Bahala na si Batman!

8.6K 278 30
                                    

Hello nga pala kay @saruyuri ! Salamat sa pagsubaybay sa kwento kong hindi alam kung paano wakasan ! WAHAHA! Thank you! This update is for you! God bless! ^_______________^

ENJOY!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ed's POV

"Hindi mo lang ba siya susundan, Charles?" tanong ko kay Charles habang pinagmamasdan namin si Sephine sa malayo

"Bakit pa?"

Yan talaga ang mahirap kay Charles. Simula nang mawala ang tiwala niya sayo, mahihirapan na siyang ibalik yon. Ewan ko lang kung pati sa taong mahal niya. Atsaka si Charles yung tipo ng tao na napaka-antipatiko. Maintindihin tapos biglang nagiging praning at stubborn. 

Narinig kasi namin kanina ung pinagusapan ng Falcon Cousins. Cousins na, kasi alam na nilang magpipinsan talaga sila. 

~Flashback~

Lumabas na si Charles kaya sinundan nanaman namin siya. Hanggang sa makarating kami sa likod ng music room. Doon parin sa dati naming tinaguan.

''You know Seph. Kung mage-emo ka diyan, hindi na mababawi ung nangyari kanina" rinig kong sabi ni Mandi

Nakita ko namang parang wala pa sa sarili si Seph pero agad agad din naman siyang napapunas ng mukha niya. Huminga siya ng malalim saka ngumit na may bakas pa ng guilt at sakit.

"A-alam ko. Pagkatapos ng Showcase, aalis na ako" ani ni Sephine

"WHAT?!"

Whoah! Pati kami rin nagulat dun ah! Sisigaw na sana ako ng HINDI ng bigla akong hinila ni Rico at tinakpan ang bunganga ko

"Hind---MMM!"

"Who's there?"

Tumakbo na kami hanggang sa makarating na kami sa labas ng Gym.

~End of Flashback~

 "Magsisimula na ang Showcase, sana naman hindi nalang matuloy para hindi makaalis si Sephine"

Naglakad naman si Charles papasok ng Gym

"Pare naman! Si Sephine na ung pinaguusapan oh! Aalis raw siya" Charles siguraduhin mo lang na pinapasok mo sa kokote mo tong pinagsasabi ko!

"Magsisimula na ang showcase. Bilisan niyo"

Tapos pumasok na siya sa loob. Tsk. Nagkatinginan kami sandali nila Rod at ilang minuto sumunod narin naman kami. Umupo kami sa pinakadulo. Ang dami kasing tao.

"Josephine is the former nerd that has been bullied in two Schools. In The School for the Elites and The Royal Academy. We found that out from a video of some students here at Royal Academy. The Heiress is pretending to be a nerd to ease some of the media's creatively stalking actions and non-stop interuption. Anyway, we found out that the source of everything is about the request of her father to check the attitude of the students of the Royal Academy. Is it worth it or is it not? Back to you, Jerard"

May mga nagrereport pa. Tsk. Ang salbahe talaga ng mga taga Royal Academy. Pati ung mga nasa harapan namin, pinaguusapan rin si Sephine. 

"OMG. Alam mo girl, yung binully daw nila Annallie ay 'yung anak ng panganay na lalaki ng mga Falcon"

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now