Ngumiti nang alanganin si Snow. "Err.. Thirty minutes?"

Bumalik ang sigla ng kasalanan at sinabayan siya sa paglalakad. "Masyado pa ring matagal para sa kawawa at kumakalam kong sikmura pero...sige na nga! Just make sure to prepare my beloved roasted chicken, sushi, Italian pasta, camembert cheese, and some caviar!" Maligaya nitong sabi at tumakbo na sa pasilyong maghahatid sa kanya sa dining hall. Pinanood pa ni Snow ang papalayo nitong anyo bago napabuntong-hininga, 'lagi namang kumakalam ang sikmura niya eh.'

Marahan niyang hinila ulit pababa ang sleeves ng kanyang maid's outfit. May ilang rashes pa rin sa kanyang katawan dala ng allergy niya sa peanut butter. That, and her side still hurts like hell.

"Mabuti na lang at mukhang hindi siya naghihinala.."

Ngayong pupuntahan na niya si Christina sa impyerno para lunasan ang sumpa, Snow White can't take the risk of having them figure out her secret. On her way to the kitchens, Snow White could hear the melody coming from the Music Chamber. Napangiti si Snow nang mahulaang naroon na naman si Sloth. From across the hallway, the soothing music of his piano resonated towards her. Moonlight Sonata. Tila ba hinehele siya ng musika nito. Sloth's music always had that effect on her. Sana kapag natapos na ang gulong ito, pumayag pa rin siyang ipagpatuloy ang piano lessons nila..

Sana.

*

Naupo sa kanyang paboritong pwesto si Gluttony. The moment he stepped into the marvelous dining hall, bumalot ang kapayapaan sa kanyang loob. Bukod sa kanyang Dessert Room, aminado ang kasalanan na ang lugar na ito ang itinuturing niyang "happy place" ng mansyon---siyempre, para sa kanya. Hindi niya alam at wala na siyang pakialam sa opinyon ng mga kapatid niyang hindi marunong mag-appreciate ng pagkain. 'Tasteless brothers! Tasteless, indeed!' Gluttony thought and stared at the empty chairs around him.

"Bilang ko lang talaga sa daliri ko kung ilang beses kaming naupo ng kumpleto dito."

Mahinang napamura si Gluttony nang kumalam ang kanyang sikmura. 'What's taking her so long?' Reklamo ng kanyang isip at ng kanyang tiyan. Bakit ba kasi naisipan niyang ibato sa halimaw na 'yon ang sandwich niya? Wala tuloy siyang nakain kagabi! Kung alam lang sana niya kung gaano nakakagutom ang makipaglaban sa isang pangit na halimaw, e 'di sana isang sako ng sandwiches na lang ang nabaon niya. Gluttony sighed. He was about to conjure up some delicious pastries when the dining hall doors opened.

Noong una, akala niya tapos na si Snow sa pagluluto at ihahatid na nito ang masasarap niyang pagkain, pero nang makita ng kasalanan ang lima niyang mga kapatid, halos mapanganga sa gulat ang prinsipe ng katakawan.

"What the fudge are you doing here, brothers?"

Naupo sa tapat niya si Sloth, humikab, at bahagyang tumango sa kapatid, "We need to talk about something." Seryoso ang ekspresyon nito. Nagpakurap-kurap na lang si Gluttony. Ano bang kailangan nilang pag-usapan? 'Malamang tungkol na naman sa pagbagsak namin,' huminga nang malalim si Gluttony at sumandal sa kanyang upuan. It was getting boring. Pinitik niya ang kanyang mga daliri na naging hudyat para lumitaw ang isang bag ng popcorn.

"Minsan talaga, gusto kitang tanungin kung saan mo dinadala ang kinakain mo." Napangiwi sa kanya si Wrath habang pinagmamasdan siya nitong lumalamon. Nagkibit ng balikat si Gluttony, "Then why don't you ask me, brother?"

Umirap si Wrath at naupo sa kanyang kaliwa. "No need to. Ang hula ko may blackhole diyan sa bituka mo, you food-muching bastard."

"I'll take that as a compliment, my beloved sadistic brother." Sabay nguya ng popcorn.

Natawa ang kambal nang makitang sasabog na naman sa galit si Wrath. Siniko ni Greed si Envy, "Sana mag-away sila. Tapos kapag pareho silang namatay, we can sell Wrath's torture toys to the black market. Kikita tayo ng milyon!"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now