QUINQUAGINTA QUATTOUR

Start from the beginning
                                    

Nakayuko lamang si Snow habang pinapakinggan ang mga salitang ito.

"Wala ka talagang kwentang ina."

Isang malademonyong ngisi lang ang iginawad ng ginang sa kanyang unica hija. Kapansin-pansin rin ang pagkawala ng emosyon sa likod ng pagod niyang mga mata. Humakbang siya papalapit sa dalagang alam niyang malapit nang gumuho ang pagtitimpi. Christina glared hard at Snow and spat, "Ang pagiging walang kwenta ko ang minana mo. Hulaan ko, may ginawa ka na namang kapalpakan kaya ka nandito? Sinisisi mo na naman ba ako sa kaabnormalang nangyayari sa buhay mo, anak? Kung alam ko lang sana na ganito ang kalalabasan mo, sana matagal na ako nagpatiwakal."

Katahimikan.

Binalot na naman ng nakapangingilabot na katahimikan ang pag-uusap ng mag-ina. Dinaramdam ng lahat ang bigat ng mga salitang binitawan ni Christina. 'How the fuck could she talk to her daughter like this?' Napapailing na lang si Chandresh sa naririnig. Nang dumako ang kanyang mga mata kay Snow, binagabag siya ng pag-aalala nang makitang nakayuko pa rin ito at hindi kumikilos. Snow White just stood there like a statue, nanginginig ang kanyang mga kamao sa gilid. Sa ilang beses niyang nakakasama ang dalaga, alam ni Chandresh na isa ito sa bibihirang pagkakataong mawasak ang pinaka-iingatang pundasyon ng dalaga. Strong people don't stay strong for long. Everyone breaks apart at one point.

"Your Majesty?" Mahina niyang tawag dito. Humakbang palalapit si Chandresh at sinubukang paharapin sa kanya si Snow nang bigla itong mag-angat ng tingin. Nakatuon ang kulay tsokolate niyang mga mata kay Christina. Napaatras na lang si Chandresh nang mapagmasdan ang mga matang ito.

Snow White's eyes glared at her own mother----a unique mixture of hatred, misery, and pure helplessness. Tila na ang matagal nang itinatagong mga emosyon ni Snow ay tuluyan nang kumawala.. Kasabay ng mga luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.

"I hate you.."

It was barely audible at first. Hindi maunawaan ni Chandresh kung ano ang ibinulong nito hanggang sa paulit-ulit na niyang sinasabi. Palakas nang palakas, at halos sumigaw na si Snow sa kanyang ina.

"I hate you..I hate you.. I hate you! I FUCKING HATE YOU! KASALANAN MO ANG LAHAT NG 'TO! YOU MADE MY LIFE A LIVING HELL AND I FUCKING HATE YOU FOR THAT!"

Napapitlag sa gulat sina Chandresh at Sloth sa biglaang pagwawala ng dalaga. Ang nakakairita pa sa sitwasyong ito, mukhang wala pa ring pakialam si Christina kahit pa umiiyak at sumisigaw na sa kanyang harapan ang kaisa-isang anak. Snow White is having an emotional breakdown, but her mother just remained emotionless as a rock.

Naging alerto si Chandresh nang akmang igagalaw ni Christina ang kanyang kamay. 'She's gonna hurt her again!' Sigaw ng utak niya sa alarma. Violet eyes narrowed at the scene and quickly acted on impulse. Maging si Sloth ay mabilis ring kumilos at pumagitna sa mag-ina.

"Try to hurt her again and I'll murder you." Mahinang sabi ng kasalanan. Tumalim ang tingin ni Sloth sa dati nilang katulong habang halos durugin na nito ang pulsuan ng ginang.  Sloth was just in time to grip her wrist in midair before she had the chance to slap Snow again.

Lalong napasimangot si Christina nang makita ang dating amo, na noon lang niya napansin. She was too preoccupied with her worthless daughter to notice the two men standing a few feet away from them.

"At talagang nagsama ka pa ng prinsipe? O baka naman may relasyon ka na sa demonyong 'to.. Kaya siguro naglayas ka sa puder ni Remi." Pagak na natawa si Christina at marahas na binawi ang pulsuan kay Sloth. Isang mapanghusga at nandidiring tingin ang ipinukol niya sa anak na patuloy pa ring umiiyak, "You're a slut. Sana pala sa bar na lang kita dinala kung magiging pokpok ka rin naman. Mga demonyo pa ang napili mo."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now