15

779 24 19
                                    

Nabitin ba kayo sa last update? Hahahaha Bleeeh 

_______________________

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang ramdam na ramdam ko ang pamimitik ng kung anong meron sa loob ng ulo ko. Napapikit ako ng mariing muli dahil sa sinag ng araw na pumasok sa loob ng bintana ng kwartong kulay berde. Dahan-dahan ay tumayo para isipin kung bakit ako nandito? Ang pagkakatanda ko kagabi ay nasa 71 Gramercy ako pero bakit nandito na ako ngayon?

Pamilyar ang kwartong ito sa akin ng ginala ko ang mata ko palibot sa loob marami pang magugulong unan at comforter sa ibaba ng kama at alam ko na kung nasaan ako. Nakatshirt na rin ako na kulay green at short short kumpara sa suot kong dress kagabi. Tumayo na ako para lumabas sa nakasaradong pintuan nang marinig ko ang mga boses na animo may pinag-uusapang tao sa likod nila.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa hina ng boses nila at tanging hagikgik lang ang malakas. Nagtungo ako sa kanila na nakakunot noo at habang umuupo ako ay bigla silang natahimik. Alam na! Ako ang pinag-uusapan nila. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa mga itsura ng mukha nila. “Anong meron?” Painosente kong tanong.

“Himala! Nalasing ka ata kagabi.” Tanong ni Ann na nakataas ang kilay na sumeryoso ang mukha. Malamang puro hard yung ininom namin at walang chaser pa.

“Pinaghalo-halo niyo kasi yung alak.” Angal ko sabay subo ng hotdog na nasa pinggan.

“Alam mo bang kamuntik ka ng makidnap ng lalaking hot kagabi?” Si Bianca na itinatago ang ngiti sa kanyang labi. Nginunguya ko ang hotdog na sinubo ko at inaantay na maubos iyon sa loob ng bibig ko para sagutin siya ng bilang may nagsalita ng muli.

“Boyfriend mo ba yun? Kung hindi namin siya pagtutulungan e di nadala ka na niya sa kung saan?” Si Alyssa na kita sa mukha ang takot at pag-aalala.

“Sa kanila ka daw nakatira? Oh my gosh! Naglilive-in na kayo?” Si Leslie na napaka arte at sabay hagikgik ng mahina. Tinignan siya ng masama ng mga BAKA,  kasama ko, sabay peace sign niya sa amin.

“Wala ka talagang balak na ipakilala siya sa amin? Gusto mo bang balatan namin siya ng buhay?” Si Charlyn na may hawak ng kutsilyo habang nagbabalat ng mansanas na hawak-hawak niya. Halata naman na bukod sa AKIN si Alyssa lang ang napakabait sa amin.

“Sino ang gusto niyong unang sagutin ko sa mga walang kwentang tanong niyo?” Sabay nguso ko.  So, hindi nga ako nananaginip kagabi? Sinundan daw niya ako sa Bar at kamuntik ng mapaaway dahil nakita niya akong may kasayaw na ibang lalaki, gusto niya sa kanya lang ako. Nag-init ang pisnge ko ng maalala ko yon.  Malapit na! malapit na talagang mahulog ako sa kanya dahil sa mga mabulaklak niyang mga salita. I wonder kung ilan kaming mga babae na sinasabihan niya ng ganon?

Tinignan nila ako ng masama at pwede nang matunaw konting galaw ko lang. “Fine! Sa kanya ako nakatira. Hindi sa kanila pala dahil ang parents ko ay nasa Cagayan De Oro ngayon sa Mommy niya ako inihabilin kaya yun.” Miski isa sa kanila ay hindi ko tinititigan sa pagkain lang nakatuon ang pansin ko.  Kilala ko sila at alam kong mabilis nilang mababasa ang nasa utak ko pag nakita nila ang mukha ko.

“Magkasama kayo sa iisang bahay? Oh my God!” Si Bianca na nakanganga ng magsink in sa kanya ang sinabi ko.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now