NOPI 7 : The Infamous School Bully

10.6K 336 14
                                    

(Photo: Venus)


NOPI CHAPTER 7


Chapter 7


1 Week nalang bago mag-56th Aniversary ang Royal Academy and all I can say is that.. busy ang lahat.


Well, except nalang siguro sa class namin or ako lang ata ang hindi busy?


Hindi naman kasi nila kailangan ng tulong eh, everybody has bodyguards, construction workers and assistants doing the work with them. Ang astig nga eh.


While they're working and preparing for the Dating Sanctuary, I was assigned to help in making the token for participation.


Kailangan daw 'yun para maalala ang mga memories sa Dating Sanctuary na prine-pare ng Royal Academy's Star Section.


Gumagawa nga pala ako ng token of appreciation together with Ed, Rico, Ken and two more classmates.


At kung bakit kasama ko 'yung tatlong Campus Prince? Aba'y hindi ko rin alam. Inutusan nalang ako bigla ng Classroom Mayor na tumulong sa pag-prepare ng Token for Participation eh.


"Pang 23rd ko na 'tong bracelet, Mayor. Pwede bang magpahinga muna?" tanong ko sa Mayor ng Classroom na busy sa paglilista ng iba pang mga kakailanganin


"Ah. Good job, Nerdy. Okay, magpahinga ka muna pero remember na bawal lumabas ng classroom" tumango naman ako saka nilagay 'yung nailon ko sa table


"Uwah. Grabe! May talent ka pala dito, Seph?" nginitian ko nalang si Rico as response


"It's just luck"


"Buti ka pa. Tatlo palang ang nagagawa ko eh. Bakit ba kasi napunta pa ako dito?" napatingin naman ako sa ginawa ni Ken


Anla? Ba't kasi hindi niya nilalagyan ng harang 'yung dulo ng string? Ahaha. Natatanggal tuloy 'yung beads.


"Hehe" 'yun nalang ang nasabi ko kaya naman in return ay tinaasan niya ako ng kilay


Ang taray niya talaga.


"What? It's not like I'm born to build bracelets. Tss"


Maliliit ang butas ng beads kaya naman hindi ko siya masisisi. Akala niya siguro hindi sila matatanggal. Haha


"Hindi ka naman uulit sa paglalagay ng beads kung haharangan mo 'yung isang dulo eh. Just try again but make sure you'll lock the other end part of the string" napatingin naman siya sa dulo ng ginagawa niyang bracelet at bigla nanamang may natanggal na bead kaya naman nanlaki ang mata niya


"Shit. Hindi ko napansin" pagkasabi niya nun ay hinarangan niya na 'yung dulo ng string at on cue ay humalakhak na sina Ed at Rico

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now