NOPI 10: Who do you prefer?

10.2K 317 3
                                    

(Photo: Rico)


NOPI 10


Sephine's POV


"Since nandito na rin naman tayo't malapit na magsimula ang campfire, may gusto akong buksan na topic" napatingin kaming lahat kay Venus sa sinabi niya


Ano nanaman bang kabaliwan at kaguluhan ang nasa isip nito?


"Tungkol san ba?" tanong ni Mandy


Hindi ko sila pinansin at humiga na sa lapag.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Magandang tambayan raw dahil wala akong roommate/s. Haha. Ginawa pa nilang tambayan ang kwarto ko.


"Para sa may-ari ng kwartong 'to" hindi ako kumibo


Dinamay nanaman ako. Tahimik na nga ako dito eh.


"Sephine naman, don't be stingy" singit ni Ynna kaya naman sinilip ko sila


Nakatingin na silang lahat sa akin. Nako naman. Ang mga tingin 'yan? Ang mga ngiting 'yan?


"Do I have a choice?" tanong ko dahilan kung bakit sila nagtinginan saka ngumiti at tinignan na ako

"You don't!" sabay sabay nilang sabi kaya naman napailing nalang ako't bumangon na galing sa pagkakahiga saka umupo ng maayos.


Nasa study table ko si Mandy, nasa kama ko si Ynna habang sina Venus at Violet naman.. ayun, pinapapak ang mga binili nilang mga makain.

Si Icy naman ay busy sa project niya. Wala siyang ka-section sa amin eh.


"So? Ano?" tanong ko saka ko kinuha 'yung isang pack ng fries

"So who do you prefer from the five of them?"


Isusubo ko na sana pero nanatili lang akong nakanganga sa tinanong ni Venus sa akin.

What? Ha? Ano raw?


"Ha? Five of them? Sino?" tanong ko saka ako tuluyang lumamon ng fries

"Ed, Rico, Rod, Ken and Charles"


*COUGH

Nanlaki ang mga mata ko saka umubo ubo.

HAAA?


"Paano *cough ba sila napasok *cough sa usapan?" tanong ko

"Sagutin mo nalang!" sabay sabay nilang sigaw kaya naman nabigla ako saka nagmadaling uminom ng tubig


Huminga ako ng malalim.


"Uh. Prefer? Prefer for what?" mahina kong tanong kaya naman sabay sabay silang napasapo ng mga noo nila

"As a partner. As someone who can make you happy. Or a potential ideal man" kumunot noo ko


►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now