10th Chapter of Destiny

237 12 0
                                    

Kasama ko si Shaniah na naglunch sa isang restaurant malapit sa University. Duh, hindi ako rich kid noh! Nilibre lang kami ni Layne... Nakipagkita kasi siya sa'kin. Miss na daw niya ako. Niyakap nga niya ako pagdating ko. ^_^

"Hi Shaniah!" Nakangiting bati ni Layne kay Shaniah after I introduced them to one another.

"Hi Layne!" Ngumiti rin si Shaniah.

"Kamusta ka na, ganda? Matagal na tayong hindi nagkaramdaman." Sabi niya sa'kin.

"Oo nga eh... Masyadong busy noh? Natapos na yung prelim bago pa tayo nagkita ulit." Malungkot kong sabi.

"Wag ka nang malungkot. Nandito na ako oh!" He tapped my head. I smiled.

"Yeah... Miss ko na talaga kayo eh... Sana iisang school na lang tayo..." Nag sad face na naman ako.

"Mas mabuti na yan... Para matuto kang tumayo mag-isa." Kinindatan niya ako. "So, kamusta lovelife natin diyan? Baka tinu-two time mo na naman ako?" Natatawa niyang sabi. Si Shaniah naman biglang nalito. Haha! Sabi ko na nga ba.

"Wala nga eh. Boring."

"Bored ka na sa relasyon natin, ganda?" Kunwari malungkot yung pagkakasabi niya. Loko talaga to!

"No. Bored ako sa school. Wala ka kasi." Ngumiti ako at hinampas ko siya. "Hindi ka talaga nagbabago, gwapo!" Natawa na lang ako.

"Ikaw rin ganda... Ay, oo nga pala... Ako yata nagtwo time sa'yo..."

"Bakit?" Hayaan niyo na muna si Shaniah dito sa tabi ko, okay? Kumakain siya. Haha.

"Nagkabalikan na kami ng ex ko." He smiled.

"Tsk! Sabi ko na nga ba hindi ka talaga kuntento sa'kin eh!" Anlaki ng sinubo ko!

"Ayy??! Ikaw-- tsk! Ayyyys!" Whahaha! Ayan tuloy highblood na siya! Ganyan talaga siya pag nagtatampo ako. :D

"Hinde! Biro lang! Ikaw talaga gwapo. Syempre masaya ako para sa inyo. Meant to be yata talaga kayo."

"Meant to be? Kala ko ba di ka naniniwala dyan?" Nagtataka pero natatawa niyang tanong.

"Hindi ako naniniwa sa mga ganyan when it comes to ME. Pero sa iba, may ganyan. Sa'kin lang wala. Ako lang walang Destiny. Kaya nga I'm forever doomed to never having Mr. Right." I sighed at uminom ng juice.

"Nye. Andito naman si Mr. Left. Haha!"

"Kaya nga. Si Mr. Right dapat."

"So? Pano yan? Ako lang yata laging present eh."

"Parating pa lang Mr. Right niyan." Nabigla naman ako nang biglang nagsalita si Shaniah.

"Oh? Talaga? Sino naman yun?" -Layne.

"Si Zethe." Sagot ni Shaniah and she grinned. Waaahh! Anung ZETHE? Mukha nun!!

"Sino yun? Saang planeta galing yung baklang yun?" Medyo inis na sabi ni Layne. Hala ka, nagseselos! Haha!

"Sa PUSO ko, gwapo!" Iinisin ko nga tong bestfriend ko. :D

"Talaga? PUSO agad?" Dismaya niyang reaksyon. :D

"Oo naman. Sasagutin ko na rin naman yun soon." I winked at him. Si Shaniah naman napa O__O na lang. -___- Baliw! Syempre JOKE lang yun!

"Yan pala yung WALANG LOVELIFE ha??" Ngumiwi si Layne at sumubo ng kanin. :P

"Kaya nga. WALA pa. Soon, MERON na. Nukaba!" Tinapik ko siya sa braso.

"Nye nye nye." Umismid na lang siya sa'kin. Ahahaha! Bahala ka Layne! Ang cute mo magselos.

PS: SELOS PANGBESTFRIEND lang yan. Walang MALISYA.

Since two hours lang vacant namin ni Shaniah, hindi na kami nagtagal masyado sa restaurant. Nagpaalam na rin naman si Layne sa'min. He kissed me sa ulo bago siya umalis. Ganun lang talaga kami. Masyadong close eh...

"Haaaay..." I sighed habang papasok sa Main Gate.

"Why? Anung problema? Di ka ba masayang nagkita ulit kayo?" Nagtatakang tanong ni Shanz.

"Masaya. Kaso hindi ko na mararamdaman yun kasi patungo na naman sa direksyon natin yung Zethe na tinutukoy mo kanina." I crossed my arms at umismid. Tae talaga 'tong lalaking 'to. Nakakainis mukha niya. Tsss. 

"Affected ka? Haha"

"No." Matabang kong sagot. "I feel nothing at all." Diretso lang akong naglakad at walang emosyon yung mukha ko.

"Hindi ka naiinis? O natro-trauma?" Parang ayaw niyang maniwala. -_-

"Hindi." Malamig kong sagot.

Malapit na sina Zethe at Ven sa'min. Tatangkad ng mga hinayupak! T^T Wala akong reaksyon kahit na magkaharap na kaming lahat. Hindi ako tumingin, hindi ako sumulyap, hindi ako kinabahan. WALA na. Wala na akong pakialam. 

"Wuy! Ryen!"

O_____O

Sino yun?! Sino tumawag sa'kin?!

Ano ba yan! Bigla na naman akong nataranta! Napalingun-lingon ako na parang TAKOT na TAKOT. 

"R-R-Raven!" Si Raven pala! Kasama siya nina Zethe! Wow, hindi ko siya nakita kasi ang pandak niya. -___-

Kumaway lang siya sa'kin at kumaway na lang din ako sa kanya. Napangiti pa niya ako nang malaki ah! Si Ven sobrang nakatitig na naman sa'kin! I snobbed him. Feeler naman niyang manitig! Buti pa si Zethe, pasulyap-sulyap lang. Esss. JOKE! Nakayuko lang si Zethe. Pusong-bato yun eh.

Lumampas na sila sa'min. Umayos na rin ako sa pagkakalakad ko.

"Yeeeee!" Siniko ako ni Shaniah. Hinampas ko naman siya! "Araaayy! Ansama mooo!" Hinawakan niya ulo niya. Malakas hampas ko sa kanya eh! Hahaha!

"Wag kang gumanyan-ganyan sa'kin lalo na't kakatapos ko lang mataranta ha! Kung ayaw mong ikaw yung makaramdam ng lahat ng iniimagine kong gawin dun sa dalawang yun!"

"Okay po, okay po! Ang BRUTAL mo talagaaa! Ouch, so painful." Maarte niyang sabi.

"Ang aaarttee! Tsk! NakakabwiZETHE!!!!" Medyo malakas kong sigaw.

"Huuyy, yang bunganga mo! Mamaya karmahin ka niyan at main-love ka dun. Sige ka!"

"Sige manalangin ka pa!" Ngumiwi ako sa kanya. Sobrang BADTRIP talaga!!

Aaaaaaarrrrrrrrrgggggggggghhhhhhhhh!

Bakit ba ganito na lang yung inis na nararamdaman ko dun?! TSK!!

God? I'm not using Your name in vain. I just want to ask for Your answer kung bakit ganito? Could You please fix this? Sobrang Puzzled na po kasi talaga ako dito. ='< I just don't get it. Wala naman siyang ginagawa. Kung sabagay nga naiintriga pa ako sa kanya... Pero bakit nga ba inis na inis ako sa kanya gayong wala naman siyang kasalanan sa'kin? Please help me... =(

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon