11

813 23 37
                                    

Malakas ang aircon ng sasakyan ni Al pero hindi ko pa rin mapigilan ang magpawis.  Pilit kong itinutuon ang pansin sa kalsada ng dinadaanan namin pero yung mga mata ko kusang umaandar at tinitignan ang hubad na dibdib ng lalaking nagdidrive.

“Bakit kasi pinipigilan mo pa ang sarili mo kung pwede mo namang tignan ng hindi naghihirap.” Basag niya sa katahimikan namin. Napalingon ako sa kanya at napanganga sa sinabi. Anong tingin niya sa akin manyak? Nakangisi ito habang nakatingin ng deretso sa labas. “Willing din ang katawan kong hawakan mo sabihin mo lang kung kailan mo gusto.” Yung boses niya ngayon ay parang nang-aakit kaya mas lalo akong nag-init lalo na sa may gitna ng aking mga hita.

“Pakyu Al, tantanan mo ako.” Mataray kong nasabi iyon ng hindi nagistutter.  Napababa ang tingin ko ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong  sa hita ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo nakikipagkarera at yung mga insekto sa tiyan kong natutulog ay nagising kaya naman sila’y nagwawala.  Bakit hindi sila namamatay sa kuryenteng dala-dala ng lalaking ito? Bakit? Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya dahil baka tuluyan na akong mahulog sa mga ginagawa niya pero napakahigpit noon parang walang planong bitawan habambuhay. “Tanggalin mo yang kamay mo kadiri ka. Hindi ka pa naliligo. Ang baho-baho mo. Ang hot-hot mo.” Napakagat ako ng labi sa huling sinabi ko. Tang ina bakit lumabas sa mga  bibig ko ang huling salitang yon? Pakset! Nakakahiya!

“Hot?” Lumingon ako sa kanya.Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kaliwang kamay ko at nang lingunin ko kung saan nakalagay ay nasa kanyang mga labi na habang nilalaro ng mga daliri niya.”Don’t tempt me, Jasmin.” Mahinang sabi nito sabay tingin sa akin. Nag-iinit ang mga mukha ko ngayon nasosoffucate na ata ako ng dahil don at hindi ko na alam ang gagawin pa.

 Sa wakas ay nakarating na rin kami ng School at pinagpapasalamat ko ‘yon. Mabilis akong bumaba nang wala na akong marinig pa na galing sa kanya.

“Ma’am Samuel!” Napalingon ako sa likod kung saan may tumawag sa akin at nakita ko si Ma’am Caballero na kumakaway sa akin papasok sa gate ng school. Lumakad ito papunta sa akin na habang nakangiti. “My gosh. Mayaman ka pala. Di-SUV.” Namutla ako sa sinabi niya. Nakita nito ang pagbaba ko sa kotse ni Al. “Hindi ako mayaman, inihatid lang ako ng kaibigan ko dito. Wag mo nalang ipagsabi sa iba ang nakita mo.”

“Okay.” Pumasok kaming dalawa ng tahimik.

Lunch break,  magkakasama kaming kumakain nila Ma’am Caballero at laking pasasalamat ko dahil hindi niya dinaldal ang nakita niya kanina at laking pasasalamat ko din dahil hindi bumaba si Al kung hindi may issue na namang magaganap dito.

Lumapit sa akin si Sir Montello dala-dala ang tray ng pagkain niya. Napatingin sa akin ang mga co-teachers namin at halata sa mga mukha nila ang ngisi at galak sa nakikita. “Goodluck Mr. Montello.” Tukso ni Mrs. Santos sa  kanya at napansin kong namumula ang mukha niya. Nahihiya ba siya? Kung nahihiya siya mas nahihiya ako akalain mong ang crush ko dumadamoves daw sa akin?

Nakangiti lang si Miss Caballero sa amin habang kumakain ng inorder nito sa canteen. “Bilisan mo na kasi ang pagdamoves Sir Motello ng magkaroon na ng lovers dito sa school natin.” Segunda mano ni Mrs. Dalisay. Kahit kailan talaga ang dalawang to napakabully sa aming mga baguhan.

“Pwede ka ba bukas? Birthday kasi ng Nanay ko may konting salo-salo gusto ko sanang imbitahin ka. Kasama ang mga co-teachers natin.” Nanlaki ang mata ko sa deretsong tanong niya sa akin na agad kong ikinabaling sa kanya. Nakalabas na naman ang killer smile niya habang ang mga mata niya ay kumikinang. Itong itsurang ito ang hindi dapat tinatanggihan pag niyayaya ka na.

“Huh? Talaga? Wala naman. Sure punta ako.” Ngimi kong sagot sa kanya pero sa loob-loob ay kinikilig ako. Siya pa talaga ang nagyaya sa akin muling napapukol ng pansin ko si Ma’am Em-em tahimik pa rin siya habang may ginagawa sa kanyang cellphone.

