NOPI 27: Sht. She hugged me!

Start from the beginning
                                    


"Thanks, Seph" sabi ko saka ko siya tinignan mata sa mata


Nang makita ko siyang mag-blush at gumalaw galaw ang mga eyelashes niya ay napatitig na ako sakanya. Gusto ko siyang hawakan pero.. tatakas nanaman ba siya?


"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" tanong ko dahilan kung bakit siya natigilan saka ako tinignan


Pinunas punas ko pa ang palm ko sa shorts ko bago ko iniabot sakanya dahilan kung bakit siya natawa.

Hindi ako agad na nag-reak nang walang dalawang isip niyang hinawakan ang mga kamay ko.


"Charles?" tanong niya kaya naman agad ko na siyang tinignan

"Hmm?"

"Let's talk" tumango na ako


Walang misunderstandings na hindi kayang ayusin ng masinsinang paguusap.


"Galit ka ba sa akin?" tanong niya kaya naman agad akong umiling dahilan kung bakit siya bumugtong hininga at dahilan kung bakit ako natawa


Silly girl. Hindi ko makakayanang magalit sa babaeng nagpapatibok ng puso ko. Actually, kabaliktaran ang nangyari't ako pa ang nagalit sa sarili ko.

Pero.. okay din naman na ang lahat.

Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay niya't pinaglaruan na ito. Tamang tama lang ang size ng kamay niya sa kamay ko.

We're just meant to be, I just know it.


"Okay na ba tayo?" tanong ko kaya naman tinignan niya ako

"I feel awful whenever I forced myself to avoid you," bulong niya kaya naman napangiti nanaman ako

"Then don't avoid me," sagot ko dahilan kung bakit siya nagpout


Hmm. Cute.


"Sephine, I'm sorry. Alam kong nagulat ka sa biglaang pag-amin ko at sa mga sumunod pang nangyari. I'm really sorry. 'Wag mo na akong iwasan"

"Oo, nagulat ako. Pero hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit kita iniwasan eh" sagot niya kaya naman nagtaka ako

"Then why?" mahina kong tanong at hinawakan na ang dalawa niyang kamay at ibinaon ang ulo ko sa mga ito

"I was really anxious about it. I decided to give you some space so that you won't feel uncomfortable. But it was really hard. Nasanay na akong nasa tabi kita lagi, naguusap man o hindi. Alam mo bang nahihirapan ang matulog kakaisip lang kung paano mo ko mapatawad?" tanong ko pero tahimik lang siya


Pero after ng ilang minuto ay nagsalita na rin naman na siya.


"Kasi wala pang lalaki ang nakalapit sa akin dati, wala pang lalaking naka-apekto sa akin at wala pang lalaking sumubok na halikan ako sa buong buhay ko tulad mo. I was just scared of what I'm feeling that's why I avoided you out of impulse and besides.. I didn't know how to face you" binangon ko na ang ulo ko't tinignan siya sa mga mata


Napatayo ako sa gulat at dahil hawak ko ang mga kamay niya ay nadala rin siya't napatayo.


"Then.. I'm your first kiss?" tanong ko't tumango naman siya

"I'm your first hug too? Niyakap mo ko kanina hindi ba?" tanong ko dahilan kung bakit siya namula pero tumango pa rin naman


Napangiti nanaman ako.


"It was just a second, though because you pushed me away" rinig kong bulong niya kaya naman natawa na ako't hinila na siya para yakapin


Hindi naman siya kumalas at inilagay na ang mga kamay niya sa dibdib ko.

She can probably hear my heart beating so fast and loud right now. 

Not that I mind though.


"I'll take full responsibility of my actions. Trust me" sabi ko kaya naman tumango na siya

"Hmm"

"And by the way, you're my first hug and first kiss too"

"Talaga?"

"Yup"

"Charles,"

"Hmm?"

"You smell good," nawala ang ngiti ko't napalitan ng isang straight line

"Sephine?"

"Hmm?"

"Do you want me to kiss you again? Stop seducing me. I've been happy enough"

"Hmm! S-stupid Charles! Who's seducing you?!"


*


Mandy's POV


"Nag-message si Sephine sa group chat. Sa room nalang daw siya manonood para hindi ma-distract si Charles" sabi ni Violet kaya naman tumango nalang kami't tumingin sa ring


3 minutes na after mag-start ang second half ng game, ipinasa ng isang senior 'yung bola kay Ed habang si Ed nama'y nagexchange ng tingin kay Charles. Nang ngumiti si Charles ay napataas ang kilay ng mga pinsan ko.


"You better be serious!" sigaw ni Ed saka niya pinasa kay Charles ang bola na walang effort na isinalo ni Charles

"I'm dead serious," sagot ni Charles saka siya nag-shooting position


Napanganga na ako kaagad nang i-shoot niya ang bola.


"FCK, THREE POINTER! HE'S BACK!"

"KYAAAAH~ GO PRINCE CHARLES!"

"ANG GWAPO MO PRINCE CHARLES!"

"HE'S SO COOL! KYAAH~"


Nagkatinginan na kami ng mga pinsan ko't nagtawanan.

They're back!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now