Chapter Break (Another POV)

323 12 0
                                    

Chapter Break (Another POV)

(Zethe's POV):

Ahh... Hi po. I'm Zethe...Arstain.

*Sigh*

Sorry. Hindi kasi ako palakuwento. Ayaw ko ring mag-share masyado about sa background ko. Mamaya malaman mo na lahat eh. Wala nang suspense.

A little information: May mama ako. May papa din ako. I have one sibling, a sister, at Aratha Ylla pangalan niya. I'm 17 years old na ngayon. Marunong akong mag-gitara, piano, violin, drums, saxo. Oh ayan na. Yan na yan.

Yung dahilan lang naman kaya ako binigyan ng POV ni Miss Author is to share kung ano yung side ko sa lahat ng pangyayari. (Kaya nga POV diba? Antalino mo talaga, Zethe.). Haaay.

X X X X X BEGINNING X X X X X

Nakatayo ako ngayon sa kanto ng City Hall sa Paranaque. Ang aga-aga pa, ang init-init na. Bakit pa kaya nauso yang Global Warming na yan? Hassle. 

*Wave Wave* (Pumapara po ako ng jeep, hindi sumasayaw) 

Sa wakas may jeep na rin. Isang dekada pa akong naghintay bago 'to dumating. -_-

Dahan-dahan akong naglakad habang dahan-dahan ding huminto yung jeep. Napatingin ako sa puting kotseng dumaan. Napahinto ako at napatingin sa bintana ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit.

"Ano ba? Sasakay ka ba o hindi??" Inis na tanong ng driver. Di ko siya pinansin. 

Nakatitig pa rin ako sa bintana ng kotse. Huminto kasi ito dahil sa traffic. Tinted yung glass... Pero naaaninag ko yung nasa loob.

Babae..? Oo. Nakalugay buhok niya. Tinitigan ko siya nang mabuti--

*Iwas tingin!*

Ulol! Nakatingin siya sa'kin! -__- Huli!! Tsk!

"Huuyy! Sasakay ka ba?!" Inis na inis na talaga si manong driver oh!

"O-Opo." Dali-dali akong sumakay. Tsk. Anung nangyari sa'kin? 

_________

"Hoyy!" Istorbo ni Ven sa'kin.

"Ano?" Malimit kong sagot.

"Loko ka. Kanina ka pa tulala diyan. Anyare bro?" Hindi kami close nito pero nagkakausapan rin naman kami.

"Wala." 

"Sabagay. Ganyan ka naman talaga." Umupo siya sa harap ko. "Dota tayo mamaya!"

"Ayoko."

"Bakla ka ba!!"

"Gagu. Baka ikaw."

"Alam mo bro, la kang kwentang kausap!" Natatawa niyang sabi. -_- Eh ba't mo pa ako kinakausap? Ulol ka rin eh.

"Tinatamad ako eh." Tsaka may iniisip ako.

"Sige na nga lang!" Tumayo siya at umalis. Sa wakas, sumuko din! Akala siguro niya maiimpluwensyahan niya ako ha. 

Tsk. Ewan ko ba! Mula nung makita ko yung babaeng yun, napapatingin na ako araw-araw sa daan kapag nagbabantay ako ng jeep. Ginayuma siguro ako nun! Parang tanga lang akong palihim na tumitingin. Alam mo kung ano yung matindi??

Halos araw-araw ko na siyang nakikita! 

Hindi ko alam kung sinasadya ba niya to, o kung coincidence lang ba, o araw-araw naman talaga siyang dumadaan dito mula pa nung una kaso ngayon ko lang nakikita kasi ngayon ko lang siya binabantayan. Malayo pa lang yung sasakyan tinititigan ko na siya para kapag dumaan na siya sa harap ko, hindi na ako titingin sa kanya. Nahuli na kasi niya ako nung una eh! Tsk. 

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon