4th Chapter of Destiny

312 12 0
                                    

4th Chapter of Destiny

Time Skipper.

Summer na ngayon at graduate na ako ng highschool. Oh gulat ka? Bilis diba? Wala naman kasing mahalagang nangyari nung fourth year na ako. Syempre medyo affected pa rin ako kay Cendone. Buti na nga lang at kaklase ko na ulit si Layne Perez-- boy bestfriend ko. Actually, marami akong bestfriends na lalaki namely Josh Jabel, Oliver Tensen, Rometicon Jaz Cordillera (parang anak-anakan ko), Lerofrost Gremada (ex-CRUSH ko noon, naging bestfriend na ngayon), Raven Torre (parang pinsan ko na rin kung ituring), at Reylan Porsuelo (bossing2 namin). Marami noh? Pero Layne is my best boy friend of all my best boy friends. As in lagi talaga niya akong sinasalo sa lahat ng kamalasan, kahihiyan at kalungkutan ko. Parang yung sitwasyon rin namin ni Cendone noon. Kaso nga lang, parang kuya ko na talaga itong si Layne.

X X X X X FLASHBACK X X X X X

"Hoy gwapo anung ginagawa mo?" Kinalabit ko ulo niya habang nakaharap siya sa computer.

"Aray! Ikaw talaga ganda makulit ka!" Sabi ni Layne. :D

"Mas makulit ka." Natatawa kong sagot.

"Inaaway mo'ko ganda ha!" He pinched my hand! Hahaha!

"Hindi kaya! Mahal kaya kita!" Tumawa na talaga ako! Haha! Ganyan lang talaga kaming mag-usap.

"Mahal din kita! Sagutin mo na kasi ako!" Sigaw niya. Napatitig mga kaklase namin. HAHA! Yung titig na GULAT!

"Oo na nga diba? Oo na!" Hahahaha!

"Tayo na pala!"

"Oo nga eh! KULIT!" 

Natawa kaming dalawa! Hahaha! Mga loko lang! Sanay na ako sa ganyan naming pakikipag-usap. :D Yung mga kaklase namin akala talaga nila KAMI na. Niyayakap din kasi ako lagi ni Layne... Tsaka lagi siyang humihiga sa balikat ko, he's always holding my hands rin. PDA nga daw? Haha. Hindi naman! Natural sa magBESTFRIENDS yun. I've learnt my lessons... Pag Bestfriends, hanggang dun na lang yun. No more, no less.

~~~

"Ano?! Break na kayo ni Gino Crater???!" Gulat at sabay na tanong nina Aisis at Jaira (bestfriends ko na girl).

"Yes. Bakit? Oww? Nagtataka pa ba kayo? Alam niyo namang sinagot ko lang yun para may partner ako sa sayaw natin diba? Tsss! Hinding-hindi ako magkakagusto sa mukhang puwet na yun noh!" Natatawa kong sabi.

"Hindi naman pangit si Gino ah?" Sabi ni Layne sabay upo. Nakisali na siya sa usapan. Haha.

"Edi iboypren mo!" Binelatan ko siya.

"Yoko nga! TAYO na nga diba? Pinamimigay mo ba ako?????" Itinaas niya yung isa niyang kilay. Wow! TARAY! 

"Ahem! Aheemmm! Andaming langgam!" Kinamut-kamot pa ni Jaira yung mga braso niya.

"Oo nga eh! Tsskk! Pulang langgam! Aray oh, nangangagat pa!--" Sinapak ko si Aisis! 

"Saan ka nakakita ng pulang langgam na hindi nangangagat aber??" 

Tumawa kaming apat. Nyaaaa :D

"Teka nga, diba may isa ka pang boyfriend?" Tanong ni Layne. "Ikaw na babae ka, you three-timed me!"

"Waaah? Ikaw lang naman mahal ko baby gwapo eh! XD"

"Wait! Seryoso, yung isang DIMAKILALANG bf mo, kayo pa ba?" Tanong ni Aisis.

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon