5

1.1K 28 21
                                    

Unti-unting dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko. Mainit ang mga iyon kaya napapikit ako. Yung isa niyang kamay ay naglalandas sa likurang bahagi ng katawan ko habang ang isa ay nakahawak sa ilalim ng baba ko. Hindi ko alam kung paano ang gagawin, tutugunin ko ba siya o itutulak palayo? Pero nagugustuhan ko ang mga ginagawa niya.  

Ang labing pilit binubuksan ang bibig  ko para makapasok lamang at ang init na haplos na kanyang ibinibigay. Habang may lumilipad na kulisap o paro-paro ata sa tiyan ko ay nanginginig ang mga tuhod ko buti na lamang isinandal niya ako sa pader dahil kung hindi ay mawawalan ako ng balanse sa katawan. 

Hindi niya tinigilan ang paghalik sa akin hangga't hindi niya napapasok ng dila ang loob ng bibig ko. Hindi ko na nakayanan pa kaya iniawang ko ang bibig ko at pumasok ang kanya at nakisabay sa bawat galaw ng mga labi niya. Nalalasahan ko ang Menudong kinain niya kanina.  

Habang tumatagal ang halikan na ginagawa namin ay kung saan-saan na gumagapang ang mga kamay niya. Hindi ko na alam kung paano tatanggalin ang init na nararamdaman ko parang may sasabog sa loob non pero hindi ko matanto kung ano ba iyon.  

Humiwalay siya sa akin at parehas kaming nahahabol ng hininga ngayon. Tinitigan ko siya ng malalim. "Al!" bigkas ko sa pangalan niya. 

"NaSharapan ka ba?" sabay ngisi niya. 

Nagmulat ako ng mga mata sabay tagilid dahil sa gulat pero hindi ko na nabalanse ang katawan ko dahil nahulog na ako sa kama ko. "Ahhh- Shit!"humawak ako sa gilid ng kama ko para tumayo dahil malakas ata ang pagkakabagsak ko. "Pisting panaginip na yan!" binuksan ko ang lampshade ko para tignan ang orasan sa tabi non. 5:30 na pala ng umaga siguro naman hindi na ako makakatulog nito diba?  

Muli akong humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Ito na ang unang araw na makakasalamuha ko siya? Paano naman si Popa pinakiusapan na ihatid ako ng lalaking kupal na yon sa school hindi naman ako makatanggi dahil nasa harapan kami ng pagkain at nasa harapan ko ang Mommy niya na halatang kilig na kilig dahil nahuli niya kaming magkatitigan sabay kumindat pa ito. Umirit ito kasama ang Mommy ko na halatang tuwang-tuwa sa nasaksihan habang ang Pops ay nakangiti lang. Nakakainis talaga, napahiya ako kala Pops kung pwede nga lang buksan ko ang sahig namin at tumira doon habangbuhay. 

Sa kakaisip ko kagabi kung paano siya iiwasan at paano makakalimutan ang humiliation na naranasan ko ay hanggang sa panaginip kasama ko pa rin siya. Hindi ako naiinis sa kanya, dahil talagang sa itsura ay gwapo talaga to mas lamang pa nga ata ang kagwapuhan niya kay Ian Somerhalder ko pero ang ugali niya lang talaga ang problema. NAPAKAHANGIN! Akala mo lahat ng babae magugustuhan siya pwes wag niya akong isali sa mga stupida at bulag na mga yon. 

Gustuhin ko man matulog pa ulit ay hindi ko na ginawa pa baka malate ako sa klase ko may flag ceremony pa naman ayun lang ang ayoko sa pagtuturo ang flag ceremony dahil nakakaantok at nakakangalay tumayo dagdagan pa ng mga announcement ng Principal na pagkahaba-haba pero simple lang naman ang tamang salita.  

Tumayo na ako at nagderetso sa banyo ko para maligo na at mabuhayan ng dugo. Kumatok ako sa kwarto ng mga Magulang ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila gising. Pasado ala-sais na pero di pa rin nalabas sa kanilang kwarto nakakapagtaka lang. "Ma, alis na ko ha?! May gagawi pa kasi ako sa school."  

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon