27th Chapter of Destiny

173 7 0
                                    

27th Chapter of Destiny

(Ryen Eve's POV): 

Nasa hagdan ako ngayon, nakaupo habang inaamuy-amoy yung roses na binigay ni Zethe sa'kin. It is a bouquet of seven roses, 3 red and 4 pink. Grabe. Sa pagkakaalam ko kasi, mahal yung roses ngayon. Paano niya nakayanang bilhin 'to? Nag-ambagan siguro sila ng mga katropa niya... Tsss.

Ambango ng bulaklak. Ansarap nguyain. :D Okay lang kahit lokohan lang 'to. At least may naibigay siya sa'kin na ikinabigla ko--at napangiti pa ako pagpasok ko  dito kanina. Hindi ko alam kung bakit pero natouch talaga ako nang inabot niya sa'kin 'to kanina sa harap nina papa. Seryoso talaga siya...sa panloloko niya sa'kin. :)

As for the present time, nasa sala sina papa, mama at Zethe, nag-uusap. Ang hindi ko lang magets is kung bakit parang hindi na scary yung aura nina papa at mama. Kanina kasi they were very serious but now, ngumingiti-ngiti pa sila while talking to Zethe. Nakatalikod si Zethe sa'kin kaya hindi ko makita expressions ng mukha niya...

Tahimik dito sa bahay kaya naririnig ko usapan nila. Actually, may dalawang maid kami--di kami rich, average lang--pero pinatulog namin nang maaga para walang istorbo. :D

"So, ilang taon ka na pala, Zethe?" Tanong ni mama.

"17 na po." 

"Aba magkaedad lang pala kayo ni Ryen. She's also turning 17 next four months." Tumatangu-tango si papa. O_O Mukhang kelangan ko nang kabahan?

"So, kelan ka nagsimulang manligaw kay Ryen?"

"Uhhh... Last week lang po."

"Seryoso ka ba kay Ryen?" Papa asked. Duh, papa, as if namang aamin yan.

"Sobra po. Sa kanya nga lang po ako nagkaganito..." Anung nagkaganyan? Tss.

"Nagkaganyan? Anung ibig mong sabihin?" Tanong naman ni mama. 

"Yun po bang... Lahat ng hindi ko inakalang magagawa ko, ginagawa ko na. Hindi ako namamansin ng babae, hindi ako nakikipag-usap lalo na nang matagal--usually po kasi isang word o isang sentence lang sinasabi ko." Zethe held his nape.

"Ganun ba? At paano naman kami makakasiguradong hindi mo lolokohin anak namin?" Papa asked again. Pa, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yong niloloko lang ako niyan. =/

"At paano kami makakampanteng hindi ka magiging distraction sa studies niya?" Dagdag ni mama. Ma, ngayon pa nga lang big distraction na sa'kin yan! Tsk.

"Hindi naman po ako yung tipo ng lalaking possessive sa oras ng mahal ko. W-Well--at least kay Eve, kasi sya pa lang naman yung minahal ko maliban sa pamilya ko. Tsaka hindi ko naman po siya pipiliting sumama sa'kin or na samahan ko siya lagi. I will understand her naman po kung kelangan niya ng oras na wala ako pero hindi rin naman po ako mawawala pag kailangan niya ako." Nakita ko namang tumatangu-tango sina mama't papa. Tang'nanay mukhang napapaamo niya mga magulang ko ah?! @_@

"Paano naman namin masisiguro yan?"

"Hindi ko po alam kung paano ko po yun mapapatunayan ngayon. I know it's easy to say pero baka hindi rin magawa." He sighed. Oh alam mo naman pala, ba't nanligaw ka pa? Laki mong tanga. "Pero para sa'kin po kasi... Hindi ako mahihirapang gawin yun. Sabi kasi ni papa sa'kin, pag mahal mo daw ang isang tao, hindi ka mahihirapan ipakita sa kanyang mahal mo siya. Lahat ng effort mo, hindi yun magiging experience ng hirap kundi magiging experience daw yun ng saya kasi naipapakita mo yung nararamdaman mo..." ~_~ Tama na, Zethe. Tama na. Di naman totoo yan. Tss. Inamoy ko ulit yung bulaklak.

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon