28th Chapter of Destiny

166 7 0
                                    

28th Chapter of Destiny


(Ryen Eve's POV):

Patuloy pa ring bumubuhos ang ulan. Ayaw yata talaga munang pauwiin ng langit si Zethe. Bakit ganun? Umiiyak ba ang mga anghel dahil huling pagkikita na namin ni Zethe 'to? Dapat nga matuwa sila diba? Kasi matapos nito, everything will be over.

"Salamat, Zethe." Sabi ni papa matapos niyang magpaturo kay Zethe. I checked the clock. Lagpas 11 pm na... Tsk...

"Hindi pa rin talaga humihina yung ulan. Mas lumalakas pa nga." Mama sounds worried. Then let him go home wet. That's not a problem.

"Pwede naman po akong magpayong, kaso baka masira." Zethe sighed.

"Naku, hindi kami papayag. Kahit magpayong ka'y siguradong mababasa ka." Ang OA niyo naman. Ang laki na niyan eh. =/

"Sorry po talaga sa abala..." Yumuko siya...

"It's  okay, Zethe. Buti nga at dumalaw ka dito. Natapos ko pa agad itong ginagawa ko." Papa said as he closed his laptop. 

I stared at Zethe blankly and I caught him...staring at me too... Hindi ko iniwas tingin ko sa kanya. So be it. Magkatitigan na tayo since last na din naman to.

*Stare*

*Stare*

*Baaaammm!!*

O____O

Napalingon kaming lahat sa pintuang padabog na bumukas!

"Rexodus?!" Napatayo si mama. Anung ginagawa nitong kapatid ko dito??

"Ma! Pa! What the hell is this?!" Basang-basa siya habang nakatayo't hinihingal sa labas ng pinto.

"Bakit?" Papa inquired. Nasulyapan ko si Zethe. He's puzzled.

"They tried to pick me up! Yung erpats nung Fiancee kong hilaw sinubukan akong kidnapin!!" Malakas niyang sigaw habang hinuhubad niya yung jacket niyang basa.

"Ano?! Bakit?! Anung ginawa mo??" -Mama

"Akala ko ba engaged lang kami tapos yun na yun?!" Tuluyan na siyang pumasok. "Bakit ngayon dadalhin na daw nila ako sa bahay kung saan titira ako kasama yung babaeng di ko kilala?!" Galit talaga mukha niya...

"Rex--"

"Ano??!! Ano na naman?! Ayokong tumira sa isang bubong kasama yung babaeng yun! Bakit kasi di na lang siya mamatay!" Ang bastus talaga nitong batang 'to! Ni hindi man lang niya napansing may ibang tao dito!

"Rexodus!! Napag-usapan na natin 'to! Gusto mo bang mamatay kapatid mo?!"

"Siya na naman?! Ha?! Paano ako?! Para niyo na rin akong pinatay nito!!" Nagwala na talaga si Rexodus! Kinahig niya lahat ng nasa ibabaw ng center table kaya kumalat ang mga ito sa sahig. Napatayo na rin si Zethe at umurong palayo. Nakakahiya, ampuch*!

"Kelangan mong gawin 'to, Rex. Please understand--"

"Ako?! Kelan niyo ba ako inintindi?! May mahal ako pero pumayag akong maging engaged dun sa babaeng yun at ngayon--SOBRA NA 'TO EHH!" Sinuntok niya ang dingding! O__O

"Patawad, Rex. But you've already agreed to this. May kontrata 'to at kabilang dun ang pagtira mo sa isang bahay kasama si Virenika."

"Virenika?! Anung klaseng pangalan yan?! You did not say anything about this contract, pa!! Bakit niyo ginagawa sa'kin 'to!! Lumayo na nga ako diba?! Bakit kelangang ganito??!!" Napaupo si Rex sa kinatatayuan niya at mahigpit niyang hinawakan yung ulo niya... He's very mad... 

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon