NOPI 27: Sht. She hugged me!

1.9K 49 1
                                    

Charles' POV


"Sht. I-I.. I'm sorry. It's by impuls-" this time, I was the one who was caught off guard


Sht. She hugged me.

Oh lord, she really fcking hugged me!


"W-wha.. Sandali lang, Seph. Pinagpapawisan pa ako" sagot ko't agad ko siyang hinila papalayo sa akin


Sumunod naman siya't nagpunas na ng luha niya.

Tinignan ko kaagad 'yung kamay ko. Fck, I just lost my chance! Ba't ko siya pinalayo?!

Ugh. Whatever.


"Sandali lang ha," sagot ko't hinanap ang towel ko sa mga bulsa ko


Nang maalala kong iniwan ko sa bench ang towel ko't katabi ng phone ko ay agad na kumunot ang noo ko.


"Seph, babalika--" once again, I was caught off guard


I literally stared at her. She was wiping the sweat off my face now with a white towel which I think she brought herself. 

Para sa akin ba 'yan?

Napakagat na ako ng labi ko para pigilan ang pagngiti. She finally stopped avoiding me and even initiating to get close to me. 

Oh god, how I wished for this moment to come. It's actually happening~

May matangkad ako sakanya ng ilang inches kaya naman nahirapan siyang abutin ang ulo ko at kitang kita ko ang napakaganda niyang mukha.

Kahit na may mga bangs at napakakapal na mga salamin ang nakarang ay mapapansin mo parin ang napakaganda niyang mga mata na para bang ang langit kapag gabi, may mga bituin na kumikislap.

Natawa ako ng kumunot ang noo niya't nag-tip toe siya. Hinawakan ko na ang kamay niya't hinila siya sa may mga upuan. Pinaupo ko siya sa may mesa habang ako naman ay umupo sa upuang kaharap nito para naman magkasing tangkad na kami.

Nang makita kong ngumiti siya dahil sa ginawa ko ay inilapit ko pa ang upuan sakanya at hinayaan na siyang punasan ako.

Hehe. She's acting like my girlfriend, but since she's so innocent and pure, she probably doesn't realize it. Not that I'm complaining though, it actually warms my heart.

When she was done, I took the towel and used it so that she won't tire herself.


"Anong ginagawa mo dito? Nag-stay ka nalang sana sa gym at tinext ako para ako nalang ang lumapit sayo. Posible bang hindi mo na kinayang panoorin ang kapalpakan ko?" tanong ko't kaswal nalang na ipinatong na ang towel sa balikat ko

"Well.. dinalhan kita ng towel at mga inumin. Kaninang umaga ka pang walang pagod na kakalaro, hindi kita masisisi kung napagod ka" sagot niya't kumuha ng kung ano sa bag niya


Nang makita ko 'yung favorite kong juice ay hindi ko na napigilan at napangiti na talaga ng sobra sobra. 

Hah, totoo nga talaga. Pati mga lalaki nakakaramdam din ng kilig.

After niyang buksan ang juice ay agad niyang inabot sa akin kaya naman walang dalawang isip ko itong tinanggap at ininom na.

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now