30th Chapter of Destiny

412 15 2
                                    

30th Chapter of Destiny

"Anung Adam?!"

"Hahaha! Tawag namin kay Zethe! Sabi mo kasi si ADAM lang sasagutin mo eh! So, pinangalanan na naming Adam si Zethoyy mo! Haha!" Tumatawang sagot ni Jaira habang tumatakbo kami papunta sa block nina Zethe. 

"Hoy! Ayokong pumunta dduuunn!" I retorted as I tried to stop! But wala akong laban sa kanilang dalawa! My gas!

"Gusto naming pumunta ka dun! Majority wins!"

"Magmumukha akong desperada nito eh!"

"Eh siya nga pinagmukha mong tanga eh!"

"Pumayag ka na lang kasi, sis!"

Hindi na lang ako pumalag. Wala naman kasi akong magagawa lalo na't seryoso sila sa ginagawa nila ngayon. Pinagplanuhan pa naman nila 'to.

(Zethe's POV): 

"Huh? Anung--"

"Shhh!" Walang pagdadalawang-isip na pumasok si Ven at Corby. "Di ibig sabihing lalaki ka at lalaki kami ay di na kami nag-aalala sa'yo!" 

"Anung kabaklaan yan, bro?" Sagot ko.

"Hindi kami bading noh! Ikaw kaya! Ba't di ka na pumapasok? Binasted ka ba niya?!" Corby entered the conversation.

"Ewan ko. Sabi daw niya di na niya ako sasagutin kaya sumuko na'ko." 

"Sumuko ka rin??! Antanga mo naman! Ilang beses kang nagpakalalaki dun tapos susuko ka lang??!"

"Ang ingay niyo naman!" Kinamot ko ulo ko. "Eh sa masunurin ako eh. Ayokong inisin siya noh."

"Tsk! Isuot mo nga 'to!" Binigyan ako ni Ven ng T-shirt na white. 

"Anung kalokohan 'to?" Tinitignan ko yung nakasulat sa harap. "EVE'S??" At tinignan ko yung sa likod. "ADAM?? Ano 'to?!" 

"Basta isuot mo na. Now na!" Natawa sina Ven.

"Ayoko nga! Pinagtri-tippan niyo naman ako eh!" Ako na naman nakita nila. Nananahimik na nga ako dito sa bahay.

"Hindi, bro! Basta isuot mo kasi! Pi-picture'an ka namin--"

"Ayoko nga! Naku pabayaan niyo'ko bro! Wala ako sa mood kaya wag muna ngayon." Itinapon ko kay Ven yung T-shirt.

"Sige na, bro! Seryoso, isuot mo na." Utos ni Corby na sumeryoso bigla yung mukha. O_o

"Kayo talaga--"

"Tsaka yung piano oh, hinihintay ka na."

"Huh?" Tinitigan ko yung piano. May piano kami sa bahay, di naman halata. "Tsss--"

"Bro, ilang ulit ka ba pinanganak ni tita, ba't antigas ng ulo mo??? Isuot mo na!" Sigaw ni Ven.

"Ow? Kalma lang. Isusuot na. Kung makautos naman." Sagot ko sabay lakad papuntang CR. Buti na lang at naligo na ako. Hehe... "Kasi naman pumunta pa dito para lang asarin ako." Reklamo ko.

"You'll thank us later!"

"Ulo niyo." 

Nagbihis ako nung T-shirt na binigay nila sa'kin. Saktong-sakto ah? Ano ba gagawin nila kasi, ba't naman nila ako pinagsuot nito? Tsk. Hassle naman eh... Lumabas agad ako.

"Sakto sa'yo ah! Oh Corby ayusin mo buhok niya, heto gel. Gawin mo siyang L." O_O Anung--

"Oh bro, wag kang malisyoso, pasasalamatan mo din kami mamaya." Sabi ni  Corby sabay suklay2 ng buhok ko. Yak! Parang parlorista! PWEEHH! Si Ven naman pinunasan yung piano. Buti na lang at mag-isa lang ako dito ngayon. Kung hindi, pati sina mama madadamay sa mga kalokohan nito! -___-

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon