NOPI 20: Paano nga ba malaman kung gusto mo ang isang tao?

9.6K 322 20
                                    

(Photo: Right - Sephine and Left - Venus)


NOPI 20


Sephine's POV


Napatingin ako sa dumating. Si Venus lang pala.


"Seph, I know you're timid pero nasobrahan ka ata ngayon. Anong nangyari sayo? Hindi ka naman siguro napagod since hindi ka naligo sa dagat kanina" saka siya umupo sa harapan ko


Nasa cottage kami na katabi ng tinutuluyan namin. Hapon na at nagpapahinga silang lahat. Well, except sa akin at kay Venus.


"Hindi ka na ba magpapahinga? Tulog pa ang iba diba?" tanong ko at tumango naman siya


Nakatingin lang kami sa dagat. May mga batang nagtatakbuhan at nagbabasaan.

They look so happy. Haha


"You dodged the subject just now, huh?" tanong niya kaya naman natawa ako saka napabugtong hininga

"Venus," tawag ko sakanya

"Hmm?"

"Paano mo ba malalaman kung gusto mo na ang isang tao? Pwede mo bang ikwento sa akin kung paano mo nagustuhan si Ken?" tanong ko saka ko siya tinignan


Hinintay ko naman na pagtawanan niya ako pero nakatingin lang siya sa akin ng diretso saka ako nginitian.


"I was supposed to laugh but since you're so helplessly curious, I'll take you seriously. Pasalamat ka at wala 'yung iba dito kundi aasarin ka nanaman nila ng walang bukas" sagot niya kaya naman ako na ang natawa

"Sinabi mo pa,"

"Well, I am your best-est friend after all," saka niya ako kinindatan kaya naman tinignan ko na siya

"Ang taong 'yon.. is it Charles?" dagdag niya kaya naman napatingin nanaman ako sa dagat at hindi na sumagot

"They say sometimes silence isn't yes. But on your case, I might think the opposite. Charles, huh? The famous Campus Heartthrob. NGSB at hindi kailan man nagkaroon ng negative na rumor tungkol sakanya. Despite being a BA student, may trabaho din siya sa kompanya nila per his responsibility as the next successor"


Hindi ako sumagot.

I know. He's amazing. Haha


"Hmm. Let's see.. Paano nga ba malalaman? Well, bakit ba ako ang naisip mong tanungin, Seph?" tanong niya kaya naman napangiti ako

"Cause you have Ken as reference" sagot ko kaya naman tumango siya

"Hmm. Actually Ken and I weren't on good terms at first. I hated his guts and so does he. Hindi kami nagpapansinan. Kahit na close na close ang Falcon cousins at ang grupo nila, we never even once put our gazes on one another. We were total strangers" nabigla naman ako dun saka ko siya tinignan


Whoah. Pero ngayon parang hindi sila mapaghiwalay.


"We're in the same class back in high school at nagpapalit palitan kami sa Top 1. You know me back then, I'm a study freak. Naiinis ako kay Ken non dahil mas mataas ang grades niya sa akin minsan. Nung naging mag-MU sina Rod at Violet non, lagi akong sinasama ni Violet para samahan siya tuwing nagkikita sila at timing na pati pala si Ken ay sinama ni Rod. Weird pero kinomfront ako ni Ken" natawa ako nang makita ko ang reaction ni Venus dahil naiinis siya na natatawa

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now