'Great. Nakapila na pala ang mga papatay sa'kin,' pagak na natawa si Snow. It's crazy how she can still find humor in this kind of situation. Siguro epekto ito ng pamamalagi niya sa mansyon ng pitong kasalanan. It makes you a little bit crazier, everyday.

"Nasaan na ba ang isang 'yon?"

Wala ang prinsipe sa Library of Lost Souls kanina nang silipin niya ito. Napuntahan na rin niya ang Leisure Room, Dessert Room, Music Chamber, Conference Room, at maging ang Control Room ay pinasok na niya! Still, Snow White couldn't find him anywhere. 'Baka naman busy pa siyang tinititigan ang repleksyon niya sa salamin?' Napalingon si Snow sa pintong nasa kanang bahagi ng daang tinatahak niya.

Maze of Mirrors, perhaps?

Napapailang si Snow at mabilis itong nilagpasan. Wala siyang planong mapadpad ulit sa magulong maze na 'yon. The first (and probably the last) time she stepped foot inside that place, para na siyang tatakasan ng katinuan. Ironically, doon din niya nakadaupang-palad si Chandresh na nakakulong pala sa lugar na iyon bago siya mapadpad sa salaming nasa kwarto ni Snow.

Napahinto siya sa paglalakad, the dark and elegantly decorated hallway seemed too extravagant for such a creepy place. Kumunot ang noo ni Snow sa naiisip.

"Kung nakakulong siya sa Maze of Mirrors, then does that mean that the Seven Sins transferred him there?"

Agad na bumalik kay Snow ang alaalang nakita niya sa salamin. Ang mga alaala ni Chandresh. Malinaw na pinakita roon na pumalit siya kay Boswell at nakulong si Chandresh sa isang salaming nasa isa sa mga silid ng mansyon (Oo, halos lahat ng mga pintuan dito ay naka-lock at hindi pa napapasok ni Snow), but the memory didn't show 'how' Chandresh ended up in the Maze of Mirrors. Kung tama ang hinala ng dalaga,  malamang ay alam ng magkakapatid ang patungkol kay Chandresh. Malaki ang posibilidad na sila mismo ang naglipat nito sa silid na 'yon.

'If they know Chandresh exists, then I hope he's not in danger..'

Sa paglilibot niya sa mansyon, imbes na si Chandresh ang nahanap, Snow White suddenly stumbled upon Wrath. Nang magtama ang mga mata nila, agad na nakaramdam ng kaba ang dalaga. 'Bakit ba parang may galit siya sa'kin?' Kung sabagay, lagi naman mukhang galit si Wrath. Pero sa pagkakataong ito, ramdam niyang may iba sa ikinikilos ng prinsipe.

"Saan ka pupunta?" Pang-uusisa nito sa kanya. His eyes were too intense for her comfort.

"B-Babalik na sana ako sa kwarto ko.."

"Really? From what I've observed, mas madaling pumunta roon kung doon ka sa kabilang pasilyo dumaan."

Shit. 'Think Snow, think!'

Alanganin siyang ngumiti, "Exercise."

Tumango na lang si Wrath, halatang hindi kumbinsido sa kanyang palusot. Nang malagpasan na niya ito, she heard his voice from across the hallway.

"You might want to be careful tonight, Snow White."

*
The fifth night came as a blur to her. Ang natatandaan na lang ni Snow ay noong kumagat na ang dilim, naramdaman na naman niya ang paghapdi ng tattoo sa kanyang leeg. "DAMN THIS! A-AAAHHH!" Napasigaw siya sa sakit noong parang sinisilaban ang parte kung saan ito naka-imprinta sa kanyang balat. The pain was too much to bare, and just like the previous nights, Snow White found herself entraced by the sound of clocks.

Tick-tock.. Tick-tock..

Papalabas nang palalabas. Pakiramdam niya ay malapit na siyang mabingi at matrauma sa nakamamatay na tunog ng mga ito. Hirap niyang kinontrol ang paghinga, kasabay ng pagbabagong-anyo niya.

"S-Snow?"

Kilala niya ang boses na 'yon. Nang bumalik si Snow kanina, naabutan niya si Chandresh na natutulog sa kanyang silid. Nang magising ito, huli na dahil papalubog na ang araw. The prince couldn't do anything for this princess.

"Snow, don't let the monster take over! Labanan mo!"

Napalingon ang halimaw sa boses na nanggaling sa kabilang bahagi ng silid. Sa loob ng kanyang isip, sinisigawan na ni Snow si Chandresh upang tumakbo papalayo. 'GET AWAY, CHANDRESH!' Pero kahit anong gawin niya ay wala pa rin itong silbi. Snow White was forced to watch in horror as the monster gripped Chandresh's shirt and threw him away. Sumiklab ang pag-aalala ng dalaga nang marinig ang malakas na paglagapak ng katawan niyo.

'Damn it! STOP!'

Ngunit ngumiti lamang ang halimaw at lumabas sa bintana, tulad ng gabi-gabi nitong ginagawa.

The harsh winds roared in her ears as the dark night draped over the forest. Hindi alam ni Snow kung saan na naman pupunta ang nilalang na ito. Ang alam lang niya ay matatapos ang gabing ito nang wala siyang magagawa upang pigilan ito..

*

The monster kept her up all night. Nilibot nito ang daigdig at mabilis na ninakaw ang  kaluluwa ng mga makasalanang tao. Hindi na niya matandaan kung paano nito ginawa o kung ilan ang naging biktima niya ngayong gabi. Nang akala ni Snow ay tapos na ang pag-iral ng kanyang sumpa sa gabing ito, napapitlag na lang siya nang magtungo sa Eastwood ang nilalang na kumokontrol sa kanya. 'Why does it always come back to Eastwood?' She felt herself feel lightheaded as the monster made its way through several alleys.

Magbubukang-liwayway na pero nagkalat pa rin ang mga pulis sa lansangan. Mukhang natutunugan na nila ang kaguluhang ginagawa niya gabi-gabi.

Nang marating ni Snow ang bukana ng kagubatan, agad niyang nakita ang katawan ng isang naghihingalong lalaki. Mukhang nag-suicide ito dahil sa dugong dumadaloy sa dibdib at sa patalim na hawak niya.. The monster grinned and slowly made its way towards the man. Ramdam ni Snow ang pagliliwanag ng kanyang pendant.

Dito ipinag-utos ni Boswell na isilid ang mga kaluluwang nakolekta niya.

'Pero bakit parang may mali?'

She tried to take control, but the monster was too strong. Nang makalapit na ang halimaw sa mortal, nabigla na lang ito nang maglaho ito sa kanyang harapan. He bursted into flames and disappeared! Snow's insides chruned at the thought. Noon lang nito narinig ang yabag ng mga paa sa kanyang likuran. Mayamaya pa ay napasigaw sa sakit ang halimaw nang tumarak ang isang patalim sa kanyang likuran.

"Not much of a badass now, are you?"

Nang lingunin nito ang nagsalita, halos manlata si Snow nang maaninag sa dilim ang bulto ng apat na lalaki. Lahat ay matatalim ang tingin sa kanya at may hawak na sandata. She can even see Wrath's machine gun in Lust's hand.

'Shit! Please tell me this isn't happening..'

Dahil nakatayo ngayon sa kanyang harapan sina Lust, Envy, Greed at Gluttony. Lumawak ang ngiti ni Lust, "My illusion is just as sexy as I am, isn't it?" At sinimulan na siyang atakihin ng demonyong ito.

---

Cursed by change
Hidden by lies,
Running from the truth.
Beauty now dies.

They don't understand.
They don't really care.
Beauty now burns
Smoke in the air.

---"Burn the Beauty",
Elizabeth McCrorie

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now