14

777 26 12
                                    

Natapos ang kasal na wala ako sa mood gusto kong bumalik ng Hotel na tinutuluyan namin pero isipin palang na nandoon si Al ay nasasakal na ako at kinakapos ng hininga. Ano kayang ginagawa nila sa loob? Nagsesex kaya sila? Maganda yung babae at halatang sweet pero errr. Ayoko nang isipin pa dahil parang sinusuntok ang mga alaga ko tiyan.

Nagpaalam ako kay Tita Mildred na maglalakad-lakad lamang sa dalampasigan  dahil gusto kong makahinga ng maayos simula ng makita ko si Al kasama ang babaeng yon at buti na lamang pinayagan niya ako. Kokonti pa lang ang mga turista dito dahil tag-ulan ngayon at ang swerte ng mga kinasal dahil hindi umulan.

Pinagmasdan ko ang araw na papalubog na, kulay orange ito. Napakaganda palang panuorin iyon lalo na kung gusto mong mag-isip at mawala ang stress na nararamdaman mo. Masaya ako na nakita ko ang tanawin na ito pero sa isang banda ay malungkot ako. Feeling ko out of place ako at feeling ko wala akong kwenta dahil saling ketket lang ako. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa pangungulila sa mga kaibigan at magulang ko kung sana naandito lang sila hindi ako malulungkot ngayon.

Habangh naglalakad ako may tumigil na isang babae sa harapan ko at nagcross arms sabay nginitian ako nito. “Hi, I’m Hanna.” Pakilala niya sa sarili niya, tumaas ang kilay ko sa sinabi niya so bakit siya nagpapakilala sa akin? “Al’s ex-girlfriend.”

“And so?” mataray kong tanong sa kanya, matangkad siya sa akin at model type ang katawan at morena ang kulay ng balat niya ngayon ko lang napagtantong mahilig si Al sa mga babaeng matatangkad at ako ay tama lang ang taas hindi maliit, hindi mataas.

“Well, I know hindi mo din nagustuhan yung nakita mo kanina nung magkasama siya at si Inday. Close na close silang dalawa at handang ipagpalit ni Al ang lahat para lang dun sa babaeng yon.” Napahawak ako sa leeg ko ng wala sa oras para himasin iyon dahil kinakapos na naman ako ng hininga. “Akalain mo ipinagpalit niya ako sa babaeng yon. I hate that Bitch!”

“Ba-Bakit mo sinasabi sa akin ang mga yan?” I stuttered. 

“Gusto ko lang sabihin sayo na sa akin lang siya.” Kumunot ang noo ko. What the heck?! Hindi naman ako ang kasama ng gagong lalaking yon tapos ako ang paaalalahanan niya? Nababaliw na ba siya?

“Nababaliw ka na ba? Bakit ako ang sinasabihan mo niyan e hindi naman ako yung kasama ng lalaki mo. Nandun sila oh!” sabay turo ko sa loob ng hotel na pinasukan nila Al at Inday. “Dun ka pumunta at doon mo agawin ang lalaki.” Sabay talikod ko. Ayokong masangkot sa mga katangahan at kabaliwan nila.

Tumunog ang ringtone ng cellphone ko at si Leslie ang nakaregister. “Hello.”

“Hoy babae, where are you? Nagpunta ako sa bahay niyo kasama si Alyssa pero wala ka.” Natural nandito ako sa Batangas at sa oras na to gustong-gusto ko ng umalis.

“Dito ako sa Batangas pwede bang lubus-lubusin mo na sunduin mo ako hindi ko alam kung paano magcommute pauwi  diyan.”

“Susunduin kita tapos? Sama ka sa amin party tayo? Sa 71 Gramercy.”

“Sure. Magpapaalam na ako. Call me when you arrive.” Sabay baba ko sa cellphone ko.

“Where are you going? And who’s with you?” napatalon ako sa nagsalita galing sa likuran ko. Hinarap ko ito para kumpirmahin kung sino siya. Nakataas ang kilay niya at nakafold na ang polong puti nito na hanggang siko nalang niya.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now