Natapos ang araw ko na masaya at excited para sa lakad bukas dahil sa wakas makikilala ko ang parents ni Sir Montello pero nakakaguilty din dahil ni minsan hindi ko man lang sila iniinvite sa amin at wala din akong balak na ipakilala sa parents ko.

Magkakasama kaming mga teachers na lumabas ng gate ng school upang sabay-sabay na umuwi ng may mapansin akong Hemera 2.0 eterniti super suv na nakaparada habang may nakasandal na isang lalaking nakashades. Napatigil kaming lahat kasama ang mga matatanda dahil sa nakikita namin marahil naramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay humarap ito sa amin at tinanggal ang shades habang nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino iyon, hindi ko siya nakilala dahil sa postura niya ngayon ang sexy-sexy niyang tignan lalo na nang nakasandal siya sa kanyang kotse mas nagbigay ng karisma pa ito lalo. Ang lakas tuloy ng se appeal ng kupal ngayon.  Tinanggal ng lalaki ang tingin nito sa akin at napabaling sa kalapit kong si Sir Montello nawala ang mga ngiti nito sa labi. Muling ibinalik nito sa akin ang mga mata niya at deretsong mukhang tinignan ako. “Pinapasundo ka ni Mommy kaya wag mo akong tignan ng ganyan.”  Masungit na sabi nito bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.

“Oh my gosh, kilala mo siya Jasmin? Oh my ang gwapo niya.” Tumitiling tanong ni Em-em sa akin sana lang wag siyang makahalata. “Wait, oh my gosh! Ayan yung sasakyan na naghatid sayo kaninang umaga. Dyan kita nakitang bumaba kanina tapos sabi mo hindi sayo at hinatid ka lang ng kaibigan mo.” Dere-deretsong sabi nito sa harapan naming mga kasaman niya sa trabaho. Nakahalata nga siya.

“Boyfriend mo Ma’am Samuel?” Tanong ni Mrs. Dalisay sa akin, ito na nga ang ikinatatakot ko ang gawan ng issue at intrigahin. Tahimik lang na nakatingin sa akin si Sir Montello nang magtama ang aming mga paningin naghihintay ata ito ng sagot ko pero walang lumalabas na salita sa bibig ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko si Al. Huminga ako ng malalim at mabilis na iniiwas sa kanya ang mga mata ko.

“Una na po ako sa inyo.” Ngumiti ako sa kanila ng matipid at nagpaalam sa kanila sabay talikod ko para sumakay sa SUV ni Al. Binuksan na nito ang makina ng sasakyan at dahan-dahang pinaandar nito ‘yon.

“May lakad ba kayo ng mga Colleagues mo?” Tanong ni Al nang nasa kalagitnaan na kami ng trapiko. “Hindi ko gustong magpakita sa kanila pero kinukulit ako ni Mommy na sunduin ka para maaga kang makauwi at makapaghanda sa lakad natin bukas. Aalis na tayo mamayang gabi dahil sa Batanggas gaganapin ang kasal.”Paliwanag nito sa akin at nang biglang magsink in sa utak ko ang mga sinabi niya ay napasinghap ako ng maalala ko na isasama pala ako nila Tita Mildred sa kasal ng pamangkin niya pero nakalimutan ko at sumagot din ako kay Sir Montello sa alok nito sa kanila bukas.

Napakagat ako ng labi sa kaestupidahan ko. Paano na ngayon? Saan ako pupunta? Kay Tita Mildred ba na unang nasagutan ko o kay Sir Montello? Gusto kong makilala ang parents ni Sir Montello pero ayokong madissapoint sa akin at magtampo si Tita Mildred. “Al, ano pwede bang wag nalang ako sumama bukas? May biglaang lakad kasi ako.”

“Saan at Sino ang kasama mo?” Madiing tonong tanong niya sa akin. Napalunok ako dahil ngayon  ko lang narinig ang ganong boses niya. I look at him. Napapangiti ako dahil pag ganon ang boses niya mas lalong nagiging hot ang dating niya. “Wag mo akong ngitian Jasmin Samuel, sagutin mo ang tanong ko.” Napaikot ang mga mata sa kasungitan niya.

“Si Sir Montello kasi ininvite ako bukas sa kanila birthday kasi ng Mother niya napaoo ako nakalimutan ko yung lakad natin ni…” Malakas na ipinereno nito at itinigal sa gitna ng daan ang sasakyan niya napasubsob ako sa unahan pero buti nalang nakaseatbelt ako dahil kung hindi bangas na ang mukha kong maganda. Humarap ito sa akin na may galit sa mukha. “Ano bang…” pinutol nito ang sasabihin ko.

“Bullshit! Sa amin ka sasama at hindi sa kanya.” Galit na galit na sabi nito habang napapalunok nalang ako dahil sa sobrang kaba.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now