12th Chapter of Destiny

240 10 0
                                    

12th Chapter of Destiny

Saturday ngayon. Pero imbis na magpahinga ako, papunta na naman ako ngayon sa kung saan mayroong party poppers. May presentation kasi kami sa University this Monday at ako yung inutusan nilang bumili ng party poppers na yan. Haaay tinatamad talaga ako! Kainis.

"May party poppers po kayo?" Tanong ko sa mukhang mataray na nagbabantay.

"Mukha bang Party Shop itong pinasukan mo?" Mataray niyang sagot. Natahimik na lang ako. Mukha mo ate! Kung hindi lang ako marunong rumespeto, dumudugo na 'yang bunganga mo! Imbyerna ka!

Ilang shops na rin napuntahan ko pero wala talaga! Tssskkkk. Last na 'to! Last na talaga 'to! -__- Pumasok ako sa isang shop.

*Hanap*

*Hanap*

"Miss, anung hinahanap mo?" Tanong ng lalaking nagbabantay. Mukhang mabait 'to.

"Party poppers po. Meron ba?" Sana naman meron na. =/

"Ay opo. Meron po. Akyat lang po kayo dyan then liko po kayo sa kanan." He smiled at me.

"Thank you po." I smiled back at umalis na. 

Sa wakas naman at meron na! Muntik ko nang libutin buong Luzon ah! Agad akong nagbayad sa counter. Buti na lang at hindi masyadong marami yung tao dahil kung hindi, baka bigla na lang akong magwala sa kinatatayuan ko! :D

"Hello pa?" Sinagot ko call ni papa.

"Talaga? Susunduin niyo'ko dito? Sige, sige!" Napangiti ako. Haay salamat!

"Opo, pababa na po ako. Malapit lang pala kayo dito?" Sabi ko habang bumababa sa hagdan.

"Sige po--" 

O____O

Napahinto ako. Tumigil yung mundo ko. 

PAUSE.

Slow Motion.

Weird.

Sh*t na pakiramdam.

Bakit parang... parang... Natutuwa ako?

Natutuwa nga ba ako?

Tinakpan ko yung bibig ko at humikbi nang mahina.

Bakit ni hindi man lang siya lumilingon sa'kin? TERNO pa naman kami! NakaRED. Buti pa yung asungot niyang kasama... Kanina pa ako nakita. Siya? Deadma.

Tssskk!

"Bahala kang bwiset ka." Bulong ko sa sarili ko sabay pagpapatuloy sa paglalakad. Naiinis ako. Inis na inis! =/

Nilampasan ko na lang sila na parang wala lang. Kunyari di ako naiinis, di ako kinakabahan. Kunyari di ko sila nakita. Syempre sumulyap ako kay Zethe... Pero mas mabuti pang di ko na lang ginawa yun. Pwede pa sana akong mag-assume na sinulyapan niya ako. Kaso wala eh, kitang-kita ko kung pano niya inisnob beauty ko. PuZethe! -__-

*Exhhaallleee*

Maiinlab ka rin sa'king hayop ka! Hmmmff!

Pagkalabas ko sa shop, naghihintay na si papa sa'kin. Pumasok ako sa sasakyan habang nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig ko at humihikbi pa rin ako. (Hindi ako umiiyak).

"Oh ate? Anung problema?" Tanong ni Roises Ures Detarro sa'kin. Complete name yan para magets mo nang brother ko siya. YOUNGER. May twin siya, si Rexodus Orion Detarro. Mas matino itong si Roises kesa sa kambal niya. :D

"Wala, Roises. Diaphragm malfunction." Palusot ko.

"Huminga ka na lang nang malalim, nak." Suggestion ni papa.

"Opo." Kunyari huminga ako nang malalim. Pero yung totoo, hindi pa rin ako nakakaget over. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yun! Sa dinami-dami ba naman ng shop na pupuntahan ko at pupuntahan niya, dun sa shop pa na yun! Kelangan ba talaga naming magkita ngayon?? Matagal na akong natahimik dahil hindi na siya nagpapakita tapos he just appeared na naman nang hindi man lang ako nakapaghanda?! Ano ba talaga gusto niyang ipahiwatig?! Waaahh! Feeler ka, Ryen! FEELER! T___T

~~~~~

"Whaaaat??! Sa sobrang laki ng Makati, sa iisang shop pa kayo nagpunta??!!" Sigaw ni Shaniah sa kabilang linya. I called her pra ibalita yung news.

"Exactly, Shanz! Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba dapat kong isipin kasi ayaw ko nang mag-isip!" Napatawa na lang siya. -____-

"Destiny nga kasi kayo."

"Anung destiny, Shanz! Imposible nga! Pusong-bato yun eh! Inosente yun!"

"So? Hindi ba pwedeng magbago yun? Kaya nga Destiny made you meet!"

"Shuttup Shaniah Ramirez! Walang Destiny! Wala! Wala!" Debate ko sa kanya. Sinung baliw ba nagpauso ng Destiny na yan?!

"Meron! Bitter ka lang! Che! Yung totoo, aminin mo na kasing masaya kang nakita mo siya!" Panunudyo niya. 

Natahimik ako. Pumasok bigla sa isip ko yung una kong reaksyon nang makita ko siya... Parang na-shock ako and at the same time parang natuwa ako na sa wakas...nakita ko na ulit siya... Tama ba ako? Totoo nga bang nakaramdam ako ng saya?

O baka naman namiss ko lang presensya niya..?

"Oh? Diba? Sabi ko na nga ba eh! CRUSH mo na siya noh?????" Panunukso pa rin niya! Uwaaah!

"Oo na, natuwa ako, slight! Namiss ko kasi yung pagtatawanan natin kapag nag-uusap tayo tungkol sa kanya! Pero hindi ko siya crush no! NEVER! Ewww!"  Maarte kong sagot.

"Nakow baka tamaan ka ng kidlat sa kakaNEVER mo ha!"

"Siya yung tamaan ng kidlat para matahimik na buhay ko noh!"

"Hasssuusss malulungkot ka rin naman pag nawala yun."

"Shanniiaaahhh isa pa haaa! Ikaw talaga tinutukso mo talaga ako sa panget na yun! Sapakin kita eh! Hmmpf! Sige na! Wala na akong call. BYYEEEE!"

*Toooottt*

-____-

:-3

Kainis.

SOBRA!

"Umalis ka nga sa isip ko, Zethe! Hindi ka dapat nandyan eh! Ba't bigla-bigla ka na lang pumuwesto diyan? Wala kang lugar diyan!" Bulong ko sa sarili ko at hinawakan ko dibdib ko... "Mas lalo na diyan..."

God? Bakit ambilis ng sagot? Ito na ba yun? Pero masasaktan lang din naman ako diba? Bakit kelangang ITO pa yung sagot...?

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon