NOPI 19: Everything seems different now

9.6K 300 6
                                    


NOPI Chapter 19


Charles' POV


"What the?! Ba't natalo mo ako?" tanong ni Ken saka niya tinignan ang score board


"Hah! Sige, sino pa ang gustong humamon sa Defending Champion?" proud naman na sabi ni Stephanie saka niya itinaas ang kanang kamay ni Sephine


Si Sephine naman ang kaliwang kamay niya ay naka-pogi pose at talagang gumagawa pa siya ng smug face. Ang galing niya pala mag-table tennis. What a woman. Sa lahat ata ng bagay ang galing niya.


Nasa loob kami ng gaming centre ng resort. Sa 2nd floor ng restaurant. Tapos na kaming kumain kaya naman nag-decide silang magikot-ikot dito. Unang naglaro ay sina Ed at Ken pero na-bore din si Ed dahil hindi niya matalo talo si Ken. Nung hinila na ni Ed si Sephine, Ken was completely and bitterly defeated. Haha.


"Ayoko na. Sephine's a monster!" sigaw ni Ken saka niya binigay kay Ed 'yung racket pero pinasa din ni Ed kay Rico

"A-ah. Nakakatakot 'yung smash ni Sephine," pagkasabi non ni Rico ay nagtawanan ulit kami


So gay!


"Venus, ikot tayo" sabi ni Ken saka niya hinila si Venus pababa ng hagdan kaya naman nagkatinginan kaming mga natira

"Tara. Ikot din tayo, guys!" sabi din ni Violet


Hindi ko alam kung bakit pero napasilip ako kung san pumunta si Sephine. Nung makita kong umakyat siya sa rooftop, nag-wave ako kina Ed at agad na tumakbo papunta dun.

Ilang hagdan din ang inakyat ko bago ako makarating ng rooftop. Ang rooftop nila may playground at pool. Haha. I've seen many rooftops with pools and playgrounds before pero everything seems different now.


"Ba't ka sumunod? Hindi ka ba magi-ikot?" tanong ni Sephine kaya naman napatingin na ako sakanya


Naglalakad siya papunta sa swing.

Maybe she's the reason why everything's so different now.

The aroma, the breeze and even the view. It's more clearer and more colorful.


"Bata ka nga talaga. Magswi-swing ka ano?" tanong ko at narinig ko naman ang pagtawa niya


"I just want to sit and feel the cold air. Bawal ba 'yon?" tanong niya kaya naman napa-shrug nalang ako


Umupo na siya don sa swing saka huminga ng malalim.


"You want me to push the swing?" tanong ko saka ako lumapit sa kung nasan siya


"Ah. Thanks pero okay lang. Hindi ako mahilig sa mga magalaw na mga bagay eh" natawa ako dun


"Don't tell me.. motion sickness?" tanong ko kaya naman ngumuso siya sabay tango


►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now