QUADRAGINTA SEPTEM

Magsimula sa umpisa
                                    

Lagot na.

Sinubukang tumakas sa madilim na kagubatan si Snow, her mouth open in mid-scream when Gluttony threw something at her. Nanlaki ang mga mata ng halimaw nang mapagtantong ang hawak nitong sandwich kanina ang binato sa mukha niya. 'Shit! This is peanut butter!' She realized when the monster choked on it.

"Akala mo makakatakas ka sa'min?!" Naiinis na sabi ni Lust. Nakakapanibago para kay Snow na makita itong hindi nakikipaglandian sa kanya. Even the playboy sin is losing his temper, and she finds it rare. Very rare. Bumaling si Greed sa kakambal. "BULLSHIT, ENVY! TUMULONG KA NGA DITO!" Hindi alam ni Snow kung namamalikmata lang ba siya, pero nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Envy. Pero bakit?

Envy nodded and half-heartedly snapped his fingers. Kasabay nito ay ang paglitaw ng ilang blades. Kuminang sa apoy ang talim ng mga ito. Seryoso ang mukha ng kasalanan nang lumapit ito sa halimaw.

Bago pa man siya makagalaw, nagkabitak-bitak na ang lupa sa paanan ni Snow. Napasinghap siya sa kanyang isip nang makita ang walang katapusang apoy sa ilalim ng mga bitak na ito. She screamed when the voices of tormented souls echoed throughout the dark forest. 'Kung hindi 'yan ang impyerno, hindi ko na alam kung ano!' Nanghihinang lumuhod ang halimaw, umaalunig sa kanyang utak ang sigaw ng mga kaluluwa.

Bumubulong. Nang-uuyam. Naghihinagpis.

"NOW!"

Hindi na namalayan ni Snow ang pagpalibot sa kanya ng apat na kasalanan. Halos hindi na rin niya makita ang mga ito dahil sa tindi ng apoy at usok. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang kalamnan---isang indikasyon na malapit na siyang bumalik sa normal. Napapikit na lang ang dalaga. 'What's happening with my life?'

She can hear them. She can feel their anger. Baka nga mas mabuti nang mapatay siya ng mga ito. Ano pa bang ikinakatakot ni Snow? Her life has been a living hell. Maybe it's time to accept her tragic fate..

"SHIT! ENVY!"

"BROTHER, WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?!"

"HOY!"

Narinig na lang niya ang pagtama ng metal sa metal. Napapitlag ang halimaw nang makitang nasalag ng mga patalim ni Envy ang pag-atake sa kanya nina Greed. Their blades fell to the ground, some fell to the lake of hellfire below. Nanlaki ang mga mata ng halimaw nang pati ang apoy na pinakawalan nina Lust at Gluttony at nagawang tablan ng pag-atake ni Envy. The fire dispersed into wisps of smoke, barely reaching her.

'A-Anong nangyayari?' Hindi makapaniwalang bulong ni Snow sa isip niya.

Nang magtama ang mga mata nila ni Envy, nakita niya ang emosyon sa likod ng mga ito. Kung kanina ay hindi sigurado ni Snow ang pag-aalinlangan niya, ngayon ay kitang-kita na niya ito. Envy's eyes expressed a thousand emotions all at once---almost making him vulnerable. Pero ang pinakanangibabaw dito ay hindi awa o pagkasuklam.

It was genuine concern.

Para bang sinasabi sa kanya ni Envy na kailangan na niyang umalis. Kailangan na niyang tumakas---at naunawaan ito ng dalaga.

Binagabag ng sandamakmak na mga tanong si Snow. Pero sa huli, iisa lang ang nangibabaw sa kanya..

'Envy.. Why are you doing this for me?'

Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip ang halimaw at mabilis na tumalon, ilang talampakan ang taas sa ere, at ginamit ang kapal ng usok para makatakas sa mga kasalanan. The wind felt nice and deadly at the same time. Ilang sandali pa, nakikita na ni Snow ang pagliliwanag ng kalangitan mula sa distansya.

She cursed under her breath as her tattoo stained her skin with pain again. Mabilis niyang tinahak ang daan pabalik sa mansyon, nanghihina at malapit nang mawalan ng malay. Nahihirapan siyang huminga and she silently cursed her allergy for that.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon