman ang lahat ng pinaggagagawa ng Inday Baduday na yon.  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon