NOPI 14: A Guy's Intuition

9.3K 301 1
                                    


NOPI Chapter 14


Sephine's POV


Akalain mo ba namang makakatagal ako ng 2 months dito. Haha


Except sa pagbubully sa akin ng mga bullies, nagkaroon din naman ako ng kaibigan. Which is si Shane, Shane Aguinaldo.


Ilang beses na rin akong nailigtas ng aking mga knight in shining armors na sina Ed. Korni man pero oo, totoo pala ang mga knight and shining armor. Though, hindi ako prinsesa at wala akong prinsipe. Haha


Saturday ngayon, since walang NSTP, nag-plano kami ni Shane na magbigay ng mga recommendations sa kung anong mga libro ang maganda basahin. Hihi


She's one of my precious friends now, together with Charles, Ed, Rico, Ken, Rod and my cousins. Sabi niya nga pala ako lang ang nakakausap niya na babae except sa mga teachers at sa mga roommates niya. Weird pero posible naman. Wala rin naman siyang rason para magsinungaling sa akin eh. Ang galing nga dahil parehas na parehas kami at makasundong magkasundo.


"Sephine, anong meron? Ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong niya saka ako binigyan ng soda saka siya umupo sa tabi ko


"Wala, may inaalala lang" sagot ko sabay tingin sa langit


"Anong naaalala mo?" tanong ni Shane


Hmm. Nilagay ko naman 'yung kamay ko sa chin ko. 'Yung pose na para bang nag-iisip.


"Nanahimik ka? Ano nga?" tanong niya saka siya uminom ng soda


"Naaalala ko lang naman 'yung mga masasarap na sampal nila Annallie't Gelou" sagot ko


Nanlaki ako ang mata ko ng maibuga niya 'yung soda.


Nagpigil na ako ng tawa.


"Ew. Ano ba Shane? Pffft. Kadiri ka. Hahaha" sabi ko saka ko pinunasan yung parte ng katawan ko na nabugahan ng soda


Haha. Buti nalang at wala masyadong tao. Kung hindi ay paniguradong paguusapan at pagtatawanan nanaman kami, well, ako in particular.


Not that I mind though.


"Sorry. Ikaw kasi eh. Pinagloloko mo nanaman ako. Ang mga ganyang bagay, hindi dapat dinadaan sa mga jokes. Tsk" sabi niya saka siya nagpunas


"Pasensya naman. I didn't know that you would actually react that way. Joke lang naman 'yon eh" saka ako natawa at binigyan siya ng tissue


"Pero totoo nga? Bakit?" tanong niya ulit kaya naman ngumiti na ako


"Kasi nakahanap na ako ng kaibigan. Sa amin kasi hindi ako pinapayagang magkaibigan eh, kasi.. Ah, eh basta" tumingin siya sa akin kaya naman tumawa ako awkwardly saka ginalaw ang salamin ko

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now