8th Chapter of Destiny

257 12 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Papunta ako sa cafeteria. Wala pa si Shaniah kaya dun muna ako tatambay. Tahimik lang ako. Pag nandyan na si Shaniah tsaka na ako mag-iingay. Umupo ako sa isang table at humarap sa hallway. Biglang may dumaan... Kilala ko yung buhok na yun ah! I stretched my neck para makita yung mukha ng lalaki.

"Krestan...?" Mahina kong bulong sa sarili ko. Dito rin pala nag-aaral yung taong yun?? Dumaan siya sa harap ko kasama yung tropa niya. Nakatingin ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin! Wow ha! I know kilala niya ako! Snobbish effect naman yung asungot na yun! Bahala na nga siya!

I sighed at sumandal na ulit sa upuan. Tae.

"Psssst wuyy! Di maipinta mukha mo ah?" Si Shaniah. Ang aga niya ah? 

"May nakita akong lalaki."

"Sino?? Si Mr. Traumatizing?? Wow naman! Sya ulit???" Natatawa niyang sabi sabay upo sa harap ko.

"Hindi! Hindi yung hayop na yun! Si Krestan..." Mahina kong sabi.

"And who is that Krestan guy?"

"Kasama ko sa workshop. Tae siya. Dinaanan lang ako, di ako pinansin!" Naiinis kong sabi.

"What?! Ansama! Teka, crush mo?" Naka-smirk niyang tanong. 

"NO! Definitely not! I'm just pissed na parang hindi niya ako kilala kung makadaan siya. Sarap sapakin."

"Oh edi sana sinapak mo. Hasus kaw talaga!" 

"Kung hindi lang ako nahihiya eh. Tssss." Tumayo ako at hinila ko na siya.

Punta na lang tayo sa classroom! Hehehe

____________

"So, this is how you do it. You just have to list all the elements that is included in the set. Remember that yo should not repeat any element. An element should only be written once. That is Roster Method." Nagsulat ng example si Mr. JM Santoral (Math Professor namin) sa white board. 

"Ang galing magturo ni Prof JM noh?" Bulong ko kay Shaniah. Oo, magaling talaga itong professor namin sa Math ngayon. Nage-gets ko talaga yung dini-discuss niya. =)

"Wapak!" Sagot ni Shaniah. Luka-loka talaga to! Haha :D

~~~~~~

Naglalakad kami ni Shaniah mula sa school papuntang Mcdo. Lunch na eh. We're so gutom na and we're in a hurry! Tsk. Ang babagal naman ng dalawang 'to kung maglakad! May sinusundan kaming dalawang guy--

Oh no! Sh*t! 

SH*T!!

"Mmm!" Hinampas ko si Shaniah sabay hikbi! Gets na niya kaya agad niya itong tinitigan!

"Nakatalikod, girl! Tsk!" Bulong niya sa'kin. Natawa na lang ako!

Buwiset na yun, nagpakita pa talaga siya ha! Humanda siya! Hindi na sila namin binigyan ng atensiyon nang makapasok na kami sa Mcdo. Ewan ko na lang kung saan papunta yung dalawang yun.

"Ryen!" May tumawag sa'kin. Lumingun-lingon ako. "Here! Dito na kayo umupo."

"Uyyy! Raven!" Agad akong umupo sa harap ni Raven. Umupo rin si Shaniah.

Si Raven Torre, close friend ko 'to. Mabait naman siya kaso nagbago siya ngayon eh. Parang nagrebelde yata pero may sense pa rin naman siyang kausap. Hanep din magpatawa 'to! :D

"Kamusta? Si Shaniah pala, friend ko! Shaniah, this is Raven." Nagshake hands sila. Chaar! Walang malisya! Haha.

"Ako na lang oorder, Eve. I'll be right back." Tumayo si Shaniah at umalis.

"Thanks Shanz!" Sabi ko kay Shaniah tsaka ako humarap ulit kay Raven. "Wuy, hanap mo'ko ng boypren."

"Anung boypren? Sino? Bakit?" Wow, TV Patrol? 

"Kahit sino. Basta yung kilala mo na tsaka yung gwapo't mabait. Yung maganda yung ilong ha!" Sagot ko. Trip ko lang. Di naman ako seryoso dito.

"Awww. Sige ihahanap kita! Kaso yung mga friends ko may mga syota na rin eh. Pero wag kang mag-alala, ihahanap kita." He winked at me. Seryoso pala siya? Haha! Well, I guess there's no harm. Hindi ko naman sasagutin yun. :D

"Sige. Humanda ka sa'kin pag di mo ginawa yun--"

"Uyy Ven! Ano ginagawa niyo dito?" May kinausap si Raven mula sa likuran ko. Napahinto ako at slight na nanlaki mga mata ko... Nakaramdam ako ng takot... VEN...?

"Bibili lang kami ng sundae, bro. Naglilihi kami nitong kasama ko eh!" Natatawang sagot ni Ven.

"Awsss, sige! Bili na kayo!"

"Sige sige. Aalis na rin kami agad." Tinapik ni Ven si Raven sa balikat tsaka ito umalis... Kasama niya ang isa pang hindi ko kilalang lalaki at si... NERD? Hindi pa talaga sila kuntento sa isang beses na pagpapakita sa'kin ha! =/

"Sino yun?" Tanong ko kay Raven.

"Hindi mo kilala yun? Si Elvirro Ven." Nagtataka niyang sagot.

"Kilala ko yun. Yung kasama niya lang yung hindi." Kunwari parang tipikal lang akong nagtatanong.

"Ah, si Corby yung pinakapandak at si Zethe yung pinakamaputi. Bakit?" (ZETHE pronounced as 'Zeth' silent E).

"Wala. Familiar kasi mukha nung isa sa'kin."

"Sino? Si Corby?"

"No. Si Zethe. Nakita ko na siya sa Paranaque. Ang ganda naman ng name niya. Di bagay sa kanya. Haha!"

"Bakit naman?" Natatawang tanong ni Raven.

"He's nerdy kasi sa paningin ko."

"Matalino naman kasi talaga yun. Tsaka mabait. Galit sa gulo yun." Nakangiti niyang sinubo yung fries niya.

"Matagal na ba kayong magkakilala?"

"Oo naman. Mula nung maliliit pa kami. May sariling mundo nga lang yun. Haha! Hindi pa nga yun nagkagirlfriend eh! Masyadong inosente sa lahat ng bagay. Anhirap impluwensyahan!" Natatawa niyang sabi.

"Ah. Okay. Bahala siya. Basta ihanap mo'ko ng boypren!" Pangungulit ko sa kanya.

Inilapag na ni Shaniah yung pagkain sa mesa at agad naman siyang umupo tsaka kami kumain.

"Gusto mo si Zethe na lang?" Sabi ni Raven. Nabilaukan naman agad ako!

*Cough Cough Cough*

"Ano???!" Natawa na lang si Shaniah sa reaksyon ko! -___- "Pano yun magkakagusto sa'kin, eh hindi pa nga yun nagkagirlfriend! Tsaka diba sabi mo mahirap impluwensyahan yun?"

"Ang tanong ko nga, OKAY BA SA'YONG 'SIYA'?" Seryoso siya habang sumisipsip ng coke float.

Napatingin ako kay Shaniah. She is looking at me din pala. NagNOD siya as a sign na sang-ayon sya. Napaisip ako... Diba nga gusto kong guluhin yung lalaking yun?

"Sige. GAME." I smiled at Raven. Nag-smile na rin siya.

"Ako bahala, Eve."

Sige, Raven. Sana magtagumpay ka sa misyon mong gawin ang lahat para magkagusto sa'kin si ZETHE na yan. Para naman maramdaman niya kung gaano kasakit mabasted. >:-)

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon