NOPI 26: I'm sorry

1.9K 44 1
                                    

Mandy's POV


The whistle blew and the match officially started.


Kararating lang namin sa gym and for a reason napakaraming tao ngayon. And that reason is? Well, it's because of the game and of course, it's players.


Finals na at ang labanan ay sa pagitan ng team ni Charles, Ed, at pati na rin ang ibang mga seniors versus sa team nila Rod, Rico, Ken at dalawang pang seniors.


"Kyaaaah! Heartthrob Prince, look here!"


"Ken, you're so hot! Please marry me!"


"Shh! Wag nga kayo! Maiistorbo si Rico!"


"Ang gwapo mo Rod! Kaya mo 'yan! Ah! Tumingin siya dito!"


"You can do it! Ed, the magnificent! Kyaah!"


Seryoso? Ano 'to? Pagwapuhan o basketball? Ang popogi ng mga engot eh! Sinadya ata!


Nang makita namin ni Sephine 'yung mga pinsan na nakaupo sa may entrance banda ay tumungo kami dun at nang makaupo na kami, nakarinig kami ng palakpakan kaya naman tinignan ko na ang score.


Charles' Team 9                             Rod's Team 26


Nanalaki ang mga mata ko.


"Fck, what kind of a score is that?!" sigaw ko kaya naman natawa na sila Violet sa akin


"Well, why don't you try and ask Charles? He's not focusing on the game. Ang mga teammates niya ang nakaipon ng score na 'yan" sagot niya


"Ha? Bakit naman? Nandito na si Sephine ah. Dapat nga mas humusay pa siya. No one probably wants to look uncool in front of someone they like, right" sagot ni Ynna kaya naman tumango ako


"I know right? He just doesn't seem to be in good shape this time. But he was doing fine earlier though" sagot naman ni Violet


"Tsk. Tsk. Hindi niyo naintindihan ano? Ang dahilan kung bakit wala ang utak niya ay dahil kasama ito ng puso niya. Oh, san ang puso niya? Diba kinuha ni Sephine? Paniguradong kakabahan siya" sabi ni Venus kaya naman nabulunan si Sephine na umiinom ng tubig ngayon sa tabi ko


Hinagod ko na kaagad ang likuran niya.


Hays. She's as clumsy and as silly as ever.


"Kasi nga he's trying his best na bigyan ng space si Sephine. And then here comes Sephine, wasting his efforts of making it easier for her to avoid him," sagot naman ni Icy kaya naman nanahimik kami


Icy talaga siya. Walang preno ang bunganga.


►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now