13th Chapter of Destiny

214 11 0
                                    

13th Chapter of Destiny

"jhw whsuwgsvw jsqilgsugwwhb suwsgiuwsnwn jsyvsvg hsvhsbwh" Talak lang nang talak si Shaniah sa tabi ko. Ako naman diretso lang yung tingin at tulala.

"......"

*___*

"Huuuyyy!" Sinapak na niya ako! 

"Ouchh! Whatt????" Nilingon ko siya.

"Kaya pala kanina ka pa tulala dyan eh! Nakita mo lang naman pala siyang may kausap na babae!" Malakas niyang sabi. Agad ko namang tinakpan bibig niya.

"Gusto mong matanggal lahat ng ngipin mo??!" Brutal kong sabi. Umiling-iling siya.  "Good!" I took off my hand.

"Kasi naman, girl! Aminin mo na lang kasi kung nagkakagusto ka na--"

"NO! Hindi, hindi, hindi!" I crossed my arms at padabog na nangalumbaba. "Bwiset..." Mahina kong sabi.

"Mamaya mamatay na yang babae sa talim ng titig mo eh! Baka naman may tinanong lang yung girl kay Zethe mo. Hasus!"

"Paki ko ba sa kanila! Kahit maghalikan pa sila diyan, wala akong pakialam!" Mataray kong sabi.

"Weh? Nag-uusap pa nga lang parang gusto mo nang saksakin yung babae, how much more pa kaya pag naghalikan na sila? Whahahaha!" I just gave her an annoyed face at umub-ob ako sa mesa.

"Akala ko ba hindi siya nakikipag-usap? Lalo na sa mga babae?" I sighed.

"Oh yan! Edi lumabas din!" Inilapit niya ulo niya sa'kin. "Baka nga kasi may tinanong lang." She winked at me. I rolled my eyes.

"This is sooo wrong, Shaniah. Very wrong." Bumangon ako. "Sobrang-sobrang-sobrang-sobrang MALI talaga 'to, Shanz!!" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Anung gagawin ko! Hindi pwede to! Kabaliwan to! Katangahan to!!!" Naiiyak at naiinis kong sabi!

"Ouch ha! Anung katangahan?? Mas tanga ka pag pinatuloy mo yang pagpipigil mo sa sarili mo. Ano ka ba, girl! Matagal ka nang nasaktan ni Cendone, tsaka wala na si Gino Crater dito. Hindi naman siguro si Zethe gaya ng mga yun." She's trying to advise me...

"Pero kasi-- I have no luck in love. Wala talaga akong magandang makukuha diyan." I pouted.

"Oh di sana nagmadre ka." She rolled her eyes over me. -___-

"Mali kasi talaga, Shanz! Hindi siya qualified! May standards ako, diba? At walang-wala siya dun!" Paliwanag ko.

"STANDARDS? Nukaba, Eve! The moment you felt na gusto mo rin siya or crush mo rin siya, he's already been qualified." Ngumiwi si Shaniah.

"Kelan ko ba inamin na crush ko yun?"

"Yan! Ganyan! Mas magkakaCRUSH ka pa dun pag nagdeny ka pa! Ilang kidlat pa tatama sa'yo nang hindi mo nararamdaman eh!" Naiinis na yata siya sa kakaexplain. 

"Kasi nga, MALI. Yun lang."

"Walang MALI, girl. I'm just trying to make you realize so I'm sorry for always contradicting you today. True. Walang MALI, Eve. Hindi naman pangit si Zethe ah? Cute nga siya eh. Ma-appeal din siya. He's mysterious at diba type mo yung mga misteryosong lalaki kasi maiintriga kang kilalahin at guluhin siya? Oh ayan na! Matangkad din naman siya! Maputi! Tsaka dark eyes, rare asset! Nukaba! Gumising ka nga!" Kinatok niya ulo ko. -__- "Kung may mali man, IKAW yun. Masyado kang paHARD to fall eh. Hindi mo naman mababago yang puso mo. Haruuu! Para naman akong Guidance Counselor neto!" Natawa na lang din siya.

Ako naman... Tulala lang. Sobrang nakinig ako sa mga pinagsasabi niya... Matalino talaga 'tong babaeng 'to. Lahat ng sinabi niya, tumama sa'kin. Masyado kong dineprive self ko sa totoong nararamdaman ko. Takot akong magkacrush, magkagusto, lalo nang ma-in love sa isang lalaki... Lalo na sa tulad ni Zethe. I have no guarantee na may possibility nga bang magkagusto rin siya sa'kin.

Sa totoo lang, I find Zethe attractive. Oo, malakas appeal niya. Yun bang mapapatingin ka talaga. Kaso ang creepy niya eh. Ang hirap niyang basahin. He seems to have no emotion at all! Simply looking at him gives me a very hard time!

Thank you God, for giving me the answer I was searching for...

Ayokong aminin.

Ayokong tanggapin.

Pero sa ngayon, sige...

I admit.

CRUSH KO SI ZETHE.

Ngayon ko lang na-sure.

~~~~~~

Dahil sa pagdadalawang-isip ko sa crush-matters ko kay Zethe, I decided to do some survey. Lahat ng close friends ko, binigyan ko ng Personal or Private Messages sa facebook. I sent them Zethe's picture (na kinuha ko rin mula sa fb ni Zethe--okay ako na muna yung STALKER), and I asked them to rate him from 1 as the lowest and 10 as highest based on his physical aspects. Na-relieve naman ako nang malaman kong most of them, kilala si Zethe (dahil kay Elvirro Ven Marcos), so they were also able to rate him based on how they know him personally. 

Kinabukasan, nakuha ko na yung result.

LAYNE- First of all, ganda, ayaw kong ipamigay ka sa iba. Pero dahil sabi sa'kin nina Reylan ay mabait na bata itong si Zethe Bakla, I give him 8 points. Syempre hindi perfect! Ako lang ang perfect para sa'yo noh! :P Good luck ganda! Sana naman hindi ka niya gusto-- este, sana gusto ka rin niya! :D I love you :*

Loko talaga si Layne! Sobrang galing mambasag ng trip! 8 points.

AISIS- Siiisss! I'm giving Zethe 10 points! Perfect! Ang gwapo niya, sis! Nukaba! Wag nang maghesitate! Go go go na! :D Bagay rin kayo! Sabi ni Reylan mabait daw yan so vote na vote na ako dyaann! <3 Yeee! ^_^ Labyoo!

Haaay Aisis. Sana kaharap kita para makita ko yung mukha mo habang kinikilig ka. Hehe. 10 points.

JAIRA- Haays? Ayan na naman? In love in love na naman? Baka mamaya iiyak-iyak ka na naman ha? Hehehehe! Joke sis! 9 points for him. Hindi perfect pero may tiwala ako sa lalaking yan. Sana ligawan ka niyan para mas kiligin ka pa! Haha! Bagay kayo, in fairness! Yeee? Baka siya na soulmate mo? Ayy, hindi ka pala naniniwala diyan noh? Oo nga pala, parang kahawig niya si L (Ryuzaki). ^__^ Love you sis! Muaahh!

O___O Kamukha niya si L?!! Si L ko?!! Bulag ka ba, Jaira?! Anlayooo! -____- 9 points.

Hindi ko na iisa-isahin pa. Tally ko na lang.

LAYNE-                8

AISIS-                  10

JAIRA-                  9

IASHA-                 10

REYLAN-            10

JOSH-                  9

ROMETICON-     8

OLIVER-               8

SHANIAH-           10

With a total of 82/100 ~~!! 

='(

Hais.

Ayan na. Makakatulong na ba yan sa'kin? 

Sana naman oo.

Bahala na.

Haaayy...

Zethe. =( 

Sana magustuhan mo rin ako. 

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon