19th Chapter of Destiny

192 12 0
                                    

19th Chapter of Destiny

"Sabi ko na nga ba eh!" Padabog na ibinaba ni Shaniah yung mga kamay niya sa mesa. "Isipin mo! Chance na sana yun! Ba't ba ganun  naging topic niyo?? Kainis naman eh!"

"Hindi ko rin alam kung ano intensyon ni Zethe at tinanong niya yun sa'kin eh..." Ngumuso ako at sumandal.

"Baka nacurious lang siya! Baka kasi yun yung sinasabi ni Ven kaya gusto niyang itanong sa'yo para malinaw!" Seryosong pahayag nitong kaibigan ko.

"Weh?" Naguguluhan na'ko! -__-

"Baka kasi aamin na sana siya sa'yo kaya niya tinanong yun. Gusto siguro niyang siguraduhin kung totoo bang gusto mo si Ven o hindi para hindi siya mapahiya pag umamin siya!" Sobrang pinag-iisipan talaga niya yung kinuwento ko. *__*

"BAKA, BAKA hindi ba pwedeng ASO naman?" 

"Tsss, mas maganda pag buwaya! Para ipapakain na lang kita! Ano ba yan!" Inis niyang sagot. Natawa na lang ako.

"High blood naman! Nag-iisip lang kasi ako kung ano sasabihin ko sa kanya if ever..."

"Aminin mo na lang kasi kanya. Pinapatagalan mo pa eh."

"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa kanya! Ikaw ha bad influence ka! Ampangit kaya pag babae yung nagconfess! Halerrr!" Kinatok ko ulo niya.

"Che! Kasi eh! Nagpadala sa emosyon at inis eh! Yan tuloy naudlot!"

"Kasalanan ko pa ngayon ha! Salamat ha! Hmp!" I pouted and crossed my arms.

"Kausapin mo na lang siya. Sabihin mo okay ka na."

"Hindi pa ako okay noh--"

"Oh edi maghintay ka na lang ng one million years!" She rolled her eyes. T__T

"Kinakabahan ako eh!" Inalog ko siya.

"Ano tingin mo sa kanya, si Sadako? Hindi ka nun aanuhin! Nukaba, face your fear! Malay mo naghihintay lang din ng signal yun!"

"Eh siya lang din naman hinihintay ko eh."

"Oh edi maghintayan na lang kayo! Hiyang-hiya naman kami sa inyo!" High blood na talaga si Shaniah! @_@

"Calm down okay? Oo na, I will tell him na okay na ako para makapag-usap na ulit kami." Natatawa kong sabi.

"Yun naman pala eh! Pinapahigh blood mo lang ako eh! Tsssk!"

Tumawa na lang ako sa mga reaksyon niya. Super bridge talaga--well, a kind of bridge na nagtutulay through realizations and advices. Kinuha ko phone ko at tinext ko si Raven kung alam niya kung nasan si Zethe. Kakausapin ko na nga ulit yung misteryosong yun para gumaan na loob namin nitong kaibigan ko.

Raven replied: Nasa forum.

Nagpaalam na ako kay Shaniah at tumungo sa forum.

"Zethe, I'm all set. Pwede mo na akong kausapin ulit." Practice.

"Sorry sa reaksiyon ko last time ha? Ayaw ko lang kasi na may maling iniisip yung ibang tao sa'kin." Ano pa ba dapat kong sabihin?

Ah... What if he says na gusto niya ako? Ano isasagot ko??

"Zethe... Sana totoo yang sinasabi mo... Sana hindi ka nagsisinungaling..." I will be very lucky kung aamin nga si Zethe... But still, a part of me tells me na imposible pa rin yun. Hindi pa kailanman nagkagusto si Zethe sa kahit na sino. At malabo namang bigla na lang siyang magkagusto sa'kin, eh ngayon nga lang kami nagkapansinan tapos hindi naman yung pansinan na normal. Hindi naman kasi kami close. Hindi ko siya inaapproach, di rin niya ako inaapproach. Kapag magkasama kami kapag nagyaya si Raven, tinititigan ko siya at sinusulyap-sulyapan pero kahit kailan hindi ko na talaga ulit siya nahuling nakatingin din sa'kin. If he's not facing the opposite direction of where I am, he's facing another direction--na malapit sa'kin pero tagos pa rin. Hindi pa rin AKO yung tinititigan niya. Haaay. Kaya nga... Siguro sa loob-loob ko lang, malabo talagang magustuhan ako nun. Wala naman akong special features. I'm just an ordinary girl. =(

"Zethe... Gusto kita... Sobra... But I'm so discouraged. Takot ako kasi alam kong di mo 'ko gusto..." \

*Stop*

Nakita ko na siya. Kasama niya si Ven. Nakatalikod sila sa'kin. Huminga ako nang malalim. I will just listen to whatever he's gonna say... Ang mahalaga, marinig ko ang gusto niyang sabihin at makausap niya ako nang maayos...

*Step*

"Pssst!" Sutsut ko sa kanya. Hindi niya narinig. Nag-uusap sila ni Ven.

*Step*

*Step*

Malapit na malapit na ako sa kanila pero mukhang seryoso pinag-uusapan nila kaya hindi nila ako napansin.

"Sige na, Zethe! Laro lang naman eh!" Inalug-alog ni Ven si Zethe.

"Ano ka ba, bro. Ayoko nga." Sagot ni Zethe. Magpupustaan ba sila sa Dota? O basketball? Manonood akoo! Cheer ako kay Zethe ♥ :D

"Sige na bro! Bakla ka ba??"

"Syempre hindi." Walang emosyong sagot ni Zethe. Nakatayo pa rin ako dito sa likod nila.

"Oh edi ligawan mo si Eve! Kapag kumagat yun sa'yo, talo ako. Pag hindi, ako liligaw dun." Tinaas-taas pa ni Ven yung kilay niya habang nakangiti. 

Napahinto yung isip ko pati mundo ko. Tama ba narinig ko??? Gusto ni Ven na ligawan ako ni Zethe to see if kakagat ako or not??! What the effin hell?! Ano akala nila sa'kin?! Laruan?! 

So, ganito pala plano nila?! Ganun pala tingin nila sa'kin?!

"SH*T KAYO. Pareho kayo!!"  Napakasakit na ng tingin ko sa kanilang dalawa! Wag lang silang magkakamaling lumingon dito kung ayaw nilang matunaw sa init ng mga titig ko!

Sobrang hinihingal ako... Pinipigilan ko lang talaga sarili ko ditooo!!!!!! Ang sakit... Ang sakit2 naman nun! Laruan na lang ba talaga tingin nila sa'kin?!

"Ven naman eh... Ayoko nga..." Mahinang sabi ni Zethe tsaka siya yumuko.

"P*t*ng in* mo Zethe! Babait-baitan ka pa eh pareho lang naman kayong mag-isip niyang bespren mo! Magsama kayo!!!" 

My tears finally fell... Ganito pala kasakit 'to...

Mali eh! Sobrang mali talaga... Mas okay pang narinig ko na lang na hindi niya ako gusto... Na hindi siya magkakagusto sa'kin... Kesa naman sa magplano silang paglaruan ako! What an INSULT! Pero hindi siya pumayag--but he will, anyway! Papayag din yun! Hindi daw kasi mahirap kausap yun diba?! I knew he will never like me. But I never thought this would happen.

Pinunasan ko luha ko bago ako tumalikod at tumakbo papalayo sa kanila. Hindi na talaga siguro nila ako napansin dahil sa sarap ng pinag-uusapan nila! Hindi ko 'to ipapaalam kahit kanino--kahit kay Shaniah o Raven. I will keep it as a secret pero sisiguraduhin kong pagsisisihan nila 'to!!

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon