2nd Chapter of Destiny

434 11 0
                                    

Matagal kaming nagpanggap ni Cendone. Para maayos lang ang lahat... Yun nga lang, parang sineseryoso niya eh. Wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya--bestfriend lang talaga. Takot kasi akong magkagusto sa kanya kasi parang habulin ng babae. Eh ano lang ba naman ako? Hindi naman ako maganda (hindi ako nagagandahan sa sarili ko at ayaw kong idescribe mukha ko sa'yo).

Matapos ang ilang buwang pagpapanggap, I found  myself drawn towards Cendone. Hindi ko alam eh... Para bang nasanay na rin akong nakabuntot siya sa'kin.

"Labs!" Kinalabit ako ni Cendone. Klase namin sa History ngayon. 

"Shhh... May class tayo." 

"Labs! Tingin ka sa'kin."

"Ano ba." Nilingon ko siya. O_o He pouted his lips na para bang nagki-kiss. HAHAHA!

"I love you!" Sabi niya matapos mag 'Kiss Face'. O__O

"Ikaw talaga..." Sinapak ko siya nang mahina. Tsskk... -_- Pinapabilis lang niya tibok ng puso ko eh, nanahimik ako dito eh!

"Walang sagot..? Ansama naman ng girlfriend ko... Di niya ako mahal..." Mahina niyang sabi at padabog na sumandal.

"I love you too LABS!" Pacute kong sabi sa kanya. 

"Hindi, wag na! Napipilitan ka lang eh!" Hindi na naman niya ako nililingon! -_-

"Totoo nga. Mahal din kita. Asus! Wag ka nang magtampo my labs!" Kinindat-kindatan ko pa siya. Ahaha!

"Hasus! Dinadala mo lang ako sa pacute mong yan labs." Bahagya siya umusog papunta sa'kin sabay hawak sa kamay ko.

"Uy anu yan?"

"Holding hands. Di obvious? Tssk." Natawa na lang ako sa pamimilosopo niya. Haha!

Tama. Totoo nga yung sinabi ko. Mahal ko na rin yata 'tong lalaking to. Tuwing ginagawa niya to sa'kin, nababaliw puso ko! Sa lahat ng araw na dumadaan sa buhay ko, kasama ko siya-- Maliban sa Weekend. Syempre may pahinga din, nakakasawa pag nasobrahan eh! Haha. Kapag weekdays, kasama ko siya tuwing araw. Katext at ka-call ko naman tuwing gabi. Ganun kami magmahalan eh. Andami na ngang naiinggit. :D

"Alam mo ikaw, nakakalito ka, labs." Ang jologs ng tawagan namin! Haha.

"Bakit? Masyado kang nalilito sa kagwapuhan ko?" Nakangiti niyang tanong habang kumakain ng halo-halo.

"Wow ha! Hiyang-hiya naman si Coco Martin sa'yo!" Sabay kaming natawa.

"Dapat lang. Tss!" Sumandal siya sa'kin. "I love you, labs." Napatingin ako sa kanya.

"I love you too labs." Hinawi ko buhok niya. "Pwedeng magtanong?"

"Hindi."

"Ah ganun? Aalis na nga lang ako!" Nagkunwari akong tatayo pero agad naman niya akong pinigilan at sumandal ulit siya sa'kin! Haha! Kita mo na!

"Joke! Tampo tampo naman agad si my labs." Natatawa niyang sabi.

"Che! Teka, seryoso nga... Hindi ko maintindihan eh. Nagpapanggap lang tayo diba?" Umayos siya sa pagkakaupo niya at biglang humarap sa'kin with a 'Tama-ba-narinig-ko?' facial expression!

"Seryoso ka?" Biglang-bigla talaga siya na parang kinakabahan na parang litung-lito.

"Ikaw kaya tinatanong ko! Seryoso ka?" Sarcastic kong sagot.

"Oo, seryoso ako." Bumalik naman sa dati yung mukha niya.

"Oh kaya nga sagutin mo tanong ko--"

"Seryoso nga ako!" Inilapit niya yung mukha niya sa'kin. "Seryoso ako sa'yo, labs." 

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon