QUINQUAGINTA UNUM

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinubukan niyang buksan ang mga pinto, ngunit naka-lock ang lahat ng ito.

"Stop running away, Chione."

Nanindig ang balahibo ni Snow nang marinig ang boses na 'yon. Hindi na siya nagtangka pang lumingon at mabilis na kumaliwa sa isang pasilyo. Hindi siya pwedeng huminto! Hinihingal na nagpalinga-linga sa paligid si Snow. Bakit parang hindi na pamilyar sa kanya ang parteng ito ng mansyon? Nilapitan niya ang kaisa-isang lamparang nagbibigay-liwanag sa lugar.

Pero bago pa man siya makalapit, lumitaw sa matamlay nitong liwanag ang mukha ni Sloth. His eyes hard and cold.

"Don't make this hard on yourself. 'Wag ka nang tumakbo."

Mahinang napamura si Snow nang nakita niya sa gilid ang ilan sa alaga nitong mga anino. Wala siyang inaksayang oras at tumakbo papalayo rito. Paano nga ba siya makakatakas sa mga demonyong ito?! They're everywhere! It's like running around in a fucking maze with no exit! Umakyat sa ikalawang palapag si Snow. Hihingi siya ng tulong kay Chandresh!

Mahina pa siyang napamura nang kumirot ang parte kung saan nakakabit ang kanyang prosthetic leg. Huminga siya nang malalim at pinasadahan ng tingin ang tahimik na palapag. The mansion seemed to have transformed into a horror house, and she's the next victim. Naaalala ni Snow ang sinabi ng magkakapatid. Marami nang namatay na katulong dito.. 'Mukhang susunod na ako sa kanila.' Mapait niyang isip at sinimulang tahakin ang daan papunta sa kanyang silid nang umalulong ang isang halimaw.

Black fur. Three heads. Snake tail.

"C-Cerberus.."

Nanghihinang humakbang papaatras si Snow. Sa gilid ng higanteng tagapagbantay ng impyerno, Wrath stood with a demonic smile. Mas lalong nataranta si Snow at tumakbo papalayo sa kanila. Just in time before a fireball grazed her skin! Mukhang gusto nga siyang patayin ng mga ito! And this sin even had the nerve to kiss her in the dungeons before?!

"THIS IS MADNESS!"

Hindi nakatulong sa kanyang sitwasyon ang pagkawala ng ilaw sa mansyon. Parang may mahikang bumabalot dito. Kahit ang  makakapal na mga kurtina ay nakasara at walang pinapapasok na liwanang. Pinagtangkaan ni Snow na dumaan sa mga bintana, pero hindi niya mabuksan ang mga kurtinang ito. It stuck on the windows like glue! Bababa na sana si Snow sa hagdan nang mapansin niya ang bulto ng tatlong kalalakihan sa paanan nito.

Gluttony, Greed, and Lust..

Wala nang nagawa pa si Snow kung hindi umakyat sa ikatlong palapag---ang parte ng mansyon na mas lalong hindi pamilyar sa kanya. Maybe she could just jump off the rooftop? Bakit pa ba siya tumatakbo sa kamatayan? Napapailing na lang ang dalaga. Kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib sa kaba at pananakit ng mga paa, narinig niya ang isa pang pares ng mga sapatos na naglalakad sa kanyang likuran.

Her eyes widened in alarm. She tried to run away faster, but the darkness seemed to be never-ending.

Napasinghap siya nang pumulupot sa kanya ang pares malalamig na mga bisig mula sa kanyang likuran. Sinubukang magwala ni Snow, pero hindi na niya ito nagawa. She felt tired and weak.. Bakit pa nga ba siya tumatakbo?

"There's no use running away, princess."

At tuluyan na siyang nawalan ng malay. Ang diwa ni Snow ay binalot ng walang kamatayang katahimikan at kadiliman. Kasabay nito ay ang paglandas ng luha mula sa kanyang mga mata. Siguro nga, kasalanan niya ang lahat ng ito.

'I'm sorry, my Seven Deadly Sins..'

*
Ang buong akala ni Snow, wala nang mas sasakit pa kaysa sa kamatayan at ang pamumuhay sa puder ni Mr. Jeremy Hans Boswell. Pero sa pagkakataong ito, nauunawaan ni Snow na mayroon pa pala. How is it possible to hurt so much? Huminga siya nang malalim at tinitigan ang kabuuan ng kanyang selda. Masangsang ang amoy at may nakita pa siyang kalansay kanina. Mukhang dito na nga siya mamamatay sa piitan ng mansyon. Tanging ang apoy lang na nanggagaling sa mga sulong nakasabit sa pader ang nagbibigay liwanag sa lugar. The cold steel bars, rusted at the base, kept her from running away.. Siyempre bukod pa rito ang mga kadenang nakapulupot sa kanyang pulsuan.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon