14th Chapter of Destiny

203 10 0
                                    

14th Chapter of Destiny

Ang ganda ng sumunod na mga nangyari after kong nakuha yung mga sagot ng close friends ko. Guess what?

Hindi ko na ulit nakita yung loko kong crush sa school. Kahit saan ako magpunta, palingun-lingon ako na parang presong nakatakas sa kulungan. -_- Lagi ko na talagang hinahanap presence ng weirdong yun. =/ Kung noon, inis na inis ako kapag nakikita siya, ngayon naman, inis na inis ako dahil hindi ko siya makita! :-3 Sabihin mo nga sa'kin, anung bang problema ko?? Haaays. 

"Makikita mo rin yan, Eve!" Ginulo na naman ako ni Shaniah. Kami lang talaga yung close dito.

"Tsk. Kung kelan ko naman siya binabantayan, ngayon pa siya Missing In Action!" Padabog akong umub-ob sa mesa. Shaniah chuckled. "Tawa ka pa Shanz ha. Nababagot na'ko." I pouted. 

"Kasi naman diba? Pag di niyo araw na magkita today, hindi talaga yan." 

"Whatever Shaniah Ramirez!" Tumayo ako nang padabog. "Tara na alis na tayo. Punta tayo kahit saan. Aliwin mo na lang ako." Binitbit ko bag ko at padabog na umalis.

"Whaaat? Saan tayo gogoraa?? Wait for me!" Iniwan ko na talaga siya sa sobrang disappointment ko! Haha... Kawawang Shaniah!

~~~~~

"Oh ano? Masaya ka na??" Sarcastic na tanong ni Shaniah habang kumakain kami ng ice cream sa Seven Eleven.

"Medyo. Macharap eh." Sarcastic ko ring sagot habang dumidila sa ice cream.

"Pero tama ka girl ha, hindi na talaga natin siya nakita. Last time almost two weeks lang siya missing in action. Ngayon lampas na sa two weeks! Baka lumipat na yun ng school--"

*Tookkk*

Oh ayan hinampas ko sa mukha niya yung tinidor na ginamit ko kanina para kainin yung cup noodles!

"Ouuucchh! Ansama mo talagaaaa!" Maarte na naman niyang sabi habang hawak-hawak niya yung pisngi niya.

"Eh kung inaayos mo sana yang pagsasalita mo edi sana di kita nahampas! Ano ba! Ikaw 'tong nag advice2x sa'kin na i-crush siya tapos sasabihin mong nagtransfer siya?? Ansama mooo!" Ngumuso ako nang napakahaba tsaka ako bumalin ng tingin sa daan.

"Baka nga lang eh! Ikaw naman sobrang nagpa-panic agad!" Hinampas niya ako nang mahina braso. "Hindi pa pwedeng mawala sa buhay mo yun. Destiny is--"

"Shut up, Shaniah. Such thing never existed, exists, and it never will." Cold answer from me.

"If you let it exist, Ryen Eve, then it will." Nakangiti niyang sabi. "Kaya ka siguro minamalas. Nagtatampo si Destiny sa'yo kasi di ka naniniwala sa kanya." 

"Durian ka ba?? Tsk!" I crossed my arms. "Una, si kupido! Ngayon naman si Destiny! Eh kung pagdikitin ko kaya 'yang dalawang yan, itali ko sila at itapon sa karagatan para matigil na yung kakailusyon ng mga taong kagaya mo mag-isip!" 

"Weh? Hindi mo mahuhuli yun. Kaya nga hindi sila nagpapakita eh! Hala ka! Baka naririnig ka nila, hindi na kayo magkakatuluyan ni Zethe niyan." Binelatan niya ako! T^T 

"Edi wag! Kung sino yung dapat para sa'kin, edi yun! Hindi ko pipilitin."

"Oh? Naniniwala ka pala kay Destiny eh! Yeee!" Siniko niya ako. I just sighed.

Siguro nga. Naniniwala naman talaga ako eh. I just don't want to rely on Destiny. Baka masyado akong mag-ilusyon at umasa hanggang sa masaktan na naman ako gaya ng dati. Haaayy.

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon