17th Chapter of Destiny

229 10 0
                                    

17th Chapter of Destiny

"Girl, naninibago ako sa'yo nang bongga! Ang tahimik mo!" Reklamo ni Shaniah. Nasa labas kami ng Coliseum.

"Tahimik naman talaga ako..." Mahina kong sabi.

"Not with me..." She sighed.

Hindi ko pa nasabi sa kanya yung problema ko... Kaninang umaga, kinausap na nina papa yung boss niya tungkol sa nangyari sa kapatid ko. Payag ang boss na si Rexodus na ang papalit sa posisyon ni Roises bilang fiancee nung anak niya. Kapalit nun, susuportahan niya ang hospital bills ni Roises. Hindi kasi namin kayang bayaran yung bills kasi masyadong malala yung sitwasyon kaya malaki rin ang gastos... Nagdeal na sila kanina. Ngayon, kinakausap na yata ni papa si Rexodus. And I know he's gonna have a very hard time.

"Anung oras na?" Matamlay kong tanong kay Shaniah.

"3:18 pm. Bakit?"

"Ano?! OMG aalis muna ako! Diyan ka lang ha, babalik ako!" Dali-dali akong naglakad.

"Wait--saan--Hays!" 

I'm half-running na papunta sa School Garden. Dala-dala ko ngayon ang paperbag na nilagyan ko ng cape. Yung taong nagtext sa'kin, kanina pa yata yun naghihintay. I opened my phone.

Waaahh???! 23 messages?! Galing lahat sa kanya! -___- 

I replied fastly: "Coming. Sorry." 

Ako pa talaga nagsorry? Eh ako na nga 'tong hiniraman at inistorbo! T^T

Dumating na ako sa garden at umupo agad ako sa isang bench. Walang tao ah? Kinakabahan ako.

*Sigh*

Problematiko ako ngayon, sobra... Haaay. Sa dinami-dami naman ng tatamaan ng sakit, si Roises pa! Eh yung si Rexodus nga na ubod ng feeling at pasaway, hindi nagkasakit eh--oops sorry! I'm not saying I want him to get sick, okay? Just wondering.

Yumuko ako. Pati ako sobrang apektado eh... Close pa naman kami ni Roises... Ang bigat-bigat sa pakiramdam na alam kong brain dead na siya... ='( Naluluha na naman ako... Tsk... 

*Sigh* ulit.

Nagmadali akong pumunta dito tapos wala pa naman pala yung kurimaw na hihiram nito??! Peste naman eh! -_-

Lumingon-lingon ako. Sana makita ko si Zethe today--O__O I forgot... I gave up on him na pala. Si Krestan na lang kaya i-crush ko? Baka may chance pa'ko dun. At least yun, pinapansin at kinakausap ako... Haaayy. I crossed my arms at lumingon ulit sa kabilang direksyon. Ang tahimik naman dito. Naririnig ko pa yung kaluskos ng dahon. Huni ng mga ibon. Malayo sa dilim ng kahapon. HAHAHA! Tae. -___- Boring. Mas nalulungkot lang ako dito--Huh?

OMG! OMG! Totoo ba 'to??? 

Nakita ko sya! Dumadaan din pala siya dito???! O__O

"Zethe..." Sabi ko sa sarili ko... "Bilisan mong dumaan ha. I don't want to see you..." Lying to myself.

Mabagal at mag-isa siyang naglalakad habang bahagyang nakayuko. Medyo natatakpan ng buhok niya yung mukha niya kaya hindi ko makita kung saan siya nakatingin... Sumusulyap-sulyap lang ako sa kanya. Bakit ang bagal niyang maglakad? NakaSlow motion yata to eh!

Teka nga! Nasan na ba yung hayop na hihiram sa'kin ng kapang to?! Nakakabwisit na siya ha! Parang pinagtrippan lang niya ako eh! Tsk! Lumingon ako sa kabilang direksyon para hindi ko na masulyapan si Zethe. Bagut na bagot na ako at ang baliw kong puso anlakas na naman ng tibok!

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon