20th Chapter of Destiny

200 12 0
                                    

20th Chapter of Destiny

Buong weekend akong nagmukmok sa bahay. Nasa kwarto lang ako, tulala. Hindi na muna ako pumunta sa ospital... Nalulungkot lang ako dun. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon. Haay. Parang binagsak sa'kin yung buong mundo. Sobrang dilim... =( Dumagdag pa sa problema si Zethe... Tsk. Akala ko pa naman iba siya. Akala ko mabuti siyang tao. Psshh. They're all the same.

~~~~~

"Yeah Roseff, don't talk to her nga!" Suway ni Shaniah kay Roseff. Kanina pa kasi nila ako kinakausap pero hindi pa rin ako namamansin. I give all my attention sa phone ko.

"Hey, Ryen! Kung may manliligaw sa'yo, pano mo sasagutin?" Roseff cheerfully asked. Napatitig ako sa kanya. Mukha neto? Nag-iisip pa pala siya ng mga ganyan ha?

"Bakit?" Matabang kong tanong.

"Oh sige magtanungan na lang tayo!" Sarcastic niyang sagot. Loko to ah? Namimilosopo!

"Ah basta! Si ADAM lang sasagutin ko!" Malakas kong sabi. I'm serious about it.

"Bakit ADAM?" Nagtatakang tanong ni Roseff. Natawa na lang si Shaniah.

"Ang talino mo, Ros! Syempre, EVE pangalan niya eh!" Bahagyang tinulak ni Shaniah si Roseff.

"Ay sarrryyy ha? Saarryyy talaga!" Roseff pouted at umayos siya sa pag-upo. Hindi pa rin ako natatawa. Haayyss. Ang KJ ko ngayon. -_-

Bigla kong nakita si Krestan Ryno na naglalakad patungo sa direksyon namin. Baka naman makangiti na ako ngayon, for the first time today! Umayos ako sa pag-upo at tinitigan ko siya habang papalapit na siya.

Nung nasa harap ko na siya, ngingiti na sana ako pero...

*SNOB*

What?! Hindi niya ako pinansin?! What the H?! He acted like he did not see me at all! Imposibleng hindi niya ako nakita eh magkaharap kami! =/

"Na-intimidate yata yun sa'yo kasi nakasimangot ka!" Natatawang sabi ni Shaniah. I snobbed her. What an annoying friend! -___-

Humarap na ulit ako sa phone ko. Nag-usap na lang sila ni Roseff. Ang gulo na ng isip ko! Andaming problema, andaming pumapasok sa utak ko! Hindi ko na alam kung alin uunahin kong isipin! TSK! I wanna ddiiiieeee--!! 

"Eve." May humawak sa braso ko! O__O Kilala ko ang boses na yun! Lumakas at bumilis bigla yung tibok ng puso ko. My head is on fire! Ramdam ko yung kaba ko as well as galit ko. Hindi ako lumingon. Sina Shaniah shocked din!

"Uy, Eve." Ulit niya sabay galaw sa braso ko. O__O 

"Eve kelangan kitang makausap... May mahalaga lang akong sasabihin..." I can sense a trembling voice.

"Wuy babae! Kausapin mo na nga yan!" Sulsol ni Shaniah. I snobbed her ulit.

"Oo nga, Ryen..." Dagdag ni Roseff pero parang nagdalawang-isip siya sa sinabi niya.

I sighed tsaka ako lumingon.

"Sige..." Tumayo ako at naglakad. Nabitawan na niya yung braso ko. Sumunod na rin siya sa'kin.

I did it purpose--sa Covered Court ako tumungo para maingay. Para di ko siya marinig. Hindi naman siya nagreklamo. Nakatingin pa rin ako sa phone ko at hindi ako kumikibo. 

I sat down sa bleachers habang nanatili naman siyang nakatayo sa harap ko.

Shocks... Ang Awkward...

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon