3rd Chapter of Destiny

327 11 0
                                    

3rd Chapter of Destiny

One year and 8 months na kami ngayon ni Cendone. Kung inaakala mong masayang-masaya kami sa relasyon namin, puwes nagkakamali ka. Lagi na kaming nag-aaway... DOTA na lang kasi siya ng DOTA. Ang tagal nang magrepy tsaka hindi na  siya sweet. Nagbago siya bigla na parang hindi na siya yung Cendone na boyfriend ko.

"Cendone! Ikaw nakakainis ka na! Ano ba problema mo? Bakit nagkakaganyan ka na?!" Sigaw ko sa kanya habang nasa classroom kami.

"Tumigil ka nga, labs--"

"Anung labs? Labs mo mukha mo! Sumusobra ka na eh! Di na talaga kita magets!" Galit na galit na talaga ako! 

"Ano ba! Ikaw rin eh! Hindi mo ba maintindihan? Alangan namang lahat ng oras ko sayo ko ibibigay! Syempre kelangan ko ring aliwin sarili ko!"

Natahimik ako sa sinabi niya. ALIW? Bakit? Hindi na ba siya masaya sa'kin?

"Mahal naman kita eh, ano pa ba gusto mo!" Dagdag niya.

"Ang gusto ko, PATUNAYAN mo!"

"Hindi ko pa ba napatunayan yun sa'yo?"

"Magkakaganito ba ako kung OO?!" I walked out (padabog). FYI, kaming dalawa lang yung nasa room kanina kaya hindi eskandalo yun.

Guess what? Matapos ang usapan naming yun, hindi na siya nagparamdam ulit sa'kin. Biglaan nga lang. Kahit magkaseatmates kami (third year highschool na kami ngayon), hindi na niya ako pinapansin. Hindi na niya ako tinetext o kinakausap. Yun bang parang hindi lang kami magkakilala... Syempre ako, natauhan na ako. Mali yung nasabi ko sa kanya kahit alam kong may kasalanan siya. Matagal na niyang napatunayang mahal na mahal niya ako. Nandyan siya lagi eh. Masaya, Malungkot, May problema, Nasasaktan, o Galit man ako, di niya ako iniwan. Siguro masyado niya akong sinanay sa mga mabubuting ways niya noon kaya ako nanibago nang sobra nung bigla siyang nagbago these past months.

MAHAL KO SIYA. Syempre naman. Kahit ganun yung tampo at inis ko sa kanya, mahal na mahal ko pa rin siya. Kaya nga sinubukan ko talagang makipag-ayos at makipag-usap sa kanya eh... Kaso siya mismo yung nagre-reject sa'kin. Ayaw talaga niya. Kahit mga classmates na namin yung nag-eeffort para magkabati kami, no effect pa rin. Tinatakasan niya ako! Sh3t nakakatapak na siya ng ego! -_____-

Umaga na. Papunta na akong school. Nakasakay ako ngayon sa kotse namin at nagda-drive yung papa ko.

"Hay naku Eve... Ikaw nahahalata na kita. Hindi pa rin ba kayo bati?" Yes. Alam na ni papa yung tungkol sa'min ni Cendone. In fact, vote pa nga sila eh kasi gwapo daw tsaka mabait. Lagi din kasi akong dinadalaw ni Cendone sa bahay noon.

"Pa..." I sighed. Sign na yun. Kinamot na lang niya ulo niya.

Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse... Ang sakit naman ng puso ko... Parang dinurog na sinuntok na chinop-chop. Tsk. Napadaan kami sa City Hall at may nakita akong lalaking nakatayo sa kanto. Nilingon ko siya (hindi niya ako nakikita) at tinitigang mabuti.

"Pa slow down..." Hinawakan ko si papa.

"Bakit?" He slowed down the car...

I took the time na titigan yung lalaki. Maputi, matangkad, hindi macho pero nakakaintriga. Bakit? Eh kasi lagi ko siyang nakikita dito every morning lalo na kapag weekdays. Nagbabantay ng jeep.

"Tsk." Umismid ako tsaka humarap na sa daan.

"Problema mo? Kilala mo ba yun? Classmate mo? Pasabayin mo na dito." 

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